Chapter 4: #OnHerWayHome

17 0 0
                                    


At ano pa nga bang nagawa ko, eh dumali na naman ang kasungitan ng isang ito? Tsk. Nakakabadtrip.



Yajen



Past 6pm na natapos ang game. Hindi ko kasabay sina Nika at Richee kasi nagbo-board lang iyong mga iyon. In short, mag-isa akong magco-commute under this starry night. Chos. Haha.



Mga sampung minuto na siguro akong naghihintay nang may tumigil na black Lamborghini sa aking harapan. Pagbukas ng bintana nito eh nakita ko sina Kevin, na nasa passenger seat, at si Jano, na nagdadrive. Wow, kanya ito? Nice. Siguro magtropa talaga itong dalawang ito.



"HEY, YAJ. HOP IN!" Sigaw ni Kevs.


"Ah. Sige. Okay na ako. Makakasakay na rin naman ako maya-maya," sagot ko sa kanya.


"Halika na, huwag ka nang mahiya. Jano doesn't mind. Okay lang daw."


"Ah. Okay lang talaga. Hindi na kailangan Kevs. Promise."


"Sumakay ka na nga lang. Ang dami pang satsat. Pagbuksan mo na nga iyon, Kevs," inis nap ag uutos ni Jano kay Kevs.



At ano pa nga bang nagawa ko, eh dumali na naman ang kasungitan ng isang ito? Tsk. Nakakabadtrip. Pasalamat siya kaibigan pa rin siya ni Kevs. Nakakainis ka talaga Janong sungit!


"Oi, Yaj," tawag ni Kevs.


"Ah. Sorry. Ano iyon?"


"Spaced out ka ah. Saan nga pala ang sa inyo?"


"Ah. Sa St. Joseph village. Dun sa pagbaba ng tulay."


"Ah. Okay. Alam na namin iyon."



Buong biyahe eh nagmamaktol lang ako sa kotse dahil sa kasungitan ng Jano na ito. Ilang beses ko na bang sinabi na masungit siya at nakakainis siya? Isang milyong beses ko na ata siyang namura sa isip ko eh. Nakakainis talaga ito. Tsss. -____-"



Pagkarating ko sa gate ng village namin eh nagpababa na ako. Siyempre nakakahiya na.


"Kevin, Jano. Salamat talaga sa paghatid ah. Bye."


"You're welcome Yaj. Anytime. Good night. See you tomorrow! Babye! ^__^" nakangiting sagot ni Kevs.



Si Jano wala man lang babye. Nakakainis! Haaay naku! Ansungit mo talaga! Makakarma ka rin!



"Oh ano yan. Parang pinitpit na bawang ang mukha mo ah. Anyare sayo?" tanong ni Mommy nang makita ako.


"Wala naman 'My. Yun lang isa kong kaklase, ang sungit sungit. Parang pinaglihi sa sama ng loob ai. Tsk."


"Naku, hayaan mo na. Makakarma rin iyon. Kumain ka na. Maaga ka pa ata bukas."



See? Mag-ina nga kami. Haha. Parehas kaming naniniwala na makakarma ang mga masusungit na iyan! Wahahaha. I love you 'My. :D



Kumain na lang ako. Buti na lang kaldereta ang ulam kaya kahit paano, nabawasan ang sama ng loob ko sa Janong sungit na iyon. After noon, I prepared for bed na, I took a bath and went in my pajamas na. Konting buklat ng notes for assigments. Then tulog na.


After mga 30 minutes pumasok na ulit ako sa kwarto para matulog. Maaga pa kasi bukas eh. What a first day it is. Makatulog na nga lang. Good night first day! Good night world! :)))



str":"q^A٤3

Meet Me HalfwayWhere stories live. Discover now