CHAPTER 17: #GettingToKnowEachOther!

22 1 0
                                    

"Ikaw! Masungit sa batch, weird, Yajen Zalforo... let's be friends!"



Jano


Pumasok ako ng maaga para naman hindi na ako malate. Lagi na lang kasi akong late eh.


Pagpasok ko ng classroom, nakita ko si...


"Yaj?" tawag ko sa kanya.


"An aga mo naman ata ngayon?" tanong niya sakin.


"Wala lang. trip ko lang. masama ba?" balik na tanong ko sa kanya.


"Hindi naman. Nanibago lang ako."


"Ganun ba? Sige next time, hindi na ulit ako papasok ng maaga."


"Sorry kung naoffend kita. Pero hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin."


"Hindi. Okay lang." yumuko ako para naman medyo effective yung pagpapaawa ko sa kanya.


"Ito naman hindi na mabiro." Panunuyo niya sa'kin.


Biglang tumahimik ang paligid na tila parang may anghel na dumaan.


"Bakit natahimik ka?" tanong ko sa kanya.


"Wala naman. Ganito talaga ako. Tahimik nna tao."


"Wow naman. Pero kapag kasama mo sina Nikayi at Richee, napakaingay mo. Pati kapag sumisigaw ka, parang mabubutas na ang eardrums ko. Tapos sasabihin mong hindi ka naman talaga maingay? Nasan ang hustisya?" explain ko sa kanya.


"Iba kasi yun. Hindi mo pa nga ako kilala."


Natahimik muli ang paligid.


Medyo maaga pa kasi eh kaya wala pa masyadong estudyante.


Sa classroom nga, kaming dalawa pa lang ang tao eh.


Pero biglang lumabas sa bibig ko ang salitang...


"Pwede namang magpakilala ka sa'kin."


Bigla akong nahiya. Bakit ba naman lumabas sa bibig ko. Nakakahiya.


"Wew. Eh ang sungit mo nga lagi sa'kin eh. Lagi mo na lang akong inaasar." Nakangiti niyang sabi pero may pagka-sarcastic ang bigkas niya sa bawat salitang inilalabas niya mula sa kanyang bibig.

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now