The Cold President II

14 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa office ko dito sa school at pinag-aaralan ang lahat nang mga bagay-bagay tungkol sa paaralang ito.

May klase pa ako mamayang hapon at lunch na pero hindi pa ako kumakain kaya tumayo na ako at lumabas ng office para bumili ng lunch sa cafeteria.

Lahat ng istudyante sa corridor ay nagbibigay daan kapag nakikita nila ako. Hindi nila ako matignan sa mata dahil alam kong natatakot sila. Mabuti na ito kaysa naman may mag tangka na lumapit sa akin at makaalam ng sikreto ko.

Pagpasok ko sa cafeteria ay agad na bumangad sa akin ang malaking kaguluhan sa loob. Nagkukumpulan paikot ang mga istudyante na para bang may artista na pinapalibutan.

"Tabi." Malamig kong sabi sa babae sa harapan ko kaya nilingon nya ako. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ako at kaagad na tumabi at kinulbit ang nasa unahan para mapansin ako hangang sa lahat nang nasa dadaanan ko ay tumabi.

Lumapit ako sa gitna para makita ang pinagkakaguluhan nila.

Nakita ko ang isang nerd na naligo sa gatas at dalawang babae na may hawak na baso habang pinagtatawanan ang kawawang nerd.

"Bagay yan sa iyo freak!" Sabi nung kulay light blue haired na babae.

"Nagtataka nga ako kung paano nakakapasok ang mga katulad mo dito, eh isa ka lang namang poorita!" Sabi naman nung babaeng light pink ang buhok.

"Ang bagay sa iyo tinatapon sa basurahan!" Sabi ulit ng babaeng light blue ang buhok.

Bullies. Tsk! Hinahayaan nila ang ganito?

"What is this?" Malamig kong tanong.

Napatingin naman silang lahat akin at agad namang napa-urong at napayuko ang mga ususero.

Tinaasan ako ng kilay nang dalawang babae.

"Who are you bitch?" The light blue haired ask.

Oh? She didn't know me? Wala ba sya sa auditorium kanina?

"Right. Sino ka ba?" Tanong naman nung isa.

So dalawa pala silang missing in action kaninang umaga.

"Before I answer your question, let me ask you something. Nasaan kayo kaninang umaga nung pinapunta ang lahat ng students sa auditorium?" I ask.

"Oh well! Nag pasalon lang naman kami kanina ng kakambal ko. Right sis?" Light blue girl said.

"Yes." Liht pink girl said.

Kaya naman pala.

"So sino ka?"

I just smirk at tumingin sa mga ususero.

"Every body knows me. Right?" I ask.

"Yes miss president!" Sagot nang mga ususero.

Nanlaki naman ang mga mata nung dalawang bully at namutla pa.

"Y-your t-the.."

"The both of you, what's your name?" I ask.

"Jeselle Nazaro po." The light blue haired girl.

"And I'm Jiselle Nazaro. Where twins." The light pink haired girl.

"I don't care." I said then look in to the nerd. "Go and change your uniform." I said at agad naman syang tumayo at patakbong umalis.

"Ms. President! Sorry po! Hindi na po namin..." Jeselle

"Go to the guidance office and receive your punishment." I said at iniwan silang dalawa.

Kumuha na ako nang lunch at bumalik na sa office ko.

●●●●●●●●●●●●●

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ng classroom ko ay walang katok akong pumasok kaya napatigil sa pag di-diacuss ang prof sa unahan at napatingin sa akin lahat.

"Ms. President I'm glad that... "

"Call me in my surname." Putol ko sasabihin nung prof namin.

"O-ok ms. Guevara." Prof said.

"Where's my seat?" I coldly ask.

"There, beside Mr. Clint." Turo nya sa isang bakanteng upuan na katabi nang isang lalake na may kulay blue na buhok.

Tahimik akong pumunta doon at umupo. Ramdam ko ang mga titig ng mga kaklase ko lalo na ng katabi ko pero wala akong pake sa kanila at nakinig na lamang sa prof.

Natapos ang time nang walang ginawa ang mga kaklase ko kung hindi ang titigan ako. Ako naman ay parang nag review lang dahil alam ko na ang tinuturo ng prof namin.

By the way, third year college na ako at psychology ang course ko.

Tatayo na sana ako para lumabas nang room pero may biglang humawak sa kanang braso ko kaya napahinto ako sa pagtayo. Tiningnan ko kung sinong hudas ang humawak sa braso ko, at walang iba kung hindi ang katabi ko na tinawag ng prof namin na Mr. Clint.

"What?" I coldly ask.

"Just stay." He said.

Malamig ang boses nya at buo. Nakakatakot yun pero wala akong pake. Wala akong makita na emosyon sa mga mata nya nang parang sa akin. Blanko din ang expression nya. Feeling ko tuloy sya ang boy version ko.

"If you want to stay then stay. Wag mo akong idadamay." Sabi ko bago hinila ang baraso ko pero hinigpitan nya ang pagkakahawak dito.

"What do you want?" Pagalit kong tanong.

Tiningnan nya lang ako sa mata but still no emotion.

"Who are you? Beside of being a president." He said.

"Why'd you ask?"

"I can fell it, your different. It's like your not a human." He said.

Napalunok naman ako sa sinabi nya. Nag-ipon ako ng lakas at pwersahang hinila ang braso ko na hawak nya at nagawa ko naman.

"I am Cristine Vake Guevara, the president of this school. Nothing more, nothing less." I said then walk away.

Nasa may pinto palang ako ay narinig ko syang nagsalita na nakapag patigil sa akin.

"Someday I will know the real you Ms. President. Just wait for it." He said.

Agad akong nag lakad palabas para makalayo sa classroom at marating ang parking lot kung saan nag hihintay ang limo ko.

That guy, katulad sya nung lalake na naka ngisi sa akin kanina sa loob ng auditorium. Merong kung ano sa kanila. At sa tingin ko, dapat ko silang iwasan.

Lalo ka na Mr. Clint.









To be continue.....

Born With A Wings (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon