Chapter 13: #FirstDate?

9 0 0
                                    



"Thanks for this day. You made me happy. Kahit na alam kong trip lang ito..."



Jano



Dinala ko si Yajen sa bahay namin kasi wala akong mapagtripan. Ang boring kasi sa school. Puro nag-aaral ang mga nakikita ko. Eh hindi naman ako mahilig mag-aral. Pero nakapagtataka kasi kasama pa rin ako sa top 10 kahit hindi ako nag-aaral. Siguro may long-term memory ako. Haha. 


[a/n: Maka-long-term memory ah.]



Pagdating namin sa bahay tinanong niya ako kung bakit siya raw ang gusto kong magreview sa kanya. Bakit daw hindi yung girlfriend ko. Hindi ba niya alam na wala akong girlfriend. Ang hirap nga ng pinagdaanan ko eh. Alam mo yung feeling na pinagpustahan ka lang niya at hindi ka raw niya minahal kahit konti. Ang sakit kaya nun. Kaya nga naging cold na ako sa mga babae ngayon eh.



Nagkwentuhan lang kami at hindi na kami nakapagreview. Masaya. Mabait naman talaga siya eh. Wala lang talaga akong mapagtripan. First time kong magsorry sa isang babae. Kasi naapektuhan din yun dahil dun sa nangyari nung nagbreak kami ni Rein. At kay Yajen ko pa nasabi. Ang swerte ng magiging boyfriend niya. Mabait na, matalino pa. Ang kaso laging sumisigaw. Pero mas nagiging maganda siya kapag sumisigaw. [a/n: Jano, inlove na?]



Mga 8 pm na ng maisipan niyang umuwi. Nag-enjoy ata siya sa bahay ko. Haha.



(Sa Biyahe)



"Ui, nag-enjoy ka ba?" tanong ko sa kanya.


"Medyo. Kahit nagkakasalanan ako sa school dahil nagcutting-class ako," sagot niya.


"Yun naman pala eh. Atleast nagkabonding tayo." Nakasmile na sabi ko sa kanya.


"Corny mo." Natatawang sagot niya. "Alam mo, cute ka naman kapag nakangiti ka."


"Well, always naman kahit foker face pa ako."


"Kapal ha?"



Nang makarating na kami sa bahay nila, syempre bumaba na siya. Kapag hindi agad siya bumaba sa kotse ko itutulak ko siya. Haha.



"Thanks for this day. You made me happy. Kahit na alam kong trip lang ito." Pagpapaalam niya sa'kin.


"Hah? Trip? Hindi kaya."


"Huwag mo nga akong yabangin. Alam ko naming bukas iba na naman ang mood mo sa'kin."


"Bahala ka nga sa buhay. Uuwi na nga ako." Medyo kumunot ang noo niya.


"Ingat ka ha. Diretso na sa bahay. Baka mambabae ka pa eh." [A/N: Girlfriend lang ang peg.]


"Hindi ako ganun. Sige na."


"Salamat ulit. Goodnight. *.*"



Ito talagang si Yajen, akala lagi ay trip yung ginawa ko. Lagi na lang bang trip? Hay naku.



Pagdating ko sa bahay, nagpalit lag ako ng damit then diretso tulog na. Medyo napagod sa FIRST DATE NAMIN? Haha. Date daw? Pero bago ako nakatulog, naisip ko yung sinabi niya kanina na "Thanks for this day. You made me happy. Kahit na alam kong trip lang ito." Napasaya ko ba talaga siya? Meaning, ayos na kami? Makatulog na nga lang.



 [A/N: Ikaw lang naman Jano ang masungit eh.]






GOODNIGHT *.*

621

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now