Traitor

13 0 0
                                        

JULIEANN's POV




Nandito kami ngayon sa gate ng school para makita ang pag-alis ni Cristine. Ang hari at reyna na ng Green City ang mangangalaga sa kanya habang hindi pa sya nagigising. Sa royal garden daw ng green city ay mayroong greenious plant at doon sya ilalagay. Mahina padin ang katawan nya at patuloy padin iyong manghihina kaya nang malaman yun ng headmaster ay kaagad syang tumawag sa Green City para ipaalam ang kalagayan ni Cristine.

Dumating na ang kalesang magdadala sa kangya sa Green City, ipinadala iyon ng hari. Maingat na ipinasok sa loob ng kalesa si Cristine ng mga healers.

"Kailan kaya sya magigising?" Malungkot na tanong ni Pinky.

"Walang may alam Pinky. Pero sana magising na sya." I said.

Matamlay kaming nagsipasok sa kanya-kanya naming dorm at nag pahinga. Wala kaming gana na pumasok ngayon. Masyadong nakaka lungkot.









CRISTINE's POV

Nagising ako na naka higa sa isang damuhan. Sinubukan kong bumangon at tinganan ang buong paligid. Nasa isang malaking field lang ako walang puno o kung ano paman, tanging damo lang.

Nasaang lupalop nanaman ako? Panaginip nanaman ba ito?

"Hindi ito isang panaginip Cristine." Nagulat ako ng may biglang mag salita sa likod ko kaya agad ko itong nilingon.

Isang babae na naka white long dress na aabot hangang sa lupa at may long sleeve. Maputi sya at maganda. Parang isang dyosa.

"Who are you?" I ask.

"I'm your guardian, my name is Lenny." She answered.

"Guardian? Am I dead?"

"No your not. Nandito ka sa lugar kung saan sinasanay ang isang guardian at tanging spirit mo lamang ang nandito. Ang katawan mo ay nasa isang healing plant sa green city."

"At paano naman ako napunta dito?"

"Wala kang kontrol sa kapangyarihan mo Cristine. Sa tuwing maglalabas ka ng emosyon ay kusa mong nailalabas ang kapangyarihan mo kaya nanghihina ang katawan mo. Naapektuhan mo din ang panahon na maaring mag dulot ng delubyo."

Ibigsabihin totoo ngang sa akin galing ang bagyo na yun. Yung mga malalakas na ulan.

"Hindi lamang bagyo ang kaya mong likhain. Kaya mong lumikha ng ibat-ibang klase ng panahon. Kaya kailangan mong masanay ng maayos." She said.

Dito lang ako at mag sasanay? Pero paano ang mga kaibigan ko?

"Kailan ako makakabalik sa school?" I ask.

"Kapag natutunan mo nang kontrolim yang emosyon mo at yang kapangyarihan mo, and it will take months." She said.

"MONTHS! WHITH 'S' TALAGA!"

"Yup! Hindi madaling makontrol ang kapangyarihan mo lalo na yang emosyon mo kaga mahihirapan ka." She said.

Naku! Mukhang hindi maganda ang mga susunod na mangyayari sa yugto ng buhay ko.






MARISHTELA's POV

Isang lingo na ang nakaka lipas simula ng dalhin sa Green City si Cristine. Masasabi kong may nagbago sa tropa, gaya nila Jhade at Julieann na bihira nalang nag-aaway, si Pinky na walang bukang bibig kundi si Cristine, si Jiselle na walang ginawa kundi ang magbasa ng kung ano-anong libro, si Jeselle na walang ginawa kundi ang mag practice ng tungkol sa kapangyarihan nya, si Ako na nakatambay palagi sa library at si Damon na lalong naging cold at tahimik.

Nandito ako ngayon sa pinaka dulo ng library at naghahanap ng librong pwedeng dawing unan. Akala nyo nagbabasa ako dito noh!? Hahaha! Natutulog ako dito kasi mas tahimik dito.

Naagaw ng isang makapal at kulay itim na libro ang pansin ko. Kukunin ko na sana yun ay bigla akong natalisod dahil sa isang libro na nakakalat sa sahig. Imbis na makuha ko ang libro ay aksidente ko iyong naitulak.

Nagulat ako ng biglang gumalaw pakanan ang shelf. Nakita ko ang isang pinto na walang doorknob na kulay itim. May secret door pala dito? Sino naman ang maglalagay nang ganito dito?

Itutulak ko na sana ang pinto pero nagalinlangan ako. Hindi dapat ako na ngengealam sa mga ganitong bagay. Baka kung ano pang mangyari sa akin.

Aalis na sana ako pero may narinig akong naguusap sa hindi kalayuan. Hindi pamelyar ang mga boses nila. I think dalawang tao yun.

"Hindi pa tapos ang propesiya." The other man said.

"Pero napatay na natin ang mga lahi ng puting anghel diba? Dapat namatay na din ang sinasabi ng propesiya." Sabi naman nung isa.

"Naalala mo? Hindi namatay ang reyna, nawala lang siya ng parang bula kaya maaring sya nga ang tinutukoy ng propesiya."

"Maari. Pero pwede ding may naka takas na puting anghel at sya ang may dala ng propesiya."

Hindi ko sinasadyang masanggi ang isang shelf kaya nahulog ang ilang libro mula doon.

"May nakikinig sa atin."

"SINO KA! LUMABAS KA DYAN!"

Naramdaman kong papalapit sila sa direksyon ko at wala na akong pagtataguan.

Napilitan akong itulak ang itim na pinto at pimasok doon. Naramdaman ko na may pwersang humuhila sa akin kaya napapikit ako. Isa itong portal. Pero portal patungo saan?

Dahan dahan akong dumilat ng makalabas ako ng portal. Nakita ko ang mga patay na puno at madilim ang paligid na medyo mahamod.

"Dark Forest?" Nasabi ko sa sarili ko ng mapagtanto ko kung nasaan ako.

Agad nanlamig ang katawan ko dahil sa latotohanang ang dark forest ang nasa Black City. Kung ganon ay nandito ako sa Black City?

Hindi maari ito. Paano nagkaroon ng portal mula sa school papunta sa Black City?

Hindi kaya may traidor? Posible yun.

Agad kong hinubad ang uniform ko at inilabas ang itim kong pakpak. Binalot ko ng pakpak ko ang buo kong katawan. Naramdaman ko ang init ng luwanag na nagmula sa pakpak ko at nang itago ko iyon ay iba na ang damit ko. Nice diba? Isa yan sa kayang gawin ng isang pakpak, ang mag palit ng kasootan.

Nag palit ako ng damit dahil baka makilala nila ang uniform ko. Naka itim na dress ako ngayon na may two inch black heels.

Kung may traidor sa SHA dapat meron din DHA, at ako yun! Hahahaha!!!!

Sorry sa mga tropa ko na maiiwan sa SHA, susubukan ko lang namang pumasok sa lungga ng mga kalaban.















JHADE's POV


"ANO!? NAWAWALA SI MARISH!?" Oa na sigaw ni Julieann ng marinig ang ibinalita ni Pinky.

"Oo, kahapon pa namin sya hinahanap kasama ng mga school guards pero wala kaming nakita kahit isang trace nya." She said.

"Ano banaman itong nangyayari sa grupo natin! Una wala pading malay si Cristine hanggang ngayon, pangalawa nawawala si Marishtela, may susunod pa ba?" Jiselle.

"Sana naman wala na." Naluluhang sabi ni Jeselle.

Wala sa sariling napaupo ako sa upuan ko dito sa classroom at inalala ang mga nangyari this past few days simula ng mawalan ng malay si Cristine. Masyado kaming naging busy sa kanya-kanya naming gawain kaha hindi na namin nabibigyang pansin ang isat-isa.

"Saan natin hahanapin si Marishtela?" Julieann ask.

"Hindi namin alam. Wala naman siyang ibang pinupuntahan palagi kung'di ang library lamang." Pinky

Natahimik kaming anim at pareparehong inisip kung saan pwedeng makita si Marishtela. Dumaan ang lunch ng walang nakapagsasabi kung saan sya pwedeng makita. Hindi kaya may kumuha sa kanya? Pero sino?
















To be continue.....

Born With A Wings (ON HOLD)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon