"There are some points that happened in the past will flashback to the present and you will remember those things".
Yajen
Nakauwi na kami at inihatid na ako ni Jano sa bahay. Nagpaalam na rin ako sa kanya at nag-thank you na rin dahil una, tinulungan niya akong maglinis ng bahay. Pangalawa, dahil sinamahan niya ako sa pagpuntang mall. Ang kaso nga lang, binadtrip niya ako kaya medyo hindi ko na siya kinausap masyado. After kong magpaalam sa kanya, pumasok na agad ako sa bahay kasi medyo napagod ako.
Habang naglalakad ako papuntang kwarto ko, napansin kong wala pa si Mommy. Para masigurado ko, tiningnan ko yung kotse sa garahe namin at nakita kong bakante pa rin.
"Ano kayang oras uuwi si Mommy? Bakit parang ginabi siya ngayon? Hindi ako sanay ah." Sambit ko sa sarili ko na halatang nagtataka pa.
Pumasok na ako sa kwarto ko para naman magpalit na ng pantulog. Pagpasok ko, nanibago ako dahil luminis at lumuwag yung kwarto ko. Feeling ko tuloy napaka-laki ng kwarto ko ngayon. Kinuha ko na yung damit ko sa drawer ko at nagbihis na ako ng pantulog. Bumaba muna ako para naman kumuha ng tubig sa ref kasi medyo nauuhaw ako. Nilagok ko ng dire-diretso yung isang basong tubig ng walang tigil. Hanggang sa kumuha ulit ako ng isang basong tubig at nilagok ko ulit ito ng dire-diretso.
[A/N: Uhaw na uhaw, Yaj? Sige, isa pa para naman mamaya kapag tulog ka na, ma-ihi ka sa short mo. :D]
Pagkatapos kong uminom, pinuntahahn ko yung wifi namin para buksan at pumasok na ulit ako sa kwarto ko. Umupo muna ako sa upuan at binuksan ko yung desktop namin. Habang nagloloading yung PC, sumagi na naman sa isip ko yung lalaki kanina. Si Josh ba talaga yun? Bakit ba naman kasi hindi ko nakita ang mukha niya. Kasi naman yung ilaw eh. Pahamak.
Pagbukas ng PC, binuksan ko yung chrome and I searched facebook. Medyo mabilis na yung connection kaya naman nakalog in agad ako. Maraming notifs pero hindi naman importante. Walang message at wala namang nagfriend request. Kaya naman nag-scroll down na lang ako para naman may magawa ako bago matulog. Tumagal pa ng ilang minuto at bigla na akong inantok. Iko-close ko na sana yung facebook pero may nakita akong isang nagfriend request sa account ko. Then, I clicked it. Pag open nito, laking gulat ko. Si----"JOSHUA VILLALUZ?" napasigaw ako at nagising ang diwa ko sa nabasa ko. Bakit siya nagfriend request sa'kin? Ano na namang kailangan niya sa akin. Denilete ko yung request niya. Nakatitig lang ako sa screen ng PC namin ng limang minuto. I didn't expect that he will send me a friend request.
Lumipas pa ang ilang minuto, at may nagmessage sa'kin. Pinindot ko ito at pagbukas------"SI JOSHUA NA NAMAN?" napasigaw ulit ako sa nabasa kong pangalan. Siguro kung may kapitbahay kami nasigawan na ako dito. Yun ba naman kasing kanina pa akong sumigaw ng sumigaw. Ano na namang kalokohan ito. Bakit ba siya nagpaparamdam sa'kin. Tinapos ko na nga ang lahat ng meron kami kahit na matagal na yung tapos, tapos ito na naman at mangungulit na ulit siya sa'kin? WTF O_O
Pipindutin ko na sana yung delete but I decided to read it first.
"Yaj, please confirm my friend request. I want to apologize in everything I've done. And, sorry for letting you go a while ago when we are in the Mall. I am the one who hits you and helped you but suddenly I got shock because I'm scared if you know my identity. So, I decided to let go of you and run away. I'm sorry. Please confirm my friend request. Thank you."
WHAT? Is he joking? My goodness. Talagang English pa ha? Sosyal siya ha? Burgis! Sabi ko na nga ba eh na may mangyayari ngayong araw eh. Bakit naman siya bumalik pa sa buhay ko. Ayos na yung wala siya sa buhay ko. Masaya na ako eh. Lord naman, okay na kami ni Jano eh. Bakit may pumalit naman ata. Naloloka na ako ha? Hindi ko na kinakaya ito ha? Ayoko na!
YOU ARE READING
Meet Me Halfway
No Ficción"One day someone will walk into your life and will make you realize why it never worked out before with anyone else."