Chapter 2: #TheDarkPast

34 1 0
                                    

Sa isang napakalubhang sakit. Isang nakamamatay na sakit. Sa sobrang sakit napakasakit.



Jano



Start na ang klase. First subject? Major agad. Seriously. Tss.



"Good Morning class," bati niya sa'min.


"Good Morning Ma'am," sabay sabay naming bati sa kanya.


"Here are your copies of your course outine, so ahdkfnafuhnsfjhvu.. blah blah blah."



At nagsimula na siyang magdadaldal sa unahan. Kung makasindak sa amin, wagas. Sus. Hindi naman sa winawalang bahala ko lang ang mga sinasabi ng prof, lahat naman nga ng course mahirap. Wala naman ngang madali. Pero you know, I can handle it. *smirk*



"Alam mo ba, 'yan daw yung teacher na terror," bulong na sabi ni Jacob.


"Balita ko nga. Naging teacher kasi 'yan nung pinsan ko kaya nakuwento niya sa'kin," sabat naman ni Romnic.


"Okay lang yun. Eh di mas makikinig tayo," pagyayabang naman nitong si Mon.


"Magsitigil na nga kayo 'jan. Masyadong umiingay ang paligid. May natutulog oh?" pagsasaway ko naman sa kanila.


"Ang KJ naman nito," sabay sabay na sabi ng tatlo.



At tumigil na sila sa wakas. Kaso, may humaharok dito sa likod ko! Kainis naman. Bakit ba naman kasi dito pa sa school tumutulog. Hays. Lalo na akong hindi nakapagconcentrate.


*After an hour*


(kkrrrrriiiiinggg!)



"Okay, that'll be all for today. Good bye class," pagpapaalam niya sa'min.


"Good bye, Ma'am."



Medyo terror. At pagkatapos ng isang oras na sindakan, natapos din sa wakas!



Ang sunod naming klase ay 3pm na ulit. Bakit pa nga ba ako nagpakamadali kanina? Tss. Haha. Anyway, ayun, kaya naman. Yahoo! Malaya na naman tayo. Naghiwa-hiwalay na kami. Iyong iba nagpuntang cafeteria, iyong mga nerd ayun papuntang library, iyong iba naman nagpuntang boarding house at iyong iba naman nagpuntang grandstand para manuod ng volleyball. Yeah, volleyball, on the first day. Junior vs. Senior. At syempre naroon ako. Kahit paano naman mahilig pa rin ako sa sport. Hindi na nga lang masyado kasi pinagbawalan na ako... simula noon.

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now