The Snow

8 0 0
                                    

JISELLE's POV

Mabilis lumipas ang mga araw at oras. Hindi na namin nakita si Marishtela at nawalan kami ng balita tungkol sa pagpapagaling ni Cristine sa Green City. Dalawang bwan na.

Sa loob ng dalawang bwan na yun ay lalong nanahimik ang buong tropa namin. Oo nag kakasama kami pero sa tahimkm na paraan. Merong konteng kwentuhan at tawanan pero hindi tulad noon.

Lunch time.

Nandito kami ngayong anim sa field at nag pi-picknik.

"Animal ka Jhade! Ibalik mo ang sanwich ko!" Sigaw ni Julieann habang pilit na inaabot ang sandwich na hawak ni Jhade.

"Hoy payat! Akin kaya ito! Gumawa ka nang sa iyo!" Jhade.

"Hoy ka rin tingting! Ako ang gumawa nyan kaya akin yan!" Julieann.

At alam nyo na kung saan nauwi ang pagtatalo nila. Nag habulan sila sa buong field.

Yung dalawang yun mahilig pading mag-away. Pero ngayon wala nang naglalakas loob na awatin sila.

Isusubo ko na sana ang sandwich ko nang biglang may nalalaglag mula sa kalangitan. Isang maliliit at bilog na puting bagay. Isang snow.

"Snow? Kailan pa nagkaroon ng snow dito?" Pinky ask.

"Pilipinas ang nasa ibaba natin diba? Paano nga nagka-snow?" Juliean.

"WARRIORS!"

Agad kaming napatayo ng biglang sumigaw si HM habang mabilis na tinatakbo ang kinaroroonan namin.

"Headmaster, ano pong kailangan nyo at tumakbo pa kayo ng pagkakalayo?" Jeselle.

"I have a very bad news and a good news. Anong gusto ninyong mauna?" HM ask.

"The good news." Damon answered.

"Well, the good news is we know kung nasaan si Marishtela." HM

"Saan po?" Jhade.

"Nasa DHA sya at doon sya nag aaral upang mag manman sa kalaban natin." HM

Agad naman akong napa sampal sa noo ko dahil sa kagagahang ginawa ni Marishtela. Hindi talaga nag-iisip ang babaeng yun, basta basta na lamang kumikilos ng walang pasabi.

"And the bad news is?" I ask.

Biglang nag bago ang expression ng mukha ni HM. Parang nag-aalangan syang sabihin sa amin ang balita pero napabuntong hininga na lamang sya at nag salita.

"Sinugod ng mga taga DHA ang Green City at ang castle ang pinuntirya nila." HM said.

"Grabe naman! Ang lakas ng loob nilang sumugod sa palasyo eh alam naman nilang wala silang panalo doon." Jeselle.

Grabe si kambal! Hindi talaga nagiisip!

"Alam nilang wala silang panalo sis! May pakay sila kaya sila sumugod ,right HM?" I ask.

"Your smart Jiselle." HM

"Maliit na bagay!" I said sabay flip ng hair.

"Eh anong pakay nila?" Jhade ask.

"Nawawala si Cristine sa loob ng greenious plant na pinaglalagyan nya. Maliban sa kanya ay wala ng nawala." HM

Agad na nanlaki ang mga mata ko dahil sa very bad news ni HM. Narinig ko na nag kanya kanya mura ang mga kasama ko lalo na si Damon nagung itim ang buong mata.

Nasabi ko na ba na Umbrakinesis ang ability ni Damon? He can manipulatr the darkness or the shadow. Kaya ngayon ay visible ang itim na aura nya at itim na itim ang mga mata nya na parang demonyo na sa english ay Damon na pangalan nya. Hahaha!

"Kailan pa nangyari ang paglusob?" Cold na tanong ni Damon.

"Kaninang umaga lang. Humihingi sila ng tawad sa pagkawala ni Cristine lalo na sa inyo warriors. Alam namin na mahalaga sya sa inyo. Patawad." HM said bago umalis.

Bagsak ang balikat naming lahat at napaupo sa damuhan. Nakita kong umiiyak sila Julieann, Pinky at Jeselle kaya hindi ko mapigilang mapaluha na din.

Walang paalam na umalis si Damon at pumasok sa building habang kami ay naiwan na parang tanga na umiiyak dito. Si Jhade? Ayun! Muntanga na naka tulala sa kawalan.

Naku naman oh! Kaikibat talaga ng mabuti ang masama! May magandang balita pero may masamang kasama.

"Buhay pa kaya sya?" Pinky suddenly ask.

"Walang may alam Pinky. Pero sana oo." Julieann.

"Sana nga..." Tangi kong nasabi sa sarili ko.











CRISTINE's POV


"Tama kata itong ginawa natin?" I ask

"Mabuti na ito kaysa hayaang nasa ibaba ang katawan mo." Lenny said.

Nakikita kasi namin ngayon sa isang maliit na bolang kristal ang nangyari sa Green City. Sinamantala nya iyon upang makuha ang katawang lupa ko at ibalik sa akin. Nagkataon kasi na ilalabas na nang greenious plant ang katawan ko ng lumusob ang taga DHA.

"Ano bang kailangan nila sa akin at gusto nila akong makuha?" Ask.

"Malakas ang kapangyarihang taglay mo Cristine kaya nais ka nilang mapatay upang makasuguro na walang makakatalo sa mga taga Black City." Lenny.

Kungganon ay nalaman na pala nila ang kaya kong gawin. Pambihira naman talaga oh. Ang lakas ng signal nila!

Nga pala, sa loob ng dalawang bwan ay wala akong ginawa kung'di ang mag training at pag-aralang kontrilin ang kapangyarihan ko. Nakaka panibago nga at nasa katawang lupa na ako. Na mimiss ko na ang tropa at nakita ko kanina kung gaano sila kalungkot ng malaman nila na nawawala ang katawang lupa ko.

Soon guys, babalik din ako. Konting tiis na lang.














SOMEONE's POV



"Ano na po ang gagawin natin sa kanya mahal na dyosa? Hindi maaring manatili sya sa lupain natin." Tanong ng akin kapatid.

"Ibalik na natin sya sa kanyang paaralan." I said.

"Ngunit paano po ang isa ninyong anak?" She ask.

"Panahon na para kilalanin nila ang isat-isa upang makapag handa sa itinakdang panahon." I said.

"Kung yan ang gusto mo kapatid." She said then left.

Malungkot kong tinanaw ang kinalalagyan ng aking babaeng anak habang sya ang busy sa kaka training. Nalulungkot ako sa mga maari nyang malaman at sa mga mangyayari sa buhay nya sa oras na bumaba sya doon.

Gumawa ako ng isang white energy ball at nagbigkas ng isang magic spell na makapag bubura kahit anong emosyon sa puso at mukha nang aking anak na babae. Ipinatama ko sa kanya ang energy ball kaya napa tigil sya sa ginagawa nya at biglang nawalan ng malay.

Pasensya na anak ko. Kailangam mo ito upang hindi mabigla ang iyong isip. Upang mabilis mong matanggap ang lahat ng iyong malalaman.

Napatingin naman ako sa isang bolang kristal na nasa tabi ko. Ipinapakita noon ang pagtigil ng aking isang anak na lalake sa kanyang paglalakad at napahawak sa kanyang puso. Magkadugtong nga talaga sila, hindi lamang sa isip pati na rin sa damdamin.

"Mga anak ko. Magkakasama din tayo. Makokompleto din ang pamilya natin na matagal nang nawasak." I said habang pinupunasan ang mga luhang lumandas mula sa aking mga mata.

Malapit na, konting tiis nalang. Mangyayari na ang itinakda ng propesiya.






















To be continue.....

Born With A Wings (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon