DIARY 1: INTRO

376 17 3
                                    

JULIA' S POV

*tok!* *tok!* *tok!* *tok!* *tok!*

"JULIA!.....BABANGON KA DYAN O BABANGON KA DYAN!" sya ang napaka ingay kong nanay dahil sa mala armalite na bibig nito.

Sya yung tipo ng tao na NON-STOP kung maka sermon.

"Inaantok pa ako." Sigaw ko sabay balot sa kumot.

*tok!* *tok!* *tok!* *tok!* *tok!*

Grabeh! naman kung makakatok kulang nalang sirain na nya yung pinto ko sa kwarto eh!

"Hindi ka ba talaga babangon dyan julia...ipapasunog ko yang kwarto mo!" Ayan nanaman yung bunganga nya. Karinde!

At anu daw? ipapasunog nya kwarto ko. WAG!!! kawawa naman yung mahal na mahal kong kama.

"Opo!" Tamad kong sigaw at padabog na tumayo.

"Inaantok pa nga ako eh!" Inis kong sabi sa sarili ko sabay padyak sa paa at inis na kinamot ang ulo.

Pero teka.....bakit wala akong makita ang labo ng paligid.

Tanga julia yung salamin mo!

Kinapakapa ko ang side table ko para kunin ang salamin ko.

"Eto siguro yon." Sabay kuha sa nakapa ko at isinuot yon. Pero ang tanga ko headband pala yun. Kinapa ko ulit ang side table ko "Eto na talaga." Sabay kuha ng salamin ko at isinuot yon.

Nang makalabas ng kwarto padabog akong bumaba ng hagdan.

Kabwiset eh! Inaantok pa nga yung tao.

Nang makababa na nasalubong ko sa ate jusy na nakasuot ng uniform.

"Oh! ate bakit naka uniform ka bukas pa yung pasok ah!" Nagtataka kung sabi. pero napakunot lang ang noo nya.

"G*ga..minsan try mong tumingin ng kalendaryo." - ate judy. makagaga tong bruhang to.

BTW she's my bitchy older sister...Judy rafael Dela fuente 17 years old. Mas matanda sya saakin ng isang taon. She's in 4th year highschool sa Sylphynford University.

"Anong araw at oras na ba BRUHA?" Sabi ko at inemphasize ko pa yung bruha.

Eh eto namang si BRUHA kong ate napataas ng kilay at nagpameywang pa.

"Excuse me noh!.....kapatid kong NERD....sa ganda kong 'to." sabay turo sa sarili nya "Tinawag mo akong bruha?" nag mock laugh sya. nabaliw na ata tong ate ko "Kapatid ko baka kailanagn mo nang papalitan ng salamin yang eye glasses mo dahil mukhang lumabo na yan. Nagkamali ka ng pinagsabihan mo eh" sabi nya sabay cross arms at nag side view. Anong nagkamali ng pinagsabihan ang linaw linaw kaya ng mata-----este---ang linaw linaw ng salamin ko kapapalit lang kaya nito.

Tssk. bahala na nga lang sya dyan wlang kwentang kausap. Tinatanong ko ang oras at anong araw na pero napunta naman ang topic sa nakakabwisit na pagmumukha nya.tssk.

Tatalikod na sana ako ng magsalita si bruha.

"Alam mo ba kung anong araw at oras na?" muntanga lang rin noh kaya ko nga tinatanong kasi di ko alam. COMMON SENSE

"Itatanong ko ba kung alam ko?" pabalik na tanong ko sa kanya sabay taas ng kilay ko.

"Nakaka p*unyeta kang babae ka...lunes ngayon! magsusuot ba ako ng uniform kung hindi pa pasukan? Magmumukhang tanga lang ako nun..tsaka 7:33 AM na!" sigaw ni ate habang naka side view parin. Makasigaw nasa harap lang naman nya ako.

Humarap saakin si ate judy na nakataas ang kilay.

Ahitin ko kilay mo dyan eh!

Tiningnan nya ako mata sa mata na parang nagsasabi ng totoo-ang-sinasabi-ko-tingnan-mo-pa look.

Eto namang si ako kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko.

Nang tingnan ko ang phone ko..P*t@ng #na lunes nga ngayon. Hala mag se-7:35 AM na! bakit hindi 'to nag larm.

Nang i-check ko ulit ang phone ko p*nyemas naka silent hindi pa naka vibrate.

"Ano?!" tiningnan ulit ako ni ate judy sabay taas baba ng kilay at parang may sinasabing ano-tama-ako look.

Whaaaaa! ayoko malate first day of school pa naman.

Kalilipat ko palang ng school.

Yep. Transferre ako. Para daw parehas kami ng pinapasukang school. Sabi rin ni ate at mama para mabantayan ako eh hindi na naman ako bata.

Tumakbo ako paakyat sa kwarto ko. Diretso pasok sa loob ng cr ng kwarto ko.

Pagkatapos maligo, nagbihis ako ng uniform ng SYLPHYNFORD UNIVERSITY.

Nang makalabas ng kwarto bitbit ko ang bag ko at maya maya pa bumukas rin ang pinto ng kwarto ni kuya jill na nakasuot din ng uniform.

At dahil di nya ako napansin dahil sa katangkaran nya nabanga nya ako kaya napa upo ako at nalaglag ang salamin ko dahilan para wala akong makita.

"Nasaan yung salamin ko." sabi ko habang kinakapa ang sahig.

Saka lang napansin ni kuya jill na nasa likod nya ako. peste ang tangkad kasi.

"Oh! julia anong ginagawa mo dyan..madudumihan yang uniform mo." walang alam na si kuya jill.

Ano daw? ano ginagawa ko eh nabangga nya ako. Tangkad kasi nahiya naman ako sa height ko.

"Kuya pwede bang tulungan mo nalang ako." sabi ko habang kinakapa parin ang sahig.

Bwiset na salamin nasan na ba?

Dinampot ni kuya ang salamin ko at isinuot saakin.

Tinulungan nya akong tumayo at pinagpag ko ang damit ko.

"Sa sobrang tangkad mo kuya di mo ako nakita minsan kuya try mong yumuko." inis na sabi ko sa kanya habang pinapagpag parin ang damit ko.

Humarap naman saakin si kuya "Ito talagang bunso kong kapatid oh..aga aga ang init ng ulo." sabay pat nya sa ulo ko.

Eto nga pala si kuya Jill rafael Dela fuente ang panganay. kakambal nya si ate judy. Ang kaibahan lang si ate maingay mahilig mangasar eh etong si kuya mabait means hindi naninigaw. Eh si ate parang nakalunok nang mega phone. Si kuya ang unang nailabas. Tulad nga ni ate 4th year highschool na sya at 17 years old.

"ANO KAKAIN BA KAYO O HINDI!" opps nakalimutan ko si mama.

"Opo!" sabay na sagot namin si kuya.

Nakakatakot si mama......

Scary...

* * * * *

Nang matapos kaming kumain kinuha ko na ang bag ko na isinabit ko sa sandalan ng upuan at naglakad na papuntang pinto.

"Bye ma." sabi ko habang lumalabas ng bahay.

"Hindi mo manlang ba kabi aantayin?" sigaw ni ate jusy nang makalabas ako ng bahay.

Humarap ako sa kanila at nagsalita "Alam nyo magkambal nga talaga kayo. Parehas kayong mababagal kumilos." sabi ko.

Tumingin si ate judy kay kuya ng naka crossed arms at naka kunot ang noo. "Sobrang bagal mo kasing kumilos lalaki ka para kang bakla." sabi ni ate kay kuya.

Humarap naman si kuya kong matangkad kay ate judy "Hindi ako ang mabagal kundi ikaw at isa pa di ako bakla." protesta ni kuya jill.

"Bakla ka. Bakla. Bakla. Bakla."-ate judy

"Ikaw naman pandak. Pandak. Pandak" -kuya jill

"Hindi ako Pandak sadyang poste kalang." -ate judy

Parang mga bata......

Sabi ko sa sarili ko habang umiiling iling pa.

Tumalikod nalang ako at hindi nalang pinansin ang asaran ng dalawa. At naglakad nalang hanggang sa hindi ko na marinig ang pagtatalo nila kuya jill at ate judy.

* ~*

A/N: sana nagustuhan nyo ang DIARY 1.

Diary Ni Ms. Nerd | On-HoldWhere stories live. Discover now