Tatlong oras na kaming nasa himpapawid pero hindi parin namin nalalagpasan ang bundok na itinuro nung ale.
Malaki at mataas ang bundok kaya aabutin talaga kami ng isang araw kung mag lalakad kami.
"Mag pahinga kaya muna tayo." I suggest.
"Oo nga Damon! Napapagod na ako!" Jiselle.
"At ikaw pa talaga ang napapagod ha!" Reklamo ni Marishtela habang bitbit si Jiselle.
"Kailangan nating maka punta doon ng maaga." Damon.
"Pero nagugutom na ako!" I said.
Tiningnan nya lang ako bago napabuntong hininga.
"Fine. Let's eat and after that we will continue this." He said.
Bumaba kami sa gubat at sinimulan namang ilabas ni Jiselle ang mga pagkain.
Ano na kayang nangyari doon sa apat?
JULIEANN's POV
"Dito sa kaliwa ang daan." Jhade.
"Dito kaya sa kanan!" I said.
"Sa kaliwa nga sabi eh!" Jhade.
"Sa kanan nga! Hindi ka ba nakikinig sa sinabi nung lalake kanina!?" Ako
"Nakikinig ako! Baka ikaw ang hindi nakikinig!" Jhade
"Hoy! Sino kaya sa atin ang nakikipag landian kanina habang nagtatanong-tanong tayo ha!" Ako
"Bakit? Selos ka!?" Jhade
"Over my dead gorgeous body! Kahit laylan hindi ako makakaramdam ng selos sa iyo!" Ako
"Hah! I will make sure na kakainin mo yang sinabi mo!" Jhade
"Hin...." Naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw si Pinky.
"UTANG NA LOOB! KANINA PA KAYO NAG BABANGAYAN DYAN! KUNG SAAN SAAN NA NAPUNTA ANG TOPIC NYO! SA TINGIN NYO BA MAY MAPAPALA TAYO KUNG PATULOY KAYONG MAG SISIGAWAN!?" Galit nyang sigaw.
"At isa pa, wala sa kaliwa o sa kanan ang daan. Deretso lang tayo. Parehas kayong hindi nakikinig." Naiiling na sabi ni Jeselle.
Napairap nalang ako kay Jhade at nauna ng mag lakad.
Papinta kami ngayon sa bahay nung Aira Jane Villanueva at mukhang maaga kaming makaka uwi.
Ilang oras narin kaming nag lalakad at napapagod na ako. Si Jhade lang naman kasi ang may pakpak dito at hindi nya kami kayang buhatin lahat. Kung gagamitin nya naman ang powers nya paniguradong mabilis syang manghihina.
Ilang saglit lang ay natanaw namin ang nag-iisang bahay na tinuro nung lalakeng pinagtanungan namin kanina.
"Yan na yata yung bahay." Jeselle.
"Sa tingin mo?" Pinky.
Nilapitan namin yung bahay. Nasa tapat na kami ng pinto at akmang kakatok ng biglang...
"Sino kayo?"
Agad kaming napalingon sa likuran namin at nakita namin ang isang babae na kasing edad lang namin na may morenang balat at light brown na buhok.
"Inuulit ko, sino kayo?" She ask.
"Taga Star High Academy kami at hinahanap namin ang babaeng nag ngangalang Aira Jane Villanueva." I said.
Bigla naman syang nag labas ng puting energy ball at ibinato sa amin. Mabilis ang mga nangyari kaya hindi namin nagawang salagin ang atake nya. Tumama ako sa isang puno at ganon din sila Jeselle.
