Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Naririnig ko ang mga masasayang huni ng mga ibon. Bumangon ako at umupo sa kama bago nag inat.
Grabe! Biruin mo, Sabado na ngayon! Grabeng bagyo yan! Sigurado akong tambak ang gawain sa school ngayon!
Tumayo ako at pumasok na ng cr at naligo. Pagkatapos kong gawin ang mga dapat kong gawin ay isinuot ko ang isang white dress na may spaghetti strap na umaabot hangang sa tuhod ko ang haba at back less. Simple white lang sya at wala ng kung ano pang design. Isinoot ko din ang white doll shoes ko bago lumabas ng mansyon at pumunta sa malaking garden namin.
Wala akong kasama ngayon dito sa bahay dahil day off ng mga maid at butler namin ngayon.
Nakangiti kong inilabas ang aking pakpak bago muling nag inat.
Malakas kong ipinagaspas ang aking pakpak dahilan para lumikha ng malakas na hangin. Lumipad ako ng napaka taas upang walang makakita sa akin mula sa ibaba.
Minsan lang ito. Minsan lang ako lumipad ng ganito kaya susulitin ko na.
Ipinagaspas ko ng ipinagaspas ang aking pakpak at masayang nilibot ang buong lugar. Hindi ko alam kung saan ako papunta pero ayos lang dahil marunong naman akong umuwi.
Nakarating ako sa isang gubat at doon ako bumaba para mag pahinga at mag hanap ng makakain na prutas. Nakakita ako ng puno ng mansanas kaya doon ako lumipad paakyat at umupo sa sanga bago namitas ng bunga.
Basta ko na lamang ibinato kung saan ang buto bago pumitas ulit. Gutom ako ngayon kaya walang pakealaman.
"OUCH! WHO DID THAT!"
Nagulat ako ng may biglang sumigaw kung saan ko hinagis ang buto. Muntik na akong mahulog mula sa kunauupuan ko pero agad kong naipagaspas ang aking pakpak kaya maayos akong naka landing sa lupa.
"WHAT THE!"
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses na yun sa likuran ko. Sa luran ko, ibig sabihin naka harap sya ngayon sa mga pakpak ko.
Mariin akong napapikit at humunga ng malalim. Yari tayo dyan! Merong nakakita sa akin.
"Look at me white angel. Don't be scared." He said.
Yeah, lalake ang animal na nakita sa akin.
Dahan-dahan akong umikot para makita sya at halos mapaupo ako ng makita ko kung sino ang animal na toh.
"IKAW!?" sabay naming sabi.
Tininganan ko sya from head to foot at... Bakit?
Naka itim syang maong at walang t-shirt. Wala din syang sapin sa paa at nakalantad ang malaki at itim nyang pakpak sa akin.
Holly bird! Kaya naman pala ganon ang pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko sya!
"MISS PRESIDENT!?" Gulat nyang sabi.
"Jhade!" Hindi maka paniwala ko namang sabi.
"Ano....paano...pero...eh?" Hindi nya alam kung ano ang sasabihin nya habang naka tingin sa akin at sa mga pakpak ko.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.
"Anong ginagawa mo dito?" I ask.
"Palagi akong nandito tuwing weekend."
"Pano ka nag ka ano--- I mean....yung...pakpak?"
"I was born with this. And you?"
"I was also born with this."
"Marami akong tanong sa iyo alam mo yun?" He said.
"Same here." I said.
"Let me ask first. Alam mo ba kung saan ka nanggaling?"
Natigilan ako sa tanong nya. Napayuko ako at marahang umiling. Galing ako sa mga magulang ko, pero alam kong hindi iyon ang tamang sagot. Narinig ko syang nag buntong hining bago muling nag salita.
"Umamin ka, wala kang alam kung sino ka ano?"
Muli nanaman akong umiling sa sunod nyang tanong.
"Isa kang puting anghel. Human angel to be exact. At na nganganib ang isang katulad mo."
Agad akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Nanganganib?" I ask.
"Mukhang wala ka talagang alam." Naiiling nyang sabi. "Mahabang paliwanagan ito."
●●●●●●●●●●●●●
Nandito kami ngayon ni Jhade sa office ko dito sa mansyon. Pag-uusapan daw namin ang tungkol sa pinanggalingan ko at kung ano ako.
"Ok, sisimulan ko kung saan tayo nag mula. Galing tayo sa Air World kung saan ang kapangyarihan ay totoo. Ang mga tao doon ay may kapangyarihan. Bihira naman ang merong pakpak doon like me. Pero ang lahat ng pakpak doon ay kulay itim at walang puti."
"Bakit naman walang puti? Kung may itim dapat may puti!" Protesta ko.
"Dahil pinatay nila noon ang mga taong nag tataglay ng puting pakpak."
"Why?"
"Dahil sa isang propesiya. Walang may alam ng propesiya bukod sa hari. Ang tanging alam lang namin ay mag hahatid ng pagkawasak ang isang taong may puting pakpak kaya pinapatay nila ang lahat nang may puting pakpak."
"Ang unfair naman nun! Isang tao lang ang tinutukoy sa propesiyang yun tapos pinapatay nila lahat?"
"Dahil yun ang gusto ng lahat noon. Malakas ang may puting pakpak kaya kinaiinggitan sila noon kaya sumang-ayon ang lahat na ubusin ang lahi nila."
Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sobrang galit. Hindi makatarungan yun! Dahil sa ingit nagawa nilang pumatay ng ka-uri nila!? Mga sakim sila!
"Alam ko ang nararamdaman mo pero kailangan mo munang isantabi yan. Hindi makakabuti yan para sa iyo."
Mariin akong napapikit at kinalma ang sarili ko. Tama sya, walang patutunguhan ang galit ko. Sa ngayon.
"Gusto kong puntahan ang mundong yun." I coldly said.
"ANO!? Nababaliw ka na ba!? Delikado ka doon!"
"Pero kung hindi ko ilalabas ang pakpak ko hind nila malalaman!"
"Eh ang kapangyarihan mo? Sa pagkakaalam ko naiiba ang kapangyarihan ng mga white angel kaya madali nilang nalalaman kung anong klase sila."
"Pero wala pa akong kapangyarihan."
"Siguro hindi pa gising ang kapangyarihan mo. Pero sa aras na magamit mo yun, siguradong makikilala ka nila kaagad."
"Please Jhade. Gusto kong makilala ang mundo na pinag mulan ko! Ang mundo na pinag kait sa akin ng mga magulang ko!"
"At ang mundong papatay sa iyo ha?" He ask.
Panandalian naman akong natahimik sa sinabi nya bago marahang tumango. Wala akong pake kung mamatay man ako. Wala namang magluluksa kung sakaling mamatay ako. Narinig ko syang nag buntong hininga bago nag salita.
"Fine. Pero kailangan ka naming samahan." He said.
"Namin?"
"Ako, si Damon, at si Marish."
"Whose Marish?"
"Remember sa canteen? Pito kami nun. At si Marish ang hindi ka kinausap dahil sa aming lahat sya ang pinaka tahimik."
"Wait I have one more question. Kung pinapatay ang katulad ko, bakit hindi mo ako pinatay?"
Natigilan naman sya sa tanong ko bago tumingin sa akin at ngumiti.
"Malalamin mo din kung bakit. Pero hindi ngayon. Ito ang tatandaan mo, kakampi mo kaming lahat." He said bago patakbong tinungo ang malaking bintaka at tumalon palabas. Nakita ko ang itim nyang pakpak na lumabas at inilipad sya pataas.
To be continue.....
