Chapter 12: #AtHisHouse

7 0 0
                                    


"Mayaman agad? Sa bahay lang pero ang totoo hindi naman eh. Kita mo nga, wala sila Mommy at Daddy dito. Ako lang kaya dito sa pilipinas. Ilang taon na nga nila akong hindi dinadalaw eh..."



Yajen



Maayos lang naman ang mga nakaraang araw. Ang galing KO nga pala dun sa performance namin ni Jano. Hahaha. Joke lang. Ang galing namin. Kaya nga nanalo kami. Oha? :D



Madaling lumipas ang mga araw. Wala naman kasing nangyari eh. Prelims na next week. Haggard na naman kami nito. Kailangang mag-aral eh para pumasa sa mga exams. Syempre kailangan sa magiging career ko in the future. Pero sabi nga, "kayang-kayang-kaya."



(Sa Library)



Kasama ko sina Nikayi at Richee sa library kasi nga nagrereview kami.



"Hay naku girls, kailangan nating pumasa sa exams natin kasi napakinggan ko sa isa nating professor na may screening daw ulit bago magthird year," daldal ni Nika.


"Oo nga raw eh. Sabi nga, lahat daw kasi dapat i-screen para raw matira ang matibay." Sabat naman ni Richee.


"Grabe naman. Ang higpit dito sa St. Vincent University. Siguro pasa sa board exam ang lahat ng graduates dito. Wait lang, may babasahin lang ako," inis na sabi ko sa kanilang dalawa.


"Ui, Yaj si Jano palapit sa'tin," bulong ni Richee sa'kin.


"Oo nga. Tingnan mo, bilis," utos naman ni Nika.


"Yaan ninyo siya. Wala akong pakialam sa kan..." sabi ko sa kanila habang nagbabasa ako ng book.


"Hoy, Yajen! Punta ka nga dito," sigaw ng Janong sungit na 'to.



At hinila niya ako palabas ng library. Ni hindi nga ako nakapagsalita dahil hinila niya ako ng dali-dali. Pinagtingin tuloy kami ng mga estudyante dito. GRABE TALAGA ITONG LALAKING ITO.



"Hoy! Bitiwan mo nga ako. Nakakahiya ang ginagawa mo. Nagtitinginan na kaya ang mga tao. See?" hinila ko ang kamay ko dahilan para mabitawan niya.


"Paki ko. Sumama ka na lang nang hindi ka masaktan," dire-diretso siya sa paglalakad at kinuha niya ulit ang kamay ko at hinila.


"Saan mo ba ako dadalhin? Grabe nasasaktan na ako."


"Basta! Sumama ka na lang."


"Magka-cut tayo? Bakit nasa labas na tayo ng campus? May klase pa tayo mamaya ah? Nagrereview pati ako ngayon kasi malapit na ang prelims natin."



Hindi na siya nagsalita. At tumigil na kami sa isang bahay? Wow, ang ganda naman nito. Natigilan tuloy ako nung nakita ko yun. Kanino kaya ito? Bakit kaya dito ako dinala ni Jano?



"Anong ginagawa natin dito?" pangungulit ko sa kanya.


"Tuturuan mo ako dito. Dito tayo magrereview."


"HAH? AT BAKIT? HINDI PWEDE! UUWI NA AKO." Sigaw ko sa kanya sa sobrang inis ko.



Hihilahin niya ako tapos magpapatutor lang pala. The heck.



"Hindi ka pwedeng umuwi. Dito ka lang."


"Bakit kasi ako? Bakit hindi sa girlfriend mo?"



Hindi na siya umimik. Parang ayaw niyang pag-usapan ang about dun. Kaya hindi na lang ako umimik. Nilibot ko na lang 'yung buong bahay para may magawa ako. Boring kasi dito eh. Walang magawa. Naiwan ko kasi yung mga gamit ko sa library nung hinila ako ng Jano sungit na ito. Lakas talaga ng trip nito. Lagi ng ako ang napagtripan eh. *____*



"Kaninong bahay ito?" tanong ko ng malibot ko na ang buong bahay.


"Hindi ba Obvious. Malamang sa'min. Nakapasok tayo eh." Sarcastic niyang sagot.


"Wow naman. Ang yaman mo pala."


"Mayaman agad? Sa bahay lang pero ang totoo hindi naman eh. Kita mo nga, wala sila Mommy at Daddy dito. Ako lang kaya dito sa pilipinas. Ilang taon na nga nila akong hindi dinadalaw eh."


"Kaya ka pala ganyan sa'kin. Pero bakit sa'kin?" bigla kong tanong sa kanya.


"Asa kang sa'yo lang. HAHAHA." Natawa siya sa sinabi ko.


"GRABE KA NAMAN! IKAW NA NGA SINASAMAHAN KO DITO TAPOS IKAW PA ANG MASUNGIT. BAHALA KA NGA DIYAN."


"Huwag ka ngang sumigaw. Sorry na. Ang sarap mo kasing pagtripan. Tapos..."






First time in the history na nagsorry siya sa'kin. Word for the day, SORRY!

otocol0 ;^1

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now