Chapter 6: #HeForgot

7 0 0
                                    

Pagsakay ko sa bus, nakatabi ko ang babaeng ito. Bakit ba hindi ko maalala ang pangalan nito? Tssk. Lalong sumasakit ang ulo ko. Gusto ko naman sanang imikan, kaso hindi ko nga maalala ang pangalan. Wag na nga lang! -__-

Jano

Agang-aga badtrip ako. -__-

Una, hinold ni Mommy ang kotse ko. Gabi na kasi kaming nakauwi kagabi, dahil pagkatapos naming ihatid ang babaeng iyon, eh dumaan pa kami sa bar, inom lang. 1am na kami nakauwi. Ano nga ba ulit pangalan nun? Hindi ko na maalala eh. Pero parang itong si Kevin, may tama doon sa babaeng iyon.

*Flashback*

Nagdadrive na ako palabas ng campus, kasama ko si Kevin.

"Oi, si Yaj iyon ah. Pwedeng pasakayin na natin Jano?" tanong niya sa'kin.

"Ayoko."

"Dali na oh. Kawawa naman siya oh. Gabi na rin. Tapos malayo ata ang kanila. Paano kung ma-rape iyan sa daan? Mapagtripann ng lasing? O kaya mahold-up? Dali na Jano, ngayon lang pre."

"Sige na. Ang dami mo nang nasabi eh."

Pagtigil namin sa tapat niya, hindi pa agad sumakay. Nakakabadtrip! Ayoko pa naman ng naghihintay.

"Sumakay ka na nga lang. Ang dami pang satsat. Pagbuksan mo na nga iyon, Kevs," inis kong utos kay Kevs.

*End of Flashback*

Hindi ko din alam kung bakit umiinit ang ulo ko. Kaya naman pagkahatid namin sa babaeng ito, dumiretso na kami sa bar. Kampay! -__-

*Morning*

"fjiuayho."

"Hmm!"

"JANO SONRIQUEZ, KAPAG HINDI KA PA BUMAGON DIYAN PATI ALLOWANCE MO IHOHOLD KO!" sigaw niya.

"O_O What?!" naalimpungatan ako bigla.

"That's right young man. Get youself fixed at male-late ka na!"

Ano pa nga bang magagawa ko? Ansakit ng ulo ko! Potek! At eto na nga, wala akong choice kung hindi ang magcommute! -__-

Pagsakay ko sa bus, nakatabi ko ang babaeng ito. Bakit ba hindi ko maalala ang pangalan nito? Tssk. Lalong sumasakit ang ulo ko. Gusto ko naman sanang imikan, kaso hindi ko ng maalala ang pangalan. Wag na nga lang! -__-

Sabay kaming dumating sa classroom.

"UI, ANO YAN? LUME-LEVEL UP KAYO AH. HAHAHA." Sigaw ni Jacob.

"Ewan ko sa'yo boy. Manchicks ka na lang."

Walang nangyari buong araw. Orientation, sabihan ng ganito, kailangan ng ganyan. Boring! Ansakit pa rin ng ulo ko.

Maya maya, may naririnig akong tumatawa.

"Ikaw na Kevs ang corni. Wahaha."

Sino nga 'yun?

"Edi tumawa ka rin. Tawa kana lang lagi. Gumaganda ka eh kapag tumatawa ka," bola naman nitong si Kevs.

"Osus. Ang arte ai. Haha. Sige na. Salamat salamat."

"Gusto mo lagi akong magjojoke para sayo? Haha."

"Adik ka. Huwag na. Okay na ako. Hahaha."

Para-paraan si Kevin ai. Tss. Makatulog na nga lang.

*After their last class*

"Oi, Jano. Ano tara na uwi? Asan auto mo?" tanong ni Kevs.

"Wala. Nakahold muna. Tara commute na lang tayo. Hindi ba masakit ulo mo?"

"Medyo lang. Ano inom ulet?"

"Lul. Wag na. Bukas na. Uwi na lang muna ako."

"Weak ka pala eh. Para ka naming bago eh. Haha. Geh geh. Sabay na ako kay Yaj."

"Sino iyon?"

"Ano bang nangyayari sa iyo? Kaklase natin. Iyong hinatid natin kahapon. Nag inom ka lang nawala na ang ala ala mo?"

"Ah. Oo. Geh. Una na ako."

"Geh. Ingat."

"Ikaw ang mag-ingat, patanga-tanga ka pa naman. Haha."

"Lul ka. Umuwi ka na. Haha."

Yajen nga pala ang pangalan nun. Sorry naman. Haha.

boots2 

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now