JISELLE's POV
"....thats all for to day. Good bye class." Paalam ni ms. Happy bago lumabas ng classroom.
Balot na balot kami ng makakapal na jacket kasi mas lalong lumamig dahil sa snow.
"GUYS!!! Tara sa room ni Jhade!" Sigaw ni Julieann.
"Anong sa room ko!? Hoy babaeng patpat! Bawal ang babae dun!" Jhade said.
"Sus! Ang sabihin mo madamot ka lang! Alam nyo bang maraming naka tambak na chocolate dun?" Julieann.
"Chocolate? At paano mo naman nalaman yun Julieann?" Pinky ask.
"Nahalungkat ko ang bag nya kanina at nakakita ako ng mga chocolate kaya malamang sa alamang ay meron nun sa kwarto nya!" Julieann.
"TARA SA KWARTO NI JHADE!" Sigaw ng kakambal ko at naunang tumakbo papunta sa boys dormitory.
Naiwan naman kaming dalawa ni Damon na walang pakealam na nag lalakad habang nakasunod sa kanila.
Nang makarating kami sa kwarto ni Jhade ay bunganga nya kaagad ang narinig namin.
"HOY! WAG NYONG UBUSIN!" Jhade.
"BWAHAHAHA!!! UBUSIN NYO YAN!" Julieann.
"Talagang uubusin namin ito Jhade! Kaya pala palagi kang may chocolate dahil nag tatambak ka pala dito sa kwarto mo! Madamot!" Jeselle.
"Ang sarap! Makakarami ako nito!" Pinky.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa kaguluhan nilang apat. Mag pasaway talaga.
Lumapit na lamang kami ni Damon sa kanila at kumuha ng chocolate at umupo sa magkabilang sulok ng kwarto saka kumain.
Hmmm! Infer ness ha! Ang sarap!
Isusubo ko na sana ang huling piraso ng chocolate pero biglang...
BOOOOOOOOOOOOOGSH!!!!
Dahil sa pesteng pagsabog ay yumanig ang lupa at nabitawan ko ang chocolate at nahulog sa sahig.
ANG CHOCOLATE KO!!!!!
Sa sobrang pikon ko at tinadyakan ko ang pader na nasa tabi ko kaya nabutas yun patagos sa field.
"Woah! Iba ka talaga magalit sis!" Rinig kong sabi ni Jeselle pero hindi ko sya pinansin.
Mula sa butas na gunawa ko ay lumabas kami upang makita kung anong nangyayari.
Nakita namin ang isang malaking black portal sa harap ng school at doon ay lumabas ang napakaraming black magic users na taga DHA. Ano nanaman bang gusto nila?
Nag labas ako ng dalawang water whip sa magkabilang kamay ko at sinalubong ang mga hindi inaasahang bisita.
I forgot to tell you na ako pala ay may ability na Hydrokinesis, I can manipulate the water.
Sa gitna ng field ay nag kaharap-harap kami. Black versus White huh?
Napatingin ako sa isang babae na naka labas ang kanyang itim na pakpak habang naka ngisi sa amin. Si Marishtela.
Nagawi naman ang paningin ko sa mga profesor at mukhang alam na nila na mangyayari ito. Nasabihan na pala sila.
"What do you want?" I ask.
"We want? Well we just want the girl who named Cristine Vake Guevara. Where is she?" Sabi nung babaeng may violet na buhok.
"Si Cristine? Nasa inyo na sya diba? Nakuha nyo sya nung sumugod kayo sa Green City." HM said.
"Oh? Wala kaming nadatnang katawan sa loob ng healing plant na pinaglagyan sa kanya. Kaya akala namin nandito sya." Sabi ulit nung babae.
"She's not here." Malamig na sabi ni Damon.
Nakita ko na napatingin sa itaas ang mga taga DHA.
"Then who is that lady?" Tanong nung babae.
Tiningnan ko kung saan sila naka tingin and I was shock when I saw her standing in the very top roof of the school building.
"Cristine?" Patanong na bulong ko sa sarili ko.
Tumalon sya at wala pang dalawang segundo ay nasa harap ko na sya at naka talikod dahil kaharap nya ang mga taga DHA.
"What do you want?" Mas lalo akong nagulat ng marinig ang kanyang boses na mas malamig pa sa yelo. Huminto ang pagbagsak ng yelo at lumakas ang ihip ng hangin.
"You. Sumama ka sa amin ng maayos kung ayaw mong magkagulo dito." Pananakot nung babaeng may violet na buhok.
"Are you threatening me?" Cristine ask coldly.
"Yes." Sabi nung babae.
"At sinong tinakot mo?" Cristine.
"Well, I guess may gulo pang magaganap." She said.
Biglang sumugod ang isang lalake na puro tatoo ang katawan kay Cristine. Ikinumpas lamang nya ang kanyang kamay at tinamaan na ng mabilis na kidlat ang lalake na naging dahilan para maabo ito.
Namuo ang isang malaking itim na ulap kasunod nun ang malalakas na kulog at kidlat.
"Do you want to be dead huh?" Cristine ask.
Nakita ko ang takot sa mata ng mga kalaban at nagsimulang humakbang paatras. Bago pa sila tuluyang maka takbo ay sunod-sunod ng nag bagsakan ang mga kiblat mula sa langit at isa isang tinatamaan ang mga taga DHA. Marami sa kanila ang namatay at ang iba ay naka pasok sa portal pabalik sa DHA kasama na doon si Marishtela. Mukhang hindi pa tapos ang pagmamanman nya doon.
"Tsk! Weaklings." Rinig kong bulong ni Cristine and in just a snap at bigla na lang syang nawala.
Nagiba ang panahon at bumalik ito sa normal na temperatura. Tinanggal ko na ang jacket ko dahil nag sisimula ng uminit.
What wappened to her? Bakit cold cold nya? Bumalik na nga sya pero nagbago naman.
CRISTINE's POV
I don't know what is happening to me. Gusto kung maglabas ng emosyon pero may kung anong pumipigil sa akin. Nagising na lamang ako isang araw ng wala nang maramdamang kahit ano mula sa puso ko. Naging manhid na ako mentally.
Nandito ako sa dorm ko ngayon at naka higa sa kama at naka tingin sa puti kong kisame. I miss this place, lalo na ang tropa pero hindi ko manlang magawang yakapin sila.
Tumayo ako at puminta sa cr para magpalit ng uniform. Nakita ko ang repleksyon ng mukha ko sa isang malaking salamin. Walang kahit anong emosyon ang mababakas mula sa mukha ko lalo na sa mga mata ko.
Napa buntong hininga na lamang ako at pinag patuloy ang pagbibihis. Papasok na lamang ako sa klase ngayong hapon. Marami akong namiss na lessons kaya kailangan kong bumawi.
To be continue.....
![](https://img.wattpad.com/cover/98699227-288-k279647.jpg)