6:00am
Nandito ako ngayon sa office ko at inaasikaso ang mga papers na ibinigay sa akin ng secritary ni mommy. Mamaya pang 8 ang start ng klase kaya mahaba pa ang oras ko.
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kung paano ko maiiwasan yung lalakeng yun. Alam kong seryoso sya sa sinabi nya kahapon. Kahit papano ay natatakot din naman ako sa kaya nyang gawin noh! Malay ba natin, hindi ko sya kilala kaya kailangan kong lumayo.
Natapos ko ang mga dapat pirmahan ng 7. May isang oras pa ako kaya nagpunta muna ako sa garden na matatagpuan sa likod ng school. Umupo ako sa gilid ng fountain at inilublob ang kamay ko sa tubig.
Gusto kong maging normal ang buhay ko gaya ng iba na kayang makisalamuha sa iba. Alam kong lahat ng tao ay may sikreto, pero iba ang sa akin. Kapag nalaman nila na may pakpak ako hindi ko alam ang pwede nilang gawin sa akin.
Pakiramdam ko hindi ako nababagay sa mundong ito. Alam kong hindi ako tao gaya ng mga magulang ko. Pero kung hindi ako tao, ano ako?
Maraming tanong sa utak ko na hindi ko magawang masagot dahil wala akong alam kung sino ba talaga ako. Lumaki ako sa loob ng isang mansyon at walang ginawa kung'di ang mag-aral.
Ngayon na nakakalabas na ako sa mansyon bakit nga ba hindi ko sulitin yun at hanapin ang sagot sa mga katanungan ko. Pero saan ako mag sisimula?
-TOINK-
"Ouch!" Daing ko ng biglang may tumama na kung ano sa ulo ko.
Tiningnan ko yung tumama na yun na ngayon ay nasa damuhan na. Isa yung...
Mani? At saan naman nanggaling ang hayop na mani na ito?
"Your so serious." Sabi ng isang malamig na boses sa likuran ko. Isa lang ang may nag mamay-ari ng pesteng boses na yun kaya hindi ko na kailangang lumingon pa.
"Why are you here?" I ask.
I look at my wrist watch at 7:30 na pala.
"Nothing."
"Tsk!" I said at tumayo na para umalis ng garden. Kailangan ko ng mag evacuate dahil may masamang bagyong dumating.
Lalagpasan ko na sana sya pero bigla nya nanamang hinawakan ang braso ko. Nakaka strike two na sya ah!
"What?" I ask.
"I'm serous about what I've said yesterday." He said.
"I don't care."
"Kapag nalaman ko kung sino ka, your mine."
Natigilan naman ako sa sinabi nya at tuluyang napatingin sa mga mata nya.
"Baliw ka na." I said.
"No, I'm not. Be careful Ms. President, you don't know what I'm capable of." He said at naunang umalis.
Naiwan akong naka tulala sa kawalan at pilit na ina-absorb ang mga sinabi nya.
Parang nagsisisi tuloy ako na ginusto ko pang pumasok sa paaralang ito at tangapin ang pagiging acting president.
"I really need to get away from that man." Bulong ko sa sarili ko bago tuluyang umalis para pumunta sa classroom.
●●●●●●●●●●●●●
Wala akong maintindihan sa mga pinagsasasabi ng prof namin dahil sa letseng katabi ko na walang ginawa kunghindi ang tumitig sa akin buong oras.
Hindi ko alam kung na babaliw na ito oh talagang pinag titripan nya ako.
Nararamdaman ko kasi ang mga ngisi nya sa tuwing mag bubuntong hininga ako dahil sa pagpipigil na bungangaan sya ngayon.
"...thats all. Class dismiss."
Agad akong tumayo at nagmartsa papunta sa cafeteria. Rinig ko ang malakas na ingay sa loob pero nang makapasok ako ay kaagad silang nanahimik at tahimik na kumain.
Omorder ako ng lunch at tahimik na kumain sa pinaka dulong table ng cafe. Nakaka-ilang subo palang ako ng may biglang umupo sa harapan ko. MGA umupo to be exact.
Tiningnan ko sila isa-isa. Pito sila at kasama doon yung kambal na nang bubuly ng nerd kahapon na sila Jeselle at Jiselle at kasama din nila si Mr. Clint at pati na din yung lalake sa auditorium. Oh, by the way. Nalaman ko na Damon Vill Clint ang buo nyang pangalan.
"Hi!" Bati sa akin ng medyo maliit na babae na may dark pink na buhok.
Tiningnan ko lang sya saglit at nag patuloy na sa pagkain.
"Snober?" Rinig kong sabi nya.
Umupo yung maliit sa tabi ko at ipinolupot ang braso nya sa braso ko.
"I'm Pinky! Can we be friends?" She said.
"I don't get friends." I said coldly bagi tumayo dahilan para mabitawan nya ang braso ko.
Lalagpasan ko na sana sila nang biglang may humawak sa kanang siko ko. Babae sya na may mahabang buhok na aabot hangang sa balakang nya. Bumagay yun sa maputi nyang balat. Napansin ko din ang naka sukbit na pana sa kanyang likuran.
"Juliann Salazar is the name miss president. Bakit hindi mo kami pagbigyan na kaibiganin ka?" She ask.
"Gaano ba ka big deal sa inyo ang pakikipag kaibigan ko?" I ask.
"Malaki. Nakikita namin na labag sa loob mo ang pag-iwas lalo na sa mga gustong lumapit sa iyo." Damon said.
"Wag nyo akong pakikialaman." I said.
"Tell us, bakit ayaw mong lumapit sa amin?" Jiselle.
"Dahil ayaw ko sa mga taong hindi mapag kakatiwalaan, sa mga taong iiwan ka sa huli kapag mayroong kahiya-hiya sa iyo." I said.
Hinila ko ang siko ko na hawak ni Julieann at tinalikuran sila.
"Wag nyo na akong lalapitan pa. Baka nakakalimutan nyo kung ano ang posisyon ko sa paaralang ito." I said at nag simula ng mag lakad.
Hindi pa ako tuluyang nakaka layo sa kanila ay narinig kong nag salita ang isa sa kanila.
"Bakit miss president? May dapat bang ikahiya sa iyo? O may itinatago ka na ikakahiya mo?" He said. "By the way, Jhade Krister Leveta ang pangalan ko. At tandaan mo ang grupo namin miss president, dahil hindi ka namin tatantanan."
Jhade? Sya yung lalake na naka ngise sa akin noong ipinakilala ako sa buong school.
Grupo nila huh! Mukhang hindi lang isa ang kailangan kong layuan.
Anoba kasing gusto nila sa akin? Ano bang nakita nila sa akin at gusto nila akong makipag kaibigan sa kanila?
To be continue.....
