Pag-upo niya sa tabi ko, may naramdaman akong kung ano. Ewan ko kung ano iyong feeling na iyon. Parang something na mali eh. Pero, hayaan na nga. Ang mahalaga nandito na siya.
Kevin
Excited na akong pumasok ng classroom kasi gusto ko nang makita si Yaj. Feel ko may something na ako sa kanya. Pero hindi ko pa alam. Pero malay natin meron nga. Ang gulo ko diba? Sorry naman.
(Sa Classroom)
Pagpasok ko, wala pa si Yaj. 5 minutes na lang, late na siya. Grabe talaga yung babaeng iyon. Kung makapagpuyat kasi sa pag-aaral eh. Pero bakit nga ba concern ako?
(After 15 minutes)
Nagkaklase na kami nang dumating si Yaj. Saktong wala akong katabi, kaya naman tinawag ko na siya para sa tabi ko umupo.
"Yaj, dito ka na oh. Wala naman akong katabi eh," pabulong na tinawag ko siya.
"Oo, wait lang," sagot niya.
Pag-upo niya sa tabi ko, may naramdaman akong kung ano. Ewan ko kung ano iyong feeling na iyon. Parang something na mali eh. Pero, hayaan na nga. Ang mahalaga nandito na siya.
Pagkatapos ng klase, inaya ko si Yaj na kumain sa cafeteria.
"Yaj, tara kain tayo sa cafeteria," yaya ko sa napakagandang anghel na katabi ko.
"Uh, Kevin, may gagawin pa kasi ako eh. Next time na lang. babawi ako promise. Sorry."
"Ah. Sige. Okay lang. Ingat ikaw." Medyo nalungkot ako sa sagot niya.
"Okay. Ikaw rin. Salamat Kevs."
Pagkatapos nun, umalis na si Yaj. Bakit parang may mali? Parang umiiwas naman ata siya. Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi siya naiilang.
Yajen
Nagising ako around 5:45 am. At sobrang sakit ng ulo ko. Kaya naman tumulog ulit ako. Nagising na ako ulit ng mga 7am, at late na nga po ako. May practice pa pala ng sayaw. Haaay. Bahala na nga si Batman.
YOU ARE READING
Meet Me Halfway
Non-Fiction"One day someone will walk into your life and will make you realize why it never worked out before with anyone else."