Chap. 31

9.4K 283 3
                                    

Hindi akalain ni Elaine na naaalala pa ni China ang madalas n'yang sabihin sa bata noon-- ang 14344. Magkahalong tuwa at lungkot ang naramdaman ng lahat nandoon sa paligid nila.

 

 

“China, nandito na ang Teddy Bear mo..” Biglang dumating ang isang katulong bitbit ang lumang laruan ni China.

 

 

 

Agad tumakbo si China at kinuha ito. Muli s’yang lumapit kay Elaine. Napapaluha naman si Elaine dahil hindi n’ya akalaing hawak hawak parin ni China ang laruang iniwan n’ya sa bata. Kupas na ang kulay ng laruan at maging ang larawan n’ya ay wala na; hindi n’ya akalain naging kasama parin ng bata ang laruan hanggang sa pagtulog.

 

 

“China...I’m sorry, that I left you. At matagal bago ako bumalik. ” Sabi ni Elaine sa bata.

 

 

 

“Yammy, You won’t leave me again, right?” Hindi n’ya alam kong anong isasagot sa bata. Ayaw n’ya nang magbitaw ng kahit anong salita dahil baka hindi na matupad.

 

 

“I don’t know.”--si Elaine.

 

 

“Please stay with me again.” Maluha luha si China na sinabi kay Elaine.

 

 

“China, matulog ka na. Nandyan na ang Teddy Bear mo.”

Agad kinuha ni Claire si China. Alam ni Claire na magiging mahirap sa bata ang pagtatagpong ‘yon. Muling niyakap ni Elaine si China.

 

 

“Good night. 14344...” Hinalikan ni Elaine ang bata. Saka umalis sina ni Claire at China.

 

 

Napaluha si Elaine. Agad umalis palabas ng mansion. Agad namang sumunod si Vee. Bago umalis si Christer, hinarap n’ya si Kenzo.

 

 

“Alam ko namang walang BUSINESS DEAL na pag-uusapan dito. You just want to see her, am I right? But anyway, it’s nice to meet you.” Nagmamadaling umalis si Christer.

 

 

Hindi nakapagsalita si Kenzo. Lumapit si Eva sa kanya.

 

 

“ Make up your mind Kenzo. I wasted my time. I don’t deserve this.” Agad ding umalis si Eva.

 

 

Naiwan ang dalawang kaibigan ni Kenzo. Inakbayan nila si Kenzo na maupo sa sofa.

 

 

“Paano ba ‘yan Kenzo? Ngayon nandito na si Elaine. Itutuloy mo parin ba ang pagpapakasal kay Eva? You have to decide. Sino man ang pipiliin mo sa kanilang dalawa..masasaktan ang isa. Let me remind you, nasa kay Elaine ang kaligayahan ng anak mo. Si Eva, ang pinangakuan mo.” --si Laurence.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon