"Nakakaasar naman iyon. Pati ba naman sa panaginip sobrang sungit nitong si Jano," nakabusangot na pagsha-share ko...
Yajen
Nakaupo kaming dalawa ni Nika sa aming dakilang tambayan nang dumaan si Jano sa harap namin. At itong si baliw na babaeng ito, bumanat naman.
"Jano, tawag ka raw ni Yajen," pasigaw na sabi ni Nika na tila nabasag ang ear drum ko sa sobrang lakas. At itong si Jano lumapit nga.
"Bakit mo ako tinatawag? May kailangan ka? O crush mo na ako? Oh c'mon, amin na agad, I'm single naman you know, in case you are interested," pagyayabang niya with a killer smile and smirk pa. sarap hambalusin ng sapatos eh! Pigilan mo ako Nika! Tssss. >_<
"Hoy, Jano Makapal ang Mukha Sonriquez, ang lakas din naman ng bilib mo sa sarili mo eh ano? Asa kang crush kita eh sa pangit ng ugali mong yan. Kahit sino walang magkakagusto sayo," pagalit na sabi ko kasi sobrang nakakainis na talaga.
"Aba ang tapang mo naman ata ngayon? Meron ka ba?" pang-aasar pa niya.
At ako naman, nagwalk-out na. Sobrang naasar na ako eh. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya. Baka mamaya maibalibag ko itong bench na inuupuan ko sa kanya.
"Yaj, wait lang. Sorry na. Mahal na mahal ki----"
"YAAAAAJJJJJENNNNNNNNNNNNNNNNNNN! Gising na! Late na tayo!" sigaw ni Nika.
At ako naman, pupungat-pungat pa. Kasi nga bagong gising pa lang.
"Nakakaasar naman iyon. Pati ba naman sa panaginip sobrang sungit nitong si Jano," nakabusangot na pagsha-share ko kay Nika.
"Lagi mo kasing iniisip eh. Ayiiieee! May crush ka na doon ano! Aminin! Aminin! Haha. Joke lang iyon. Sige na babae, maligo ka na, late na tayo bruha ka! Haha."
Makaligo na nga lang. baka mahimasmasan ako. Tsss. Pesteng Jano, hanggang sa panaginip masungit pa rin.
-__-
(Sa School)
"We will be having a welcome party. So, kailangan ko ng isang pair na magrerepresent sa section natin para sumayaw," announce ng adviser naming.
"Si Yajen po at si Jano Sir!" sigaw na Nika at Richee.
YOU ARE READING
Meet Me Halfway
Non-Fiction"One day someone will walk into your life and will make you realize why it never worked out before with anyone else."