Prophesy Book

15 0 0
                                    

"ANO SA TINGIN NYO ANG PUMASOK SA ISIP NYO AT GINAWA NYO YUN!?" Galit na sigaw ni punggok este ni HM kila Jhade at Julieann.

Nandito kaming lahat ngayon sa office ni HM kasama yung tatlong masters na nag dala sa amin dito. Naka tayo kaming anim sa likod nila Jhade at Julieann habang sila ay nasa unahan namin habang naka tungo at sinesermunan. Nasa sulok naman ng office yung tatlong masters at nakaupo sa sofa habang pinapanood kami.

Hindi ko alam kung bakit nadamay pa kaming lahat dito eh yung dalawang pasaway lang naman ang may kasalanan.

"Sorry po Headmaster." Sabay na sabi nila Jhade.

"Your sorry is not enough. I need to punish the all of you." HM said.

"WHAT!? Pati kami damay?" Marishtela ask.

"Yes." HM.

"That's unfair! Inosente kami dito!" Jeselle.

"No your not. Hindi nyo sila inawat kaagad kaya nag kaganoon ang cafeteria." HM

"Headmaster, pati ba ako damay? Eh wala naman akong magagawa para awatin sila eh." I ask.

"Kasama ka. Kaibigan ka nila eh." HM.

Yeah right. Oo nalang. =_=

"Masters, kayo na ang bahala sa kanila." HM said.

Tumayo naman ang tatlong masters na akala mo ay palaging may menopause. Sumunod kami sa kanila hangang sa makarating kami sa affice nilang tatlo.

"For your punishment, you will find the girl named Aira Jane Villanueva." Master Zinon said. Sya yung sumigaw kanina sa cafe.

"Ano namang kailangan nyo sa Aira na yun?" Jeselle ask.

"She has the ability of Photokinesis, she can manipulate light and we need her." Master Liam.

"Woah! You mean pupunta kami sa White City?" Jhade.

"Yes. Pero ang pupunta doon ay sila Jeselle, Julieann, Jhade at Pinky lamang." Master Jhon.

"What about us? Anong gagawin namin?" I ask.

"The rest of you will be going to the Green City to find the boy named Eorio Irie. He has the ability of Ferrokinesis, he can manipulate metal." Master Liam.

"Geez, bakit ba kailangang kami pa ang sumundo sa kanila?" Pinky.

"Coz it's your punishment." Simpleng sagot ni Master Zinon.

"Mag handa na kayo para sa klase nyo. Bukas na kayo aalis para sa punishment nyo, ipapahanda pa namin ang mag hahatid sa inyo sa destinasyon nya." Master Jhon.

Isa-isa na kaming lumabas sa office nilang tatlo at nag punta sa classroom namin. Late na kami ng dalawang subject at ang susunod ay ang Air World History.

Wala pang teacher ng makapasok kami sa classroom at ang tahimik ng mga classmate namin pagpasok namin.

Base sa lakas ang paghahati-hati ng section namin at ang sectiong ito ang pinaka malakas, ang section A-1. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito pero dito ako inilagay ng HM.

Maya-maya pa ay dumating na ang teacher namin. Sa tingin ko ay mga nasa 30's na sya at halata sa aura nya ang pagiging masiyahin dahil naka ngiti syang pimasok sa calssroom namin. Hindi kaya nangangalay ang pisngi nito kakangiti?

"Good morning class. I'm professor Happy Palangiti but you can call me Prof. Happy and I'm your teacher in History."

Obvious naman sa pangalan nya ang personality nya.

"So, since first day of class naman ay pagbibigyan ko kayong mag tanong about sa gusto nyong malaman sa history. Anyone?" Prof. Happy ask.

Nagtaas naman ng kamay si Jeselle kaya tinawag sya nito.

"Ma'am, totoo po bang pinatay ang mga white winged angel hindi lang gahil sa propesiya kundi din sa taglay nilang kakaibang lakas?" She ask.

"Yes. I remember nung pinag-usapan ng mga minister yun kasama ng hari. Malaki ang ingit ng mga minister noon sa mga white winged angel dahil taglay na kakaibang lakas ng mga ito. Hindi nila malaman kung sino ba ang sinasabi ng propesiya kaya pinapatay nilang lahat ang mga white angel. Yun din ang dahilan kung bakit nawalan tayo ng isang mabuting reyna." Prof. Happy.

"Si Queen Liana White." Sabi ng isa naming kaklase.

"Your right Mr. Glor. Si Queen Lia ay isang mabait at masiyahing reyna kaya agad syang minahal ng hari. Labis nyang minahal si Queen Lia kaya labag sa loob nya ang pagpatay sa mga kauri ng reyna. Pero wala syang nagawa dahil kapag hindi sya pumayag ay mapapatalsik sya sa kanyang trono at papalit ang walang puso na si Minister Vince."

"Ma'am! Diba hindi naman namatay ang reyna? Ang sabi ng mga taga White City ay bigla na lamang syang nawala nang parang bula." Pinky said.

"Sa kasong yan, walang may alam kung totoo nga ito dahil walang reaksyon ang hari ukol sa balitang yan." Prof. Happy.

"Ibig sabihin din po ba na isa ding white winged angel ang anak ng hari kay Queen Lia na si Prince Cristian?" Marish ask.

May anak ang hari?

"Nope. Prince Cristian White is not an white winged angel. Nag mana sya kay King Cristoff kaya isa syang normal na ability holder like us." Prof. Happy.

May bigla namang pumasok na katanungan sa utak pero hindi ko alam kung itatanong ko ba ito. Bahala na! Nag taas ako ng kamay kaya tinawag ako ni ma'am.

"Yes miss Guevara?" Prof. Happy.

"Kung matagal nang nangyari yung pagpatay sa mga white winged angel that means matagal ng tapos ang prophesy. Is that right ma'am?" I ask.

"About that, simula ng maubos ang mga lahi ng white angel wala na kaming nabalitaan tungkol sa propesiya. Nanahimik na din kasi ang hari pagkatapos ng gulo na yun at maayos na pinatakbo ang pamumuno sa buong Air World." Prof. Happy said.

Kung ganon pwedeng hindi pa tapos ang propesiya dahil kung nakaligtas ako that means pwede din na may iba pang naka ligtas.

Kung meron mang naka ligtas at tapos na ang propesiya ibig sabihin pwede na kaming mamuhay ng walang itinatago.

Pero teka lang, ano nga ba talaga ang nilalaman ng propesiya na yun? Bakit hindi nila ipinaalam sa lahat ang buong laman nun?

"BOO!"

"AY PROPESIYA!" Gulat akong napasigaw dahil biglang may nang gulat sa akin mula sa likod.

"Hahahaha!!! Lutang ka nga!" Jhade.

Hayop talaga ang isang toh! Puro kalokohan ang alam!

"Lunch na Cristine at kanina ka pa namin tinatawag pero naka tingin ka lang sa board." Julieann.

"At anong propesiya? Don't tell me iniisip mo ang propesiya na yun? Naku Cristine! Wala kang mapapala dun kasi hindi naman nila ipinapaalam ang laman ng Prophesy Book." Jeselle.

"Prophesy Book?" I ask.

"Yun yung magic book na nag lalabas ng mahiwagang propesiya. Nasa White City yun doon sa palasyo ng hari." Jiselle.

"Tama na yang usapang propesiya at kumain na tayo! Nagugutom na ako!" Marishtela.

Tumayo na ako at nag lumabas na kami nag calssroom para pumunta sa cafeteria.

Kailangan kong makita yung Prophesy Book na yun. Pero delikado dahil nasa palasyo yun ng hari. Kailangam ko munang pagplanuhan ng maayos kung ano ang gagawin ko para makita man lang yun. Kailangan kong mailabas ang ability ko, kung meron man.

"I know what your thinking lady. Don't do anything stupid." Biglang bulong sa akin ni Damon mula sa likod ko habang nag lalakad kami.

I just smirk at him at binilisan ang paglalakad.





























To be continue.....

Born With A Wings (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon