Chapter 14: #MissingHim

9 0 0
                                    


The worst part of life is missing someone who is, was and never will be yours.



Yajen



New day na naman at here we go to our midterm examination. Sana makapasa ako sa lahat ng exam. Dean lister pa naman ako. Ayaw kong matanggal dun. Mapapagalitan ako ni Mommy kapag natanggal ako dun. May pinangako pati sa'kin si Daddy na kapag naging honor student ako ay papayagan niya akong magtour New York. Matagal ko na kasing gustong pumunta dun.



Pagdating ko sa room namin nagsisimula na pala ang exam kaso bakit wala pa si Jano? Vacant kasi yung katabing upuan na uupuan ko. Magkatabi kami sa upuan sa subject na ito. Kaya nagdire-diretso na lang ako sa upuan ko at kumuha ng test paper sa professor namin.



Natapos ang maghapon pero hindi umattend si Jano kahit isang subject. May exam pa naman pero hindi siya kumuha. Ano kayang nangyari sa kanya? Nagkasakit kaya siya? O tinamad na naman siyang pumasok? Hay naku! Yung lalaki talagang yun loko. Pero bakit ba ako nag-aalala dun? 


[a/n: Yajen, miss na agad si Jano?]



Umuwi na lang ako pagkatapos ng exams. Buti natapos na rin ang lahat ng mga problema. Yes, intrams na next month. Paano kaya sumali sa Pep Squad? Gustong gusto ko talaga magsayaw. Bata pa lang kasi ako mahilig na akong sumayaw. Lagi na nga lang akong kasali sa mga dance contest eh. Sa barangay namin, sa bayan namin, at maging sa school. Hindi sa pagmamayabang pero sikat talaga ako nung High School. Ang dami ko na ngang Fans eh. Mapababae man o mapalalaki. Syempre, talented eh at MAGANDA pa. Ngayong College lang talaga ako hindi nagseryoso sa extra. Hahaha.



Sa paglalakad ko pauwi nakita ako ni Richee kaya sinabayan niya ako. Tinanong niya pa nga ako eh.



"Saan ka nga pala dinala ni Jano nung isang linggo? Hindi ko na kayo nakita nung pahapon eh. Nagcutting classes kayo nuh?" tanong niya sa'kin.



"Sa bahay niya. Ang ganda nga eh."


"Ayieh. Pinakilala ka na niya sa parents niya?"



At ang naging reaction ko na lang ay @___@



"Hoy! Anong reaksyon niyan?"


"Hah?" 


(biglang bigla talaga ako sa sinabi niya.)


"Joke lang. Hehe. Ano bang ginawa ninyo sa bahay nila? Huwag mong sabihing... Ay naku friend, umamin ka na."

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now