Chap. 8

9.9K 271 6
                                    

Geo’s POV

Paalis palang kami sa Mansion. Hindi maalis sa isip ko ang mga titig ni Kenzo Admiral kay Elaine. Para bang nakakaramdam ako ng pagseselos..Alam kong mali ang iniisip ko. Pero hindi ko maiwasan ang mag-alala. Lalaki ako; kabisado ko ang ganung mga titig. Yes, I used to be a womaniser. But Elaine is different from the rest. She is very special to me. Ipagpapalit ko ba ang tunay kong katayuan kung talagang di ko s’ya mahal.

“ Gelo, sa ‘yo ba ang kotse na ’to?” tanong ni CLaire.

“Yup. Sa akin ‘to.” Nilingon ko si Claire.

“ Pero Gelo paano mo nabili ‘tong kotse?” tanong ni Elaine. Alam kong nagtataka s’ya kung pano ko nakuha ito.

“ Ahmmmm...napromote ako sa Kompanya. Kaya ito ang ibinigay nila sa akin.” Sagot ko.

“Wow, ang galing naman ng kompanya n’yo; namimigay ng kotse.” Sabi ni Claire. Sumangayon din si Elaine.

Ibinili sa akin ito ni Kuya Aldrin. Buti nga lang ito ang ibinili sa akin dahil alam n’ya mabubuko ako ni Elaine kung sakaling Ferrari o Jaguar pa ang ibibigay sa akin. Kahit na kung turingin nila ako sa pamilya na Black Sheep; hindi nila ako matitiis. Hindi ko muna alalahanin ang mga kasinungalingan ko kay Elaine..kailangan lang dahan dahan kong ayusin.

======================================================

Third Person’s POV

Namasyal sina Elaine at Gelo kasama ang dalawang bata sa mall. Gulat din si Elaine sa mga pinamili ni Gelo. Gusto man n’yang magtanong kung bakit ganun gumasto ang asawa ay pinili n’yang h’wag nang alamin.

Hapon na silang umuwi sa bahay. Masaya ang mga bata sa mga pinamili ni Gelo sa kanila.

Oras na ng kanilang pagpapahinga, may inilabas si Gelo na munting box.

“Elaine, para ‘to sa ’yo.” At iniabot ni Gelo.

Binuksan ito ni Elaine at nagulat sa nakita. Isa itong singsing.

“Wow, Gelo para sa akin ba ‘to? Mukhang mamahalin naman.” Nakangiting sinabi ni Elaine kay Gelo.

“ Syempre naman. Mahal kita. Hindi man kita nabigyan ng singsing nung kasal natin kaya bumawi ako.” Sabi ni Gelo. Agad naman na niyakap ni Elaine ang asawa.

“Mahal kita,Elaine..mahal na mahal.” --si Gelo.

“ Ako din...Mahal kita.” --si Elaine.

Hindi alam ni Elaine kung kapanipaniwala pa ba ang sinabi n’ya sa asawa. Gayung s’ya mismo ay nagdududa na sa nararamdaman. Inisip ni Elaine na dapat labanan n’ya ang mga bagay na makakasira sa relasyon nila ni Gelo. Ngunit paano?

Kenzo’s POV

Medyo malakas parin ang ulan sa labas. Dito ko pinatulog si China sa aking silid. Ako na lang muna ang magbabantay. Mabuti naman at hindi na iyakin si China. Umiiyak na lang paggutom. Ang kawawa kong anak; lalaki na walang ina.

Bakit kasi huli ko na nakilala si Elaine? Ganito ba kalaki ang mundong ginagalawan ko at di ko s’ya natagpuan agad. Siguro kung maaga ko s’yang nakilala, hindi ako makakaranas ng lungkot tulad nito. Mas malungkot itong naramdaman ko kesa sa pagkamatay ng asawa ko. Siguro nga dahil hindi ko minahal ng lubos si Anna.

Mahal ko si Anna dahil ina s’ya ng anak ko. Pero iba si Elaine. Nakakalimutan ko panandalian ang lahat..iisa lang ang tumatakbo sa utak ko ELAINE COMPLETES MY WORLD.

“ Anak, kung darating ang panahon na iiwan tayo ni Yaya Elaine.. hindi ko alam kung matutunan ko pang ngumiti. Kung sakali mang iiwan n’ya tayo sana makakayanan ko ang sakit. Kanina nga lang, pakiramdam ko para akong nadurog...Ang hirap isipin at tanggapin SHE WILL NEVER BE MINE.”

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon