Chap. 27

8.8K 230 0
                                    

Nang marating na nina Elaine ang tinutuluyang Hotel agad bumaba si Elaine sa taxi. Hinabol naman ng dalawang kaibigan nito.

"Margaux, wait! " Sigaw ni Vee.

"Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong ni Christer habang sinusundan si Elaine.

"Just keep walking. I don't want to stop." Singhal ni Elaine. Nahalata ng dalawa na tila takot si Elaine. Hanggang sa narating nila ang silid ni Elaine.

"Margaux, bakit natitense ka ngayon. Sino ba sila? May dapat ba kaming malaman maliban kay Gelo? Ano bang nangyari sa 'yo sa Pilipinas?" Diretsong tanong ni Christer.

Naupo si Elaine sa kama at tinakpan ang mukha n'ya..hindi naman s'ya umiiyak pero huminga s'ya ng malalim..Hindi alam ni Elaine kung paano sisimulan ang kwento...

"Margaux?" tanong ni Vee.


"Naaalala ba ninyo ang interview ni Kenzo Admiral sa tv? Di ba't may inamin s'ya doon tungkol sa yaya ng kanyang anak?( Pause )......AKO 'YON! AKO..ANG TINUTUKOY N'YA!! KAYA NATATAKOT AKO SA DALAWANG LALAKI NA 'YON DAHIL MGA KAIBIGAN SILA NI KENZO." Kasunod ay umiyak si Elaine.


"Ibig sabihin ikaw ang yaya na sinabi n'yang minahal n'ya?" Paglilinaw ni Vee.

Tumango si Elaine. Sinimulang isinalaysay ni Elaine ang mga pangyayari sa loob ng masion ni Kenzo. At ang dahilan ng kanyang pag-alis doon.

"Kakaloka ng story mo Marg, pang-MMK talaga! hahahahahah.." Natawa si Vee.

"Seriously, mukhang hindi ka naman nakilala ng dalawang 'yon. Sa tingin ko nagdadalawang isip ang mga 'yon. Buti nalang hindi ka nagpakita ng reaksyon kanina kahit tinatawag kang ELAINE." Dagdag ni Christer.

"Oo nga. Kung nagkataon sigurado may mga guard na tabi -tabi ng hotel na 'to." Sabi ni Vee.

"Hindi naman siguro 'no." Sabi ni Elaine.

"O di ba, narinig mo na nga kanina ang sabi nung kasama n'ya --Maybe she's not the one we're looking for. Ibig sabihin nun hinahanap ka nila o pinapahanap ka!" --si Vee.

Muling kinabahan si Elaine..agad n'yang naisip si China. Lalo na ang huling nangyari sa araw ng pag-alis n'ya. Napasabunot si Elaine ng ulo n'ya.

"Oh my god! Baka anong nangyari sa bata nung umalis ako!" Agad nag-alala si Elaine.

"Don't worry. I'm sure she doesn't remember you anymore. Malay mo nakarecover na ang bata. Imagine hindi ka n'ya nakita for several years. Habang lumalaki ang bata nagbabago ang lahat." Sabi ni Christer.

"Ibig mong sabihin may posibilidad na 'di n'ya na ako makikilala?" Paglilinaw ni Elaine sa kaibigan. Nakadama agad s'ya ng lungkot.

"Yeah. Unless if there is something to remind her of you. Meron kaya?" --si Christer.

"Ang teddy bear na iniwan ko sa kanya na merong larawan ko." Agad na sagot ni Elaine.

"Pwedeng ipatapon ni Kenzo 'yon. Maswerte na lang kung nandoon pa 'yon. You know some rich people don't like old stuff." Si Vee. Sumangayon naman si Christer.

"Ibig sabihin ba nun pati ang tattoo na nasa aking dibdib wala narin saysay?" Pinakita ni Elaine ang tattoo.

"Girl, hindi naman alam ng bata ang tungkol sa tattoo mo. Ano ang significant ng pangalan n'ya at ang numbers na 'yan. Margaux, tulad ng sabi ko sa'yo everything changes through the years..ikaw nga nagbago na..sa tingin mo makilala ka pa ng bata? And besides, there's no blood relation between you and her...para makadama ang bata ng tinatawag na LUKSO NG DUGO." Napayuko si Elaine. Tama si Christer..maari ganun nga ang mangyayari. Wala nang dahilan para umasa si Elaine na magkita ulit sila ni China.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon