Chap. 19

8.8K 282 10
                                    

Kenzo’s POV

Maaga akong dumating galing sa trabaho. Naisipan kong pumunta sa silid ng aking anak. Nakasalubong ko si Claire.

“Claire, nasaan si China?” tanong ko.

“Ah, nasa silid ho n’ya. Mukhang inaantok ho kasi kanina kaya pinatulog ni Elaine.” Sagot niya.

Ilang araw narin na di kami nag-uusap ni China. Ama ako ng aking anak; pero hindi ko magampanan ng lubusan sa kanya ang pagiging ama. Mabuti at nandito pa si Elaine; nangangamba ako sa pagtatapos ng kontrata nila.. 2 buwan nalang ang natitira. Kailangan malaman ko ang kanilang desisyon. Lalo na’t naaalala ko ang sinabi ni Nanay Auring;

“Kasi narinig ko kanina na nagbabalak na sina Elaine at ang asawa n’ya na magkaanak na silang dalawa. Hinihintay nalang ni Elaine na matuto si China na kumilos na mag-isa. Yong tipong hindi na sya hahanapin.”

Oo, inaamin ko apektadong apektado ako. Inaalala ko si China. Inaalala ko na baka ilalayo na ni Gelo si Elaine sa amin. Tuwing pumapasok sa isipan ko ang mga gabing sinusundo si Elaine sa labas ng gate -- “Gusto kong tumakbo at lapitan s’ya; ngunit di ko magawa.

Nais kong ikulong s’ya sa aking mga bisig at panatilihin s’yang nakayakap sa akin.

Ngunit hindi ako ang nasa katayuan na ito. Kundi ang ASAWAn’ya.“

Dahan dahan kong binuksan ang silid ng bata; Nakita kong natutulog silang dalawa na magkatabi. Nakahiga si China sa mga bisig ni Elaine. Hinahawakan ni China ang kamay ni Elaine habang nakapatong sa kanyang dibdib. Halos madurog ang puso ko kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni China kung wala na si Elaine. Bakit kailangan pang magkawalay kami ni Elaine. Bakit hindi nalang s’ya naging akin?

Muli akong lumabas sa silid. Nasa labas na rin pala si Nana Auring.

“Enzo, mag-usap tayo.” Si Nanay Auring.

Pumasok kami sa aking silid.

“Enzo, alam kong mahal na mahal mo si Elaine. Kahit sabihin mong si Eva ang napili mong maging bahagi ng buhay ninyong mag-ama. Enzo, palayain mo na s’ya.” Hindi ko magawang pagmasdan si Nanay Auring.

“Nay, sa simula alam kong mahihirapan kami ni China. Pero matutonan din naman namin s’yang kalimutan.” Sabi ko. Pero sa totoo lang labag sa aking kalooban ang sabihin ‘yon.

“ Alam nating lahat ang pinagdaanan ninyo ng anak mo. Pero sana Enzo maging matatag ka sa mangyayari. Gawin mo ang nararapat.” --si Nanay Auring.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon