CRISTINE's POV
Nandito ako ngayon sa office ni HM kasama ang tropa. Pinag-uusapan namin kung ano ang nangyari sa akin nung mawala ako. Gusto ko mang sabihin ang totoo na nasa lugar ako ng mga dyosa at nagsasanay, pero hindi ko sinabi. Ang sabi kasi ni Lenny ay bawal ko daw sabihin sa kanila dahil magkakagulo daw. At sinabi nya din na wag kong sasabihin sa kanila na kaya kong kontrolin ang panahon ang dapat ko lang sabihin ay kaya kong kontrolin ang bagyo, yun lang.
"Paano ka nawala? I mean we thought nakuha ka ng mga taga DHA?" HM
"I'm not. Saktong magising ako ay nagkakagulo na sila kaya bago pa makapasok ang mga taga DHA ay umalis na ako at naghanap ng paraan para makabalik dito." I lied.
Napatingin ako sa mga kasama ko pero ang mga mata ni Damon ang naka pukaw ng pansin ko. Malamig syang naka titig sa akin na para bang binabasa nya ang mga galaw ko pero hindi nya magawa. Muli kong tiningnan si HM dahil sa sunod nyang tinanong.
"What wappen to you? Your cold." Deretsahan nyang tanong.
Saglit akong natigilan sa tanong nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong nya. Hindi ko din naman alam kung bakit ako nag kaganito.
"I don't know. Maybe it's because of my power." I lied again.
TOOOOOOOGSH
Napatingin ako sa direksyon ni Damon dahil sa biglaang pagsipa nya sa mini table na nasa harapan nya.
"Is that so huh?" He coldly said.
I just stare at him coldly, without emotion or even a single expression. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya pero nakikita ko sa mga malalamig nyang mata ang pagka dismaya.
"What's happening to you Cristine? Tell us. Where friends right?" Julieann said.
"I already said what happened and that's all." I said.
"You're unbelievable." Damon said at walang pasabing lumabas ng office at padabog na sinara ang pintuan.
Wala namang nagawa ang iba at sumunod na sila kay Damon pero hindi naka ligtas sa paningin ko ang luhang tumulo sa mga mata nila.
"I'm sorry." Tanging nabulong ko sa sarilo ko bago muling hinarap ang HM.
"I know your lying." HM said.
"I know." I said.
"Kung ayaw mong sabihin ang too I'll respect it. Pero sana alam mo ang limitasyon ng pagsisinungaling na yan. Hindi mo alam na pwede mong masira ang mga pinagsamahan nyo." HM.
Napatango na lamang ako sa kanya at walang pasabe na lumabas ng office nya. Napahinto ako ng may maramdaman akong luha na pumapatak mula sa kanang mata ko pero nananatiling walang emosyon ang mukha ko. Ang puso walang maramdamang emosyon, pero ang katawan ay patuloy padin sa pagrereact. Ang hirap naman nito. Feeling ko isa akong robot.
Nandito na ako ngayon sa classroom at hinihintay ang prof.namin. Napaka tahimik ngayon ng mga kaklase ko dahil napaka tahimik ng kanilang pinaka mamahal na warriors. Nasa kabilang row ngayon ang tropa habang ako ay nasa kabila naman. Malayo sa kanila, at pilit pang lumalayo.
Ramdam ko ang titig nila sa akin pero nanatili padin akong naka tingin sa labas ng bintana at hindi sila pinapansin. Mabibingi ako sa katahimikan nito.
"GOOOOD Day class--- eh? Bakit ang tahimik?" Tanong ni Mis. Happy.
"Wala po miss. Nakaka takot lang ang aura ngayon dito sa room. Hehehe." Sabi ni Eorio.
Ngapala. Simula nung makiha namin si Eorio at Aira ay dito na sila pinag-aral ni HM. Remember them? Sila yung ginawa naming mission as punishment noon.
"Ah, ok. Anyway, we will discus about blah blah blah blah...."
At nag discus na nga sya. Nakinig lang ako sa kanya pero hindi ko mapigilang mapapikit at maka tulog sa klase.
DAMON's POV
I am just staring at her all the time. She's now sleeping like a child in her desk. But still, even when her in sleep her cold emotion face never change. I wonder what happens to her. She's not like this before, I mean yes she's cold when we first met her at the mortal world bit not like this. She's colder that before.
"Matunaw." Biglang bulong ni Jhade na ngayon ay katabi ko.
"Tssss." I just said at hindi sya pinansin.
"You like her, don't you?" He said.
Napatingin ako sa kanya at nakita ko syang naka ngisi habang tinataas baba ang kilay nya.
"Tsk! You're crazy." I said.
"Well, I'm just saying the fact." He said.
"Shut up"
I heard him chuckle at hindi na nag salita pa.
Muli akong napa titig kay Cristine na natutulog padin hangang ngayon. I know she's lying when the HM asked her. Nakaka dismaya lang dahil hindi sya nag sabi ng totoo. Parang may itinatago syang kung ano.
Meron ka pabang itinatago sa amin bukod sa mga pakpak mo?
●●●●●●●●●●●●●
Days past fast. Isang bwan na ang lumipas simula ng bumalik dito si Cristine. Isang bwan na rin nha kaming hindi kinikibo at iniiwasan na sya ng mga kapawa namin istudyante dahil natatakot sila sa malamig na pakikitungo nito sa iba. Nanahimik din ang mga taga DHA at yun ang nakakapagtaka. Patuloy padin sa pagbabalita si Marishtela tungkol sa kanila pero wala syang naibabalita na susugod sila. Nalaman din namin na may traidor na naka pasok dito pero hindi namin alam kung sino yun kaya doble ingat ang HM sa pagpapalabas ng impormasyon tungkol sa ginagawa nila.
"Ok class I have an announcement. We will going to have a group battle this month. By section ang labanan at kailangan ng sampung representative para sa battle. At naka pili na ako kung sino ang lalaban para sa section natin." Prof. Happy said.
May kinuha syang papel na naka ipit sa history book nya at binasa ang naka sulat doon.
"This is the chosen student that will represent and figt for the battle. They are, Damon Vill Clint, Cristine Vake Guevara, Julieann Salazar, Jhade Krister Leveta, Jiselle Nazaro, Jeselle Nazaro, Pinky May Choi, Aire Jane Villanueva, Eorio Irie, and Prince Cristian White. Lahat ng tinawag ko ay tumayo at pumunta sa unahan."
Wala kaming nagawa kaya tumayo na kami at nag punta sa inahan. Katabi ka ngayon si Cristine na walang pakealam na naka tayo habang naka sandal sa board.
"Damon, you will the leader of your group. Starting now ay excuse na kayo sa lahat ng klase at mag simula na kayong mag ensayo. You have two weeks to practice. Good luck!" Prof happy.
Lumabas na kami sa classroom at walang imik na nag punta sa training room. Nag simulang mag practice ang iba pero naupo lang ako sa isang sulok at pinanood sila. Nadako ang tingin ko kay Cristine na nakaupo sa kabilang dulo ng room. Naka Indian seat sya habang naka pikit ang mga mata. Napapalibuta sya ng maiitim na ulap na may mahihinang kilog at kidlat na may kasamang mahinang ulan. Hindi sya nababasa dahil iniiwasan sya ng tubig na parang nakokontrol nya ito.
This past few days palaging sya nalang ang laman ng isip ko. Masyado syang naging misteryoso sumula ng bumalik sya dito.
Hindi sinasadyang napa tingin ako kay Prince Cristian at nahuli ko syang naka titig kay Cristine. Nitong mga nag daan na araw ay palagi ko syang nahuhuli na nakatitig sa kanya at iniiwasan din sya si Cristine. At satuwing nakikita ko syang naka titig kay Cristine ay biglang nag-iinit ang ulo at parang gusto ko syang ikulong sa anino nya at wag nang palabasin. Kainis!
To be continue.....