Chapter 1: #Kick-Off

61 1 0
                                    


Ilang minuto pa at nagdatingan na iyong iba. Heto na nga, simula na naman ng isang taong puyatan, kulitan kasama ang mga blockmates, sagutan sa mga prof na sala ang mga katwiran, mga serye ng pangongopya at kung anu-ano pang mga kalokohan.



Jano



Aaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh!



*takbo papuntang banyo, after 10 minutes, harap sa salamin, konting ayos ng buhok with the pogi sign, sabay takbo ulit pababa, to the dining room*



Late na naman ako nito. 9:24 na eh may pasok pa ako. Pero, first day naman eh. Yae. Haay, First day in school ulit after summer. Tss. Summer. First time na nag-Manila ako for summer, and it's effin hot in here, unlike in Korea. But still pogi pa rin naman, hindi ako nangitim. *smirk*



Sabi nga ni Vice ganda, okay lang na maitim at tanggap ko yun kesa naman sa maputi nga pero maitim ang budhi. Haha. Pero bakit nga ba napasama pa si Vice Ganda sa usapan, eh late na ako eh!



Nga pala, ladies. My name is Jano Sonriquez, Jano for short. Lul. Gwapo, and single. (A/N: Ang lakas na ng hangin masyado! XD). Anyway, dito ako lumaki sa Pilipinas pero my dad's from Korea, while my mom's a Filipina. In short, half-korean ako. Dito ako sa Pilipinas nag-elementary pero lumipat kami ng Korea nung highschool na ako. Then, we came back to the Philippines nitong magka-college na ako. Nakakahilo na nga eh, ano ba talagang balak nila sa akin? Tss. Now, I am a second year college at St. Vincent University, taking up BS Math. Hell yeah, I'm a Math major. I love Math, they don't care. Tss. And don't get me wrong, I'm not a freaking bastard, good boy 'to noh. Nagiging reckless lang, 'pag kinakailangan.



*Sa dining room*



"Anong oras na?" pagtatanong na may halong pagtatakang si Mommy Elllen.


"9:40 am 'my. Why?" confident na sagot ko naman.


"Aba tanong ka pa eh. It's your first day in school today diba? Unang araw palang pero late ka na." medyo galit na pagsasalita ni Mommy.


"Tss. Eto na nga oh, kaya nga nagmadali na ako eh." medyo inis na sagot ko.


"Dapat lang. Sige na at may maaga pa akong appointment today. Ikaw na bahala dito. I'll go ahead. Give your Mom a kiss." paglalambing niya.



Ano ba talagang meron kay Mommy. Kanina galit tapos ngayon manlalambing. Ewan ko nga ba sa mga magulang ngayon.



"Mom! I'm not a kid anymore! Tss." medyo inis na sabi ko kay Mommy.


Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now