Chapter 5: #SecondDay

9 1 0
                                    


Ano namang lumelevel-up ang sinasabi ng isang ito? Nagkasabay lang pumasok, level-up na agad? Hay naku, nakakasira ng araw.



Yajen



Second day of school. Second day with Janong sungit. Sana makasurvive ulit ako today.



Paggising ko ng mga bandang 5:45 eh maliwanag na. I fixed up my things and took a bath before going down to have breakfast. Pagbaba ko, naroon na si Mommy, at luto na lahat. Ang sweet talaga ng Mommy ko. She doesn't let me do all the work.



Actually, hindi naman talaga kami mayaman. May kaya lang. Si Mommy, dating nagtrabaho sa Korea nung dalaga pa siya, doon na rin niya nakilala si Daddy. Kahit na taga-Korea talaga si Papa eh hindi kami doon tumira. Gusto kasi ni Mommy dito ako lumaki sa Pilipinas. Pero pagbigyan kahit kaunti si Daddy, doon kami nagbakasyon noong pagka-graduate ko ng high school. Masaya, kasi unang-una, malamig. Mababait ang mga tao, at nakita ko pa ng personal si Paul John ko ng To The Beautiful You. Waaah. Ang gwapo talaga niya.



Pagkatapos kong kumain, nag-ready na ako para umalis. I kissed Mommy on the cheek, at lumabas na para maghintay ng bus. I listened to some music para marelax ako, masaya kasi ang umaga, seeing different people living their lives.



May tumabi sa akin...



O_O Si Janong sungit. Opo, Lord, good morning po. Huhuhu.



Hindi kami umiimik. Ayaw ko nga siyang kausapin. Nakakainis, sungitan na naman ako niyan. Nagpatuloy na lang ako sa pakikinig ng kanta.



Pagdating namin sa school wala pa ring umiimik. Nasa unahan ko lang siya, naglalakad. Walang pakialam. Pagpasok namin sa classroom pinagtinginan agad kami ng mga classmates namin.



"UI, ANO YAN? LUME-LEVEL UP KAYO AH. HAHAHA," sigaw ni Jacob.



Ano namang lumelevel-up ang sinasabi ng isang ito? Nagkasabay lang pumasok, level-up na agad? Hay naku, nakakasira ng araw.


"Oh, what's with the face my dear? Ang aga aga oh. Smile bhe, smile," bungad sa'kin ni Nika.


"Eh paano ba akong ngingiti eh... Haaay! Haru josko."


"Okay lang iyan friend. Breathe. Haha. Sino ba iyang kinaiinisan mo aging-aga?"


"Tss. Si Jano. Kay sungit ai."


"Naku, hayaan mo na. Ganyan talaga iyan. Hindi lang talaga siya mahilig makipag-close sa girls. Minsan ko nga lang iyan makausap, pero napatawa ko na iyan. Masasanay ka rin. Haha."

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now