Chap. 15

8.5K 244 8
                                    

Tanghali nang may dumating na sasakyan sa labas ng bahay ni Kenzo. Sinalubong ni Aling Auring ang panauhin. Kasama ni Aling Auring si Kenzo. Nasa may veranda sina Claire at Elaine nang mga sandaling ‘yon. Nakuha ang pansin nila ng bumaba ang isang babae sa kotse. Sinalubong ito ni Kenzo. Nagyakapan sila at nakipagbeso-beso ang babae kay Aling Auring.

“Nanay Auring, kumusta po kayo?” sabi ng babae.

“Naku Eva hanggang ngayon ang ganda-ganda mo parin.” Pagpupuri ni Aling Auring.

Tinawag naman ni Kenzo sina Claire at Elaine para dalahin si China. Pinakilala ni Kenzo ang anak sa babae.

“ China, this is Tita Eva. She’s pretty, isn’t she?” Tanong ni Kenzo sa bata. Ngunit hindi humarap si China. Nakayakap parin kay Elaine. Napansin naman ni Elaine na mukhang sopistikada ang babae. Matangkad ito at mestisahin ang ganda. May mga mapupungay na mata; mapula-pulang pisngi at may makinis na balat. Napansin naman n’ya na halos hindi kumukurap ang mata ni Kenzo sa bawat kilos ng babae.

Naisipan ni Claire na magpaalam sa amo dahil mukhang nagugutom daw ang bata. Ang sinabi ni Claire ay pawang pagkukunwari lang. Napansin kasi ni Claire na parang nasasaktan si Elaine sa kaharap nila. Hinahawakan kasi ni Kenzo ang kamay ni Eva.

“Di ba’t kakain lang ni China kanina?” Tanong ni Elaine.

“Alam mo medyo tanga ka rin ano? Natural umiskerda na tayo kesa naman magtunganga tayo doon at nanamnamin mo ang emosyon mo.” Singhal ni Claire sa kaibigan.

“ Hindi naman ako apektado. Baka ikaw?” Hinarap ni Elaine si Claire.

“Hindi raw. Weeeeee! Eh ‘yong mga mata mo parang mangiyak ngiyak kanina. ” Dagdag na sinabi ni Claire. Naiinis na si Elaine sa mga sinasabi ng kaibigan kaya’t iniwan na nito si Claire.

“Hoy, Elaine biro ko lang ‘yon. Hindi ka naman mabiro!” Sigaw ni Claire.

Habang kumakain sina Kenzo at Eva. Bumaba si Elaine at pupumunta sa kusina; Napadaan s’ya sa dining room at na hagip ng kanyang mga mata na sinusubuan ni Eva si Kenzo. Napayuko si Elaine sa nakita. Nakasalubong naman ni Elaine si Mang Lazaro.

“Elaine saan ka pupunta?” Tanong nito. Narinig naman ni Kenzo at napalingon ito sa kinatatayuan nina Elaine at ng Butler.

“Pupunta po ako sa kusina kasi kukuha ako ng biscuits ni China.” Sagot ni Elaine sa Butler. Kaya nagmadaling umalis agad si Elaine. Alam ni Elaine sa sarili na naaapektuhan sya sa presensya ni Eva. Pati s’ya nalilito sa sarili kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon