Break time?! Yan ang oras na pinakaaayawan ko sa lahat.
WHY?
Dahil yan ang oras kung saan malaya silang bully-hin ako sa kahit anong paraang ikapapahiya ko.
* * * * *
*kring!* *kring!* *kring!*
Break time na. *buntong hininga* mukhang oras ko na Jill rafael Dela fuente para pagtripan nila.
Naglalakad ako sa hallway papuntang cafeteria as usual maraming bubuyog na naman ang nagbubulung-bulungan at maraming mata ang nakatingin saakin.
Kaya napayuko nalang ako at ipinag-intertwine ang dalawa kong kamay sa harap habang naglalakad na puno ng kahihiyan.
Pano ba naman FAMOUS ako. Kilala sa kahihiyan at kilala sa pagiging kawawa.Kasi nga NERD ako........Deserve ko raw yon eh!
*buntong hininga*
Hindi ko nalang pansinin. Kunyari wala akong naririnig.
"Is that julia? ewww...totoong kadiri sya."
"Tsk...Ang lakas naman ng loob ng NERD na yang tumapak sa paaralang 'to."
Hindi talagang narinig ko eh. Pero ano naman ang maibubuga ko eh! isang hamak na NERD lang naman ako.
* * * * *
Nang buksan ko ang pinto ng cafeteria lahat sila napahinto sa kanya kanyang ginagawa. kala mo naman nakakita ng multo...eh! isang hamak na nerd lang naman.
*katahimikan*
Maya maya pa ay nabasag ang katahimikan ng magsalita si kian ( Isa sa mga puno't dulo ng lahat ng kahihiyan ko sa campus ).
"Uyy....so nandito pala ang pinaka famous sa campus." sabay tawa ng mga styudante sa cafeteria.
Hindi ko nalang yun pinansin na para bang wala akong narinig kahit sa totoo lang gusto ko ng umiyak.
Tumingin ako sa mga styudanteng binabato ako ng mga crumple paper. Pagkatapos tumingin naman ako kay kian na abot langit ang ngiti dahil sa ginagawang pang-asar saakin.
Binalik ko ang tingin ko sa sahig at naglakad papunta sa counter para bumili ng makakain.
* * * * *
Bitbit ko sa tray ang isang order ng carbonara at isang pepsi in can.
Tingin dito. Tingin doon.
Ayun may bakanteng upuan sa dulo.
Naglakad ako papunta sa dulo habang nakayuko parin at binabato ng crumple paper. At sinasabihan ng kung anong masasakit na salita.
"Tssk. Walang ka-class class."
"Dapat lang yan sa kanya."
"Kadiri....ewww."
"Yuck! NERD."
Wag kang tumulo luha. wag kang tumulo luha kahit nasasaktan kana. wag kang tumulo luha.Kahit ngayon lang.
Pero taksil ang mga luha ko, nag uunahan silang tumulo.
"Crybaby...NERD." sabi ni Britney (isa rin sa puno't dulo ng lahat)
Saglit na tumingin ako sa kanya at bumalik ulit sa pagkakayuko. At nagpatuloy sa paglalakad.
Maya maya pa ay iniharang nya ang paa nya na hindi ko naman agad nakita.
Ang kinalabasan nasubsob ang mukha ko sa carbonara na binili ko, na ikinatawa ng mga tao sa cafeteria.
"Masyado ka bang gutom para kumain na parang aso dyan sa sahig?" Britney. Sabay tawanan na naman ng lahat. "Pfft..hahahahahaha."
Ilang saglit narinig ko ang pagbukas ng lata ng softdrinks at naramdaman ko nalang ang napakalamig na pakiramdam.
"Opps....Sorry akala ko kailangan mo ng panulak dahil kinain mo na ang carbonara mo." - Jessie (isa rin sa kanila)
Sabay tawa ulit ng mga tao sa cafeteria. "Pfft..hahahahahaha."
* * * * *
Dear diary,
Hanggang kelan ko titiisin ang pang-aapi nila. Di ko na kaya. Sobra na.
*~*
A/N: sana nagustuhan nyo yung prologue sorry.
YOU ARE READING
Diary Ni Ms. Nerd | On-Hold
Teen FictionPrevious title: Diary ng Nerd Let's join Julia as the Ms. Nerd of the campus and how her life run after she transferred at Sylphynford University. ♡♡♡ Date started: February 2017 Revised: --- Date finished: --- Written by: Theffiana Pink Cover phot...