CRISTINE's POV
Naka upo ako ngayon sa favorite spot ko, ang bintana, habang nag babasa nang libro about sa Philippine history.
Natapos ko na kasing basahin ang libro ko sa math, english at sa iba pang subjects. Advance home study ang ginagawa ko dahil bawal nga akong lumabas para mag-aral sa tinatawag nilang school. Nag advance ako kasi hindi ako nagbabakasyon. Dahil nandito lang naman ako sa mansyon kaya nag-aral na lang ako para may magawa.
Through internet lang ang study ko. Nag bibigay sila sa akin nang lessons everyday at pati nadin ang mga quiz at exams. Ang school na pagmamay-ari nang pamilya namin ang pinag-aaralan ko.
Napahinto ako sa pagbabasa nang may kumatok sa aking pinto.
"Lady C, nandito po ang mommy at daddy mo. Pinapasabi po nila na bumaba ka." Rinig kong sabi nang isang maid namin.
Napabuntpng hininga nalang ako bago isinara ang libro at tumayo.
Nandito nanaman sila. Once a week lang nila ako kung dalawin dito dahil masyado silang busy sa trabaho nila. Pangalawang beses nilang dumalaw ngayong linggo kaya alam ko na may kailangan sila sa akin.
Bimaba ako at nakita ko silang prenteng naka-upo sa sofa. Sinalubong nila ako nang tingin bago sinenyasan na maupo sa upuan na nasa harapan nila.
"Kamusta ang anghel namin?" Pormal na tanong ni daddy.
"Sa tingin mo?" Malamig kong tanong. Bastos na kung bastos, wala akong pake dahil wala din naman silang pake.
"Hindi ka talaga marunong gumalang." Naiiling na sabi ni mommy.
"Anong kailangan nyo?" Pagsasawalang bahala ko sa sinabi ni mommy.
Nakita kong ngumiti si daddy bago tumayo at naglakad palapit sa akin.
Yung ngiti na yun, parang hindi ito maganda.
"Well, napag-isipan namin ng mommy mo na pag-aralin ka na sa school." He said.
Agad na nang laki ang mga mata ko sa sobrang gulat. Napatayo ako at tiningnan sila nang hindi makapaniwala.
"WHAT!?" I ask.
"Papasok ka na sa school na pagmamay-ari natin." Mommy said.
I was about to say thank you pero,
"But! You will be the acting president while we're not here." Daddy.
"Saan naman kayo pupunta?"
"Let's just say that we have an emergency meeting from the other country." Mommy
"At matatagalan kami kaya we need you to take care of the school para naman mabawasan ang aasikasuhin namin." Daddy.
Alam ko naman kung ano ang gagawin ko. Kaya sila umuuwi dito ay para turuan ako sa mga negosyo ng pamilya namin.
Napatango nalang ako bilang pagsang-ayon sa gusto nila. Gusto ko din namang maka labas sa mansyon na ito. Pero,
Tiningnan ko ang mga magulang ko na ngayon ay naka ngiti sa akin. May hindi tama, ramdam ko yun. At hindi yun maganda.
●●●●●●●●●●●●●
Monday.
Naka harap ako ngayon sa harap nang salamin at tinitignan ang soot ko.
Long sleeve na white blouse na may violet na linings. Violet na kneck tie at violet na skirt na three inch above the knee. Naka long socks ako na hangang tuhod at naka black shoes na may two inch heels.
Puro violet. Mukha tuloy akong ube. =_=…
Kinuha ko ang bag ko sa kama bago lumabas nang kwarto at bumaba. Nakita ko sa harap nang main door ang isang mahabang limo na black.
Pumasok ako doon at nag simulang umandar paalis. Maya-maya lang ay nakita ko na ang isang malaking gate.
Unang beses ko itong nakita. Sa oras na lumabas ako dyan ay simula na nang bago kong buhay.
Unti-unting nag bukas ang gate at nang tuluyan na itong bumukas ay lumabas na ang limo na sinasakyan ko.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw o aras. Madami akong gustong gawin sa labas ng mansyon at ito na ang pagkakataon ko para gawin ang mga gusto ko. Walang magulang, walang nag babantay, at walang bawal.
"Lady C, nandito na po tayo. Dumeretsyo daw po kayo sa auditorium at nandoon po silang lahat pati narin po sila madam para ipakilala ka sa lahat." Sabi ni kuya Alex, ang butler namin.
Tumango nalang ako sa kanya at bumaba nang sasakyan. Bumungad sa akin ang malaking gate at kitang-kita sa loob ang malawak na field.
Binuksan nang guard ang gate nang makita nya ako bago yumuko para mag bigay galang. Tiningnan ko lamang siya bago pumasok sa loob. Nakita ko kaagat ang malaking auditorium mula sa kinatatayuan ko. Nakikita ko din ang iba't ibang klase nang building mula dito.
Walang istudyante. Malamang nasa auditorium sila. Naglakad na ako papunta doon. May sumalobong sa akin na babae nang makarating ako sa may pinto. Dinala nya ako sa likod deretsyo sa back stage. Narinig ko ang boses ni daddy, at sa tingin ko sakto lang ako.
"... Today, makikilala nyo ang magiging president nyo habang kami ay wala dito. I wan't you all to respect her. Students, I am proudly introducing to you, my daughter Cristine Vake Guevara your new president."
Sinenyasan ako nang isang babae na lumabas ma kaya lumabas ako. Naririnig ko ang mga palakpakan ng maraming tao. Lalo itong lumakas ng makita nila ako.
I saw daddy in the middle of the stage kaya nilapitan ko sya.
"Wan't to say something?" Bulong ni dad.
Tumango na lamang ako at kinuha ang hawak nya na mic.
Para ito sa akin. Kaiangan ko itong gawin para sa kaligtasan ko kahit labag sa loob ko.
"I don't make friends. Coz I hate it." Malamig kong sabi na narinig naman mang lahat.
Kita ko ang malungkot na expresion sa mukha nang ilan sa kanila at ang iba naman ay takot.
Ayaw kong mapalapit sa ibang tao. Bakit? Dahil hindi mo alam kung totoo ba silang kaibigan o hindi. Kailangan kong mag-ingat lalo na sa lagay ko na may malaking sikreto.
Pababa na sana ako nang stage pero may nahagip ang mga mata ko.
Isang lalake na may kulay dark black na buhok. Naka ngisi syang naka tingin sa akin pero tiningnan ko lang siya at tuluyang bumaba.
Yung lalakeng yun, may pakiramdam ako sa mga ngisi nya. Parang,
Ewan!
Mukhang mahihirapan ako sa paaralang ito. At hindi maganda yun.
To be continue...
