Chap. 20

9K 287 13
                                    

Natagpuan ni Elaine ang sarili sa harap ng isang Beauty Parlor. Tumuloy s’ya sa loob. Mabuti nalang at walang customer kundi s’ya. May nag-uumpukang mga bakla ang nasa loob. Agad n’yang naisipan na paputulan ang kanyang mahaba at maitim na buhok.

“May I help you?” --sabi ng bakla.

“ Gusto ko ng PIXIE HAIRCUT. Kulayan mo na rin ng AUBURN.” Mistula wala s’ya sa sarili ng sabihin n’ya. Napatingin naman ang bakla sa kanya.

“Ay, Ate broken hearted ka? Naku, h’wag kang paapekto. Ang ganda ganda mo kaya. Alam mo, madalas na pumapasok dito sa Parlor ko at magpapagupit ng PIXIE style lahat broken hearted. But you have to move on. Marirealize lang ng lalaki na s’ya ang nawalan. Hindi ikaw.” Napatingin naman s’ya sa bakla.

Napansin ng bakla ang matamlay n’yang mga mata. Kaya ginawa na lang ng bakla ang kanyang trabaho.

Nang matapos na...

“Wow, kabog na kabog ang byuti mo Ate!!!” Napatili ang Bakla sa kanya.

“Taray! Bagay sa ‘yo ang maiksing buhok.” Sabi ng kasama ng Bakla. Napangiti si Elaine nang makita ang sarili sa salamin. Napatingin si Elaine sa nagkahilerang mga wigs. Pumili s’ya ng wig na nababagay sa kanya.

“ Ay, ba’t ka pa gagamit ng wig?” Tanong ng bakla.

“Surpresa ko lang sa mga kaibigan ko.” --si Elaine.

At tuluyang umalis at umuwi sa kanila.

=======================================================

Samantala, hinahanap ni China si Elaine.

“Yaya, Claire where’s Yammy?” --si China.

“May emergency s’yang pinuntahan.” --si Claire.

Nag-aalala si Claire kay Elaine. Kanina n’ya pa tinatawagan ngunit hindi ito sumasagot. Lumapit si Laurence kay Claire.

“Claire, saan pumunta si Elaine? Nakasalubong ko kasi.” Tanong ni Laurence.

“Ahmmm may emergency lang po s’yang pinuntahan.” Sagot ni Claire. Ngunit parang hindi naniniwala si Laurence sa sinabi ni Claire.

“Sigurado kang emergency o baka naman....” Hindi pa natapos ang sasabihin ni Laurence agad na umalis si Claire.

TIME AND SPACE ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon