Chap. 30

8.9K 291 11
                                    

Hinanda na ni Elaine ang kanyang sarili sa pagtatagpo nila ni Kenzo. Huminga s’ya ng malalim habang tinitignan ang sarili nito sa salamin.

 

 

“Hindi ka na si Elaine...Ikaw na si Margaux. H’wag kang umiyak sa harap ni Kenzo kahit na alam mong masakit..Tangapin mo na si Eva ang mahal n’ya..at hindi ikaw...pupunta ka sa pamamahay n’ya para makita mo rin si China. Maging matibay ka..ngayong wala ka nang paghahawakan pa. Kapitan mo ang sarili mo..TANGING SARILI MO.”

Tanging paalala ni Elaine sa sarili.

 

 

“Margaux, handa ka na ba talaga?” Tanong ni Vee sa kaibigan. Ngumiti lang si Elaine.

 

 

“Marg, ano man ang mangyari..nandito kami sa tabi mo..hindi ka namin iiwan.” Niyakap s’ya ni Christer.

 

 

Nanatiling tahimik si Elaine at hindi kumikibo.

Magkahalong kaba ang naramdaman ni Elaine habang papalapit na sila sa pamamahay ni Kenzo. Napansin n’yang walang pagbabago ang lahat. Tulad parin ng dati.

 

Naunang bumaba ng sasakyan si Christer..sumunod si Vee.. Huli na lumabas si Elaine. Nang bumaba si Elaine nilibot n’ya ang kanyang mga paningin sa buong paligid.

Nakatayo sa may pinto si Aling Auring at ang Butler. Habang papalapit si Elaine sa pinto ay halatang nagulat si Aling Auring at si Mang Lazaro sa kanya.

 

Ngumiti lamang si Elaine sa kanila.

 

Pagpasok palang ni Elaine ay sinalubong na sila nina Jake at Laurence. Parang natulala ang 2 habang titig na titig kay Elaine. Ngumiti lamang si Elaine. Inikot ng mga mata ni Elaine ang buong paligid. Hanggang sa nagtama muli ang kanilang mga mata ng lalaking hinahanap n’ya...si Kenzo.

Pakiramdam ni Elaine, parang pinapatay na s’ya nang mga sandaling ‘yon. Magkahawak ang kamay sina Kenzo at Eva.

Mukhang gulat na gulat din si Kenzo nang magkatitigan sila ni Elaine. Halos hindi maikurap ni Kenzo ang kanyang mga mata sa babaeng matagal n’ya nang hinahanap.

 

Pakiramdam ni Kenzo, wala nang salamin na namamagitan sa kanila ni Elaine; pero mistulang hindi n’ya parin mahawakan ito. Saka lamang n’ya naalala na magkahawak ang kanilang kamay ni Eva.

 

Hindi magawang alisin ni Elaine ang kanyang mga titig sa dalawa. Hindi n’ya alam kung dapat bang pagsisihan n’ya ang kanyang pasya na magkita silang muli ni Kenzo. Pero dapat n’yang harapin ito kahit na masaktan s’ya.

 

 

“Hello, Mr. Admiral. It’s my pleasure to meet you. I’m Christer Forens. ” Nakipagkamayan naman si Christer kay Kenzo. Pinakilala naman ni Kenzo sina Jake at Laurence.

 

Kasunod naman ay pinakilala ni Christer si Vee.. Nakipagkamayan din si Vee sa apat. At ang huli na pinakilala ni Christer ay si Elaine.

 

 

“This is MARGAUX ELAINE VENTURA. Our lucky charm. ” Inilahad ni Kenzo ang kanyang kamay kay Elaine. At tinanggap naman ni Elaine. Mahigpit ang hawak ni Kenzo sa kanyang mga kamay. Muling naramdaman ni Kenzo na tila bumagal ang kanyang mundo sa mga sandaling iyon. Ngunit agarang inalis ni Elaine ang kanyang kamay dahil nakakadama s’ya ng kakaiba sa hawak ni Kenzo..

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon