Trouble

17 0 0
                                    

Nandito ako sa dorm ko habang naka tayo sa harap ng isang full size mirror at tinitingnan ang ayoa ko. Naka sailor uniform ako na puti at naka messy bun naman ang buhok ko.

This is my first day of school here in SHA at kinakabahan ako. Kung normal lang na school ang papasukin ko hindi ako kakabahan pero hindi eh! Hindi pangkaraniwan ang mga estudyante dito and worst kailangan ko pang mag-ingat.

-tok tok tok-

Napabuntong hininga ako bago lumapit sa pintuan at binuksan ito. Tumambad sa akin ang mga naka ngiting mukha ng tropa pwera kay Damon na naka simangot lang. Wala naman nagbabago sa mukha ng isang ito.

"Woah! Bagay sayo yung uniform!" Julieann.

"Naks! Nadagdagan nanaman ng isa pang maganda ang tropa! Kaya Julie, mag paganda ka na din!" Pang aalaska ni Jhade kay Julieann.

"Hayop ka!" Julieann.

Naghabulan naman sila sa corridor at naiwan kaming napapa iling.

"Keaga-aga nag aasaran." Jiselle.

"Hindi na ako mag tataka kung mag kakatuluyan yang dalawa na yan." Jeselle.

"Right! Opposite attracts ika nga nila." Marishtela.

Nagsimula na kaming mag lakad papuntang cafeteria para mag agahan. Habang nag lalakad kami ay napapatingin sa amin ang mga istudyante and mostly sa akin.

"Who is she?"

"Bakit kasama nya ang mga warriors?"

"Sumisipsip siguro sya sa mga warriors."

"Ang ganda nya!"

"Sana lang malakas din sya para makasama talaga sya sa mga warriors."

Sari-saring bulungan ang naririnig namin mula sa mga nakaka salubong namin. Sikat nga talaga siguro itong mga toh.

Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko kaya tiningnan ko kung sino yun.

"Don't mind them ate Cristine, naiingit lang sila." Pinky said.

I just gave her a little smile that made her to giggle.

"Ang cute nung smile mo na yun!" She said.

"What smile? May I see!" Jiselle.

Nagulat naman ako nag may biglang humawak sa mag kabilang balikat ko at inalog-alog ako.

"Let us see your cute smile Cristine! Let us see!" Pangungulit ni Jeselle habang inaalog ako.

"HOY! Itigil nyo na nga yan! Baka mapatay nyo na si Cristine!" Awat naman ni Marishtela sabay hila sa akin palayo kay Jeselle.

Seriously!? Ganon ka-big deal ang ngiti ko?

"Yeah, dahil sa pagiging cold mo noon at hindi ka pa ngumingiti kaya ganon ka-big deal yang ngiti mo."

Nagulat naman ako ng may biglang nag salita sa likod ko. Si Damon pala.

Pero teka! Paano nya nabasa ang nasa isip ko? Mind reader ba sya?

"Nope. I'm not a mind reader. Base sa naka kunot mong noo ay halata kung ano ang nasa isip mo." He said bago naunang nag lakad sa amin.

Cafeteria.

Nasa may pinto palang kami ng cafeteria ang rinig na rinig na namin ang bunganga ni Julieann at ang pagtawa ni Jhade.

"BWISET KA TALAGANG ANIMAL KA! BAWIIN MO YUNG SINABI MO!" Julieann.

"Hahaha! Ayaw ko nga! Totoo naman na mukha ka nang manang eh!" Jhade.

Nag patuloy lang sila na nag habulan hangang sa madampot ni Julieann ang isang buong cake sa counter at ibinato iyon kay Jhade at na-head shot nya naman ang lalake.

"What the! Ah ganon pala ang gusto mo ha!" Jhade said at walang pag-aalinlangang dinampot ang pagkain ng isang estudyanteng malapit sa kanya at ibinato iyon kay Julieann. Naka ilag naman ang babae kaya ang tinamaan ay ang estudyante sa likod nya.

"Hah! Duling ka talaga!" Julieann.

"Yun an akala mo." Jhade said.

Nanlaki ang mga mata ko ng biglang nag lutangan ang mga pagkain sa counter at tumama iyon kay Julieann.

What the! Is that telekinesis?

"That's Jhade ability. He can control anything by using his mind in short has the ability of Telekinesis." Jiselle.

Napatango naman ako sa sinabi ni Jiselle. Muli kong itinuon ang paningin ko sa dalawang nag-aaway.

"Grrrr!!! PAPATAYIN KITANG HAYOP KA!!!" Galit na sigaw ni Julieann.

Bigla syang napalibutan ng apoy at may lumitaw na pana sa kanang kamay nya na gawa sa apoy. Ng hawakan nya ang string nung bow ay kusang lumabas ang arrow sa kamay nya na gawa din sa apoy. Sunod sunod nyang tinira ng fire arrows si Jhade pero agad namang nakaka ilag ang binata kaya ang labas ay kung saan saan tumatama ang arrows at ang tamaan ng arrow nya ay nasusunog.

"Julieann is Pyrokinesis she can manipulate and produce fire." Paliwanag ulit ni Jiselle.

"Awatin nyo bago maka rating ang mga masters." Damon said.

"Sis, kaya mo na yan." Jiselle said bago tinapik ang balikat ng kakambal.

Napabuntong hininga naman si Jeselle at labag sa loob na nag lakad sa gitna ng cafeteria.

Ipinandyak nya ng malakas ang kaliwang paa nya at wala pang limang segundo ay naging yelo ang buong sahig dahilan para biglaang mamatay ang apoy at ma-out of balance kami. Muntik na akong matumba ng may biglang kumapit sa bewang ko at inalalayan ako.

"Careful." Damon said habang tinutulungan akong makatayo ng maayos. Pinakapit nya ako sa braso nya para hindi ako matumba.

"My sister has the ability to controll and produce ice. She's the Cryokinesis." Jiselle said na nasa tabi ko din pala.

"Mag sitigil nga kayong dalawa! Ang lalaki nyo na tapos ganyan pa ang inaasal nyo!" Marishtela.

"Eh kasi naman eh! Kung itinitikom lang sana ng kumag na yan ang bibig nya hindi ako mapipikon!" Julieann.

"At ako pa talaga!? Dinedescribe lang naman kita ah!" Jhade.

"Aba talagang!" Pikon nanamang sabi ni Julieann at akmang papaulanan nanaman si Jhade ng fire arrow ng biglang nabalutan ng makapal na yelo ang mga kamay nya.

"Thats enough!" Jeselle said.

Bigla namanng nanahimik ang buong cafeteria habang naka tingin sa dereksyon namin. Naka tayo kasi kami sa may pinto kaya kitang kita namin silang lahat.

"Patay." Rinig kong bulong ni Jhade.

What? Narinig ko pa yun? Eh ang layo ko sa kanya ah!

"Hulaan ko. Nasa likod natin ang mga masters noh?" Bulong ni Jiselle.

Bigla naman akong may naramdaman na kung anong mga enerhya sa likod namin. Nanigas ako sa lakas ng enerhiyang yon at dahan-dahang lumingon sa likod.

Nakita ko ang tatlong lalake na naka cloak na brown at masamang naka tingin sa buong cafeteria na sobrang gulo ngayon. Sa tingin ko ay mga nasa 20's palang sila at nakakatakot ang presensya nila.

"WHAT IS THE MEANING OF THIS!?" Sigaw ng nasa gitna.

Sa tono palang nya ay alam ko nang hindi maganda ang kahahantungan nito.

























To be continue.....

Born With A Wings (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon