*crying sound*
Isang iyak ng babae ang gumising sa akin. Ramdam ko ang tigas ng hinihigaan ko kaya bumangon ako. Bakit nasa sahig ako?
I look around at nasa hindi pamilyar na kwarto ako. Nasaan ako?
*crying sound*
Tumingin pa ako sa buong kuwarto at doon sa gitna ay may nakita akong babae. Isang babae na may malalaking pakpak na gaya ng sa akin. Mula sa apat na sulok ng kwarto ay may nakakabit na kadena na naka pulupot sa bewang nya. Wala syang damit at naka takip ang kanyang mga palad sa kanyang mukha habang patuloy na umiiyak. Meron syang blond na buhok na gaya ng sa akin na umaabot hangang sa kanyang bewang.
"Ibalik ninyo ang aking anak parang awa nyo na!" She cried.
Sinubukan kong humakbang palapit sa kanya pero kahit anong hakbang ang gawin ko ay hindi ako maka alis sa sulok na kinalalagyan ko.
"Who are you?" I tried to ask pero parang wala syang narinig at patuloy na umiyak.
"Ang anak ko!" She cried again.
Ramdam ko ang sakit at paghihinagpis sa bawat iyak at pagtawag nya sa kanyang anak.
Maya-maya pa ay bumukas ang double door na nasa harapan nya at iniluwa nun ang lalake na naka suot ng magara at may korona. Sa likod nya ay naka sunod ang ilang kawal na may hawak na sibat.
"MANAHIMIK KA! WALA NA ANG ANAK MO! HINDI MO NA SYA MAKIKITA PA! AT KAHIT NA UMIYAK KA PA NG UMIYAK DYAN WALA KA NANG MAGAGAWA!" The king shouted.
