Chap. 36

12.7K 305 2
                                    

Katatapos lang ng trabaho ni Elaine. Pagod na pagod na s’ya sa loob ng ilang oras na pagkanta. Kaya pakiramdam n’ya para s’yang latang- gulay pag umuwi ng bahay.

 

Kamakailan nga lang naman s’ya dumating galing Pilipinas, pero isinabak n’ya agad ang sarili sa trabaho. Mabuti narin ang ganito para makalimutan n’ya ang mga lungkot na nadarama.

 

Umuulan ng yelo at napakalamig ng panahon. Nagkaroon ng mahabang traffic sa dinaraanan ni Elaine. Mas lalong matatagalan s’ya ng pag-uwi kapag ganito ang situasyon sa daan. Gustong gusto n’ya nang umuwi at mahiga sa kanyang kama.

 

Kaya nang marating n’ya ang Building ng apartment; kailangan n’yang pindutin ang code number ng kanyang unit sa isang keypad para bumukas ang main door. Tuloy-tuloy s’yang pumasok at nagmamadaling sumakay sa elevator.

 

Mabigat na mabigat na ang kanyang mga mata. Nang marating n’ya na ang palapag na kung saan ang kanyang unit. Gustong gusto n’ya nang tumakbo sa kanyang unit.

 

Nang bumukas ang pinto, nagulat s’yang may 2 lalaking nakatayo sa labas ng elevator. Hindi naman binigyan ng pansin ni Elaine. Inisip n’ya baka galing sa ibang unit ang mga lalaking ‘yon. Nakailang hakbang palang s’ya, nang biglang napahinto si Elaine.

Muli n’yang nilingon ang mga lalaki, subalit pumasok ito sa elevator.

 

 

“Anong ginagawa ng mga lalaking ‘yon dito? Ang pagkakaalam ko tanging kami lang nina Christer at Vee ang nag-o-occupy ng floor na ito. Saan naman galing ang mga lalaking ’yon? Hindi naman siguro magnanakaw kasi may mga cctv dito. At isa pa, hindi makakapasok dito sa building paghindi alam ang security code. Hindi rin nila pwedeng buksan ang mga pinto ng unit dahil may personal security code ang mga may-ari dito.” - si Elaine.

 

 

Hindi nalang pinansin ni Elaine dahil pagod na rin s’ya para mag-isip pa ng kung anu-ano.

 

 

Nang makapasok na s’ya ay nagpahinga s’ya ng sandali. Pagkatapos naman ay tinungo n’ya ang banyo at nag-shower na rin. Pagkatapos nun ay sinuot n’ya ang kanyang loose t-shirt at lacy boxer shorts. At agad nahiga sa kanyang kama. Hindi pa naabutan ng 10 minuto tulog na si Elaine.

 

Himbing na himbing si Elaine sa kanyang pagtulog. Tumagilid s’ya habang yakap ang isang unan.

 

 

“Mmmmmmm...ang lamig......” sabi ni Elaine.

 

 

“Oo nga, ang lamig-lamig. Patabi naman.” Sabi nang isang boses.

 

 

“Sumiksik ka na lang...pagod ako.” --si Elaine.

 

 

“Alam ko...pagod rin ako.” Sabi ng boses.

 

 

“Payakap, ha.” Dagdag na sinabi ng boses na kumakausap kay Elaine.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon