Chapter 9: #HisSide

4 0 0
                                    


Biglang may tumigil sa harapan ko na isang kotse. Hindi ko makilala kung kanino kasi nasisilaw ako ng ilaw eh. Lord, huwag naman sana ito holdaper. Ayaw ko pa talagang mamatay.



Yajen



Mga 6 pm na ako nang makalabas ng gate. Paano ba naman, ang dami pang ipinaliwanag nung trainor namin. Magdala raw ng damit bukas at kung ano-ano pang mga bagay na gagamitin sa performance namin. Ayan tuloy wala akong masakyan ngayon. Patay yang trainor na 'yan kapag narape ako dito. [a/n: Rape agad? Hindi ba pwedeng holdap lang?]



After 30 minutes.



Mangingiyak-ngiyak na ako nang paghihintay dito sa labas ng gate kasi wala pa ring dumadaang sasakyang papunta sa bahay. Paano ako nito? Paano kapag hindi ako nakauwi? Paano na ang buhay ko? Grabe, ayaw ko pang mamatay. [a/n: OA naman nitong si Yajen. Patay agad. Okay! Sorry po.]



Biglang may tumigil sa harapan ko na isang kotse. Hindi ko makilala kung kanino kasi nasisilaw ako ng ilaw eh. Lord, huwag naman sana ito holdaper. Ayaw ko pa talagang mamatay. [a/n: Okay! Hindi yan holdaper. Promise. ^.^]



Tapos biglang...



**beeeeeeeeeeeep...beeeeeeeeeeeeeep**



Ay kalabaw. What the heck. Nakakabingi naman 'yun. Tumabi na lang ako kasi baka banggain pa ako nitong bastos na ito. Nang makatabi na ako, biglang bumukas yung bintana at nakita ko si...



"Jaaaaaaaaaaaaannnnnnnoooooooooo?" napasigaw ako na nanlalaki pa ang aking mga mata.


"Grabe, lakas mo pa ring sumigaw. Nakakabingi. Bahala ka nga diyan." Salamat nagsalita ka rin.


"Sorry. Pauwi ka na?" tanong ko kasi kung oo makikisaby ako sa kanya. Kahit nakakahiya. Wala na kasing dumadaan dito eh kapag ganitong oras.


"Oo, bakit?" Yes. Sana pasakayin ako nito.


"Pasabay naman. Wala na talaga akong masakyan eh. Kahit pagdating mo sa inyo, bababa na ako at maglakad. Please? Sige na? maawa ka na sa'kin." Nagmamakaawa kong sabi sa kanya.


"Sakay na. Dami pang satsat."


"akjklfjhslkfshal." Bulong ko sa sarili ko nang biglang...


"Anong sabi mo?" Narinig niya. Patay ako nito.

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now