Chap. 34

9.4K 268 10
                                    

Ilang araw na nagsanay sina Elaine at Dione sa pag-awit. Tulad ni Elaine magaling rin Dione sa pagkanta. Kaya s’ya ang humahalili kay Elaine tuwing wala ito. Naisipan ni Elaine na isama si Dione sa araw ng kaarawan ni China. Dahil alam n’ya na maaring paawitin s’ya sa araw na ‘yon. At baka hindi matuloy ang kanyang binabalak.

 

 

Dumating ang kaarawan ni China. Imbitado ang lahat na mga kaibigan ng bata. Nandoon din ang mga kaibigan ni Kenzo. Idinaos ang kaarawan ng bata sa hardin ng mansion. Habang abala ang lahat, napansin ni Eva na parating umaalis ang bata. Kung saan saan pumupunta. Para bang hindi mapakali. Nilapitan n’ya ito at tinanong.

 

 

“China, meron ka bang hinihintay?”

 

 

Tumango ang bata. At palinga linga ito sa buong paligid. Hindi naman maunawaan ni Eva kung bakit. Kaya hinanap n’ya si Kenzo.

 

 

“Meron pa bang bisita na di dumating? Kasi kanina pa parating pabalik balik ang bata.” Sumbong ni Eva kay Kenzo. Tinawag ni Kenzo si China at kinausap.

 

 

“China, meron pa bang kaibigan mo na wala dito? Gusto mo bang tawagan ko?” --si Kenzo.

 

Umiling si China. Napansin ni Kenzo na mukhang may hinahanap ang bata. Lalo na’t may dumarating na bagong mga bisita. Maya’t maya ay biglang tumakbo si China papuntang Mansion para salubungin ang paparating na bisita.

 

 

“Yammy!!” Sigaw ni China. Napalingon ang lahat dahil sa sigaw na ‘yon.

 

 

“ Happy Birthday, China!” Sabay yakap ni Elaine sa bata. Kasama ni Elaine sina Dione, Vee at Christer.

 

 

“ Akala ko hindi ka na darating? ” Tanong ng bata. Hinawakan ni China ang kamay ni Elaine at naglakad papunta pabalik sa party. Nakatingin naman ang mga kaibigan ni Kenzo kay Elaine. Sino nga ba ang makakalimot sa kanya nung nangyari sa Boracay. Halos lahat sila ay natatandaan s’ya. Ngumiti lamang si Elaine sa mga taong nanduroon. Nilapitan s’ya nina Kenzo at Eva. Taas noo parin si Elaine na harapin ang dalawa.

 

 

“Thank you for coming.” Sabi ni Kenzo. Ngumiti naman si Eva. Ngumiti rin naman si Elaine. Agad hinila ni Vee si Elaine na maupo sa isang mesa. Kung sabagay pumunta lang naman sila dahil kay China.

Halos ayaw umalis ni China sa tabi ni Elaine. Masayang nakukwentohan ang 4 sa bata. Lumapit din naman sina Jake at Laurence sa kanila. Pakiramdam ni Elaine lahat ng tao ay nakatuon ang tingin sa kanya. Binabale wala na lamang n’ya ‘yon.

 

 

Matagal natapos ang party. Nang halos lahat ng mga bata ay nagsiuwian na, mga kaibigan ni Kenzo ang natitira na patuloy nag-enjoy sa party. Nakadama ng pagod ang bata kaya inihatid ni Elaine si China kay Claire. Naghihintay naman si Claire sa sala ng Mansion.

 

 

“China, heto ang regalo ko sa ‘yo.” Pinakita ni Elaine ang isang malaking Teddy Bear. Tulad ng luma meron din itong malaking heart sa dibdib at may larawan nilang dalawa. Niyakap ito ng bata.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon