Chap. 13

7.8K 242 1
                                    

GELO’S POV

Noong gabi na kinuha ko sa Boracay si Elaine; Hindi ko sigurado noon kung ano talaga ang nangyari kay Elaine. Pero hindi maalis sa kutob ko na si Kenzo ay bahagi ng pangyayaring ‘yon.

Bago ko nakaharap si Kenzo; batid ko na may hindi magandang nangyayari sa loob. Hanggang sa nakaharap ko s’ya. Nagtatalo noon ang isip ko. At nang makita ko si Elaine na may pasa sa pisngi; inisip kong magpakita ng galit at matinding reaksyon laban kay Kenzo.

FLASH BACK ( nung gabing nagkagulo sa Boracay )

“Hayop ka! Anong ginawa mo sa asawa ko?!“yon ang tanong ko sa kanya. Hindi man lang s’ya sumagot. Dahil kung hindi s’ya ang dahilan sa nangyari kay Elaine, sasagutin n’ya agad ako. Pwede n’yang sabihin ” NA WALA S’YANG KINALAMAN SA NANGYARI.“ Eh, di sana makumpirma ko kung anong totoo. Nagpupumiglas ako para lapitan s’ya. Mahina ang kapit sa akin nina Elaine at Claire at kaya kong pumiglas kung tutuusin.

Kaya para mailayo ko si Elaine sa nag-uumpukang mga kaibigan ni Kenzo, hinila ko palabas si Elaine. Nagulat na lang ako nang hawakan ni Kenzo ang kamay ng asawa ko. Yong tipong hawak na ayaw n’yang pakawalan ang kamay ni Elaine. PINIPIGILAN N’YA. Dahil kung talagang wala s’yang gusto sa asawa ko hindi ni Kenzo pipigilan ng ganun si Elaine. Kaya hindi ko napigil ang sarili ko at sabihing“ WALA KANG KARAPATAN SA ASAWA KO! AT KAHIT HINDI MO AMININ ALAM KONG MAY PAGNANASA KA KANYA.”Sinabi ko ‘yon dahil gusto ko lang mapatunayan kung totoo ang hinala ko.

“MAHAL KO ANG ASAWA MO!” Parang may bomba na pumutok sa utak ko nang ipagsigawan nya ‘yon. At hindi ako nagkamali. Mas lalong uminit ang ulo ko. Kaya hindi na ako nagdalawang isip na patagalin pa si Elaine sa poder n’ya.

At nang gabi na pumunta kami sa Hospital; kung hindi lang dahil sa bata, kailan man hindi ko na papayagan si Elaine na makipag-ugnayan pa sa kanila. Masakit man isipin na may posibilidad na pwedeng maagaw ni Kenzo ang pagmamahal ni Elaine sa akin. Dahil nakikita ko sa mga mata ni Elaine ang kakaibang emosyon sa bata. Umaasa ako na walang magbabago sa nararamdaman ni Elaine sa aming relasyon. May tiwala ako kay Elaine na kaya n’ya malagpasan ang tukso ni Kenzo.

======================================================

Third Person’s POV

Nasa labas ng bahay sina Elaine At Claire, habang naglalakad lakad si China sa hardin. Nakita nilang papalapit si Kenzo. Halatang may importanteng lalakaran dahil nakaBusiness Suit ito. Sa tayo at tindig ni Kenzo, mistulang mag-aalangan ang isang ordinaryong babae na lapitan s’ya; maliban nalang kung nasa parehong estado ng pamumuhay ang babaeng lalapit sa kanya.

Mababakas sa mukha ni Kenzo ang blangkong emosyon. Makikita mo ang matigas at maawtoridad na tao. Hindi na s’ya ang dating Kenzo na nakilala nila Elaine.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon