《This chapter was dedicated MEGZ_PARDZ1121》
JULIA'S POV
Naninibago parin talaga ako ilang araw na pero di parin sumusulpot si Jessie at Britney sa kung saan para hihilain ang buhok ko o kung anuman. At idagdag mo pa si Kian Verceles na isang sikat at pinagkakaguluhan ng mga babae na gusto daw akong........ ligawan? Hanggang ngayon di parin talaga kaya ng sistema ko ang sinabi nya.
Break time ngayon naglalalakad lang ako sa kung saan ako dalhin ng mga paa ko. Tulad parin ng dati at parati ko na ring sinasabi. Halos lahat ng mata nila nakatuon saakin kaya kahit mag-ayos ako ng salamin ko wala akong takas sa mga titig nila. Idagdag mo pa yung mga bulong nila na malalakas na halatang gustong maiparinig saakin para may malait nila ako.
"Hoy! Lucy narinig mo ba yung sabi sabi na gusto daw ligawan ni Kian my loves natin yung pangit na nerd na yan?" -girl 1
"Ah~ oo baka nga binlack mail nya si fafa Kian o kaya ginayuma nya?" -girl 2
"O baka naman napilitan lang sya dahil siguro sa bet ng mga kaibigan nya." -girl 1
Minsan gusto ko silang lapitan at ihampas sa kanila yung mga librong hawak hawak ko kaso sayang lang kung matupi at masira ang mga ito kaya hindi ko nalang sila pinapansin.
Hindi ko alam kung nasaan na ako dinala ng paa ko pero habang papalapit nang papalapit lumalakas naman yung strum ng guitara na naririnig ko. Ano naman kayang meron?
Mayamaya pa' y..............
🎶Uso pa ba ang harana
marahil ikaw ay nag tataka
sino ba tong mukang gago
nag kandarapa sa pagkanta at nasisintunado sa kaba
meron pang dalang mga rosas suot namay maong na kupas
at nariyan pa ang barkada
naka porma't naka barong
sa awiting daig pa ang minus one
at sing along🎶Pagkaliko ko sa kanto ng campus nakita ko si kian na nag s-strum ng gitara habang kumakanta.
🎶puno ang langit ng bitwin
at kay lamig pa ng hangin
sa iyong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito sanay maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko sa isang
munting harana para sa iyo🎶Bigla nyang hinawakan ang kamay ko at inilagay nya iyon sa dibdib nya. "Alam kong ilang araw palang tayo nagkakakilala pero totoo at walang halong biro itong nararamdaman ko para sayo. Alam ko rin na hindi mo pa ako pinapayagang ligawan ka pero eto nagsimula na ako. Pasensya dahil hindi man lang kita inantay sa pagpayag mo. Pero sana magustuhan mo ang harana ko para sayo." Litanya nya.
At katulad nga ng sinabi nya nagpatuloy sya sa pagkanta at nagpatuloy na rin sa pagstrum ng gitara nya.
🎶hindi bat parang isang sine isang pelikulang romantiko
hindi bat ikaw ang bidang artista
at ako ang iyong leading man
sa istoryang nagwawakas sa
pag ibig na wagas🎶Sa bawat pagbitaw nya ng mga salita, unti unti kong napag-isipan na dapat talagang maniwala ako ng buo sa kanya kasi kung peke at ilusyon lahat ng ito sana kanina ko nalaman. Siguro nga. Siguro nga. Babae parin naman ako at tao na may karapatang magmahal kahit may ganitong itsura ko.
🎶puno ang langit ng bitwin
at kay lamig pa ng hangin
sa iyong tingin akoy nababaliw giliw
at sa awitin kong ito sanay maibigan mo
ibubuhos ko ang buong puso ko sa isang
munting harana para sa iyo🎶Nang matapos sya sa pagkanta nginitian nya ako ng matamis pagkatapos hinawakan nya uli ang kamay ko.
* * * * *
KIAN' S POV
Bakit nga ba masyado akong pursigido para lang mawasak ang puso ng babaeng nasa harapan ko...?
Una.... gusto kong maranasan nila kung paano masaktan at iwanan katulad mg ipinaranas ng isa sa kanila.
Pangalawa.... gusto ko syang mapaniwala ng buo para wala syang ideya na ginagawa ko ito para saktan sya.
At pangatlo.... exciting.
Hinawakan ko ang kamay nya. "Alam kong ilang araw palang tayo nagkakakilala pero totoo at walang halong biro itong nararamdaman ko para sayo. Alam ko rin na hindi mo pa ako pinapayagang ligawan ka pero eto nagsimula na ako. Pasensya dahil hindi man lang kita inantay sa pagpayag mo. Pero sana magustuhan mo ang harana ko para sayo." Sa totoo lang ayaw ko talagang makuha ang hindi nya. Dahil ayokong mauwi sa wala lahat ng plano ko.
Kaya ko lang naman sya inunahan bago nya magsabi ng oo bago ang panliligaw ko kuno ay para iparamdam ko sa kanya ang sincerity ko.... na? Wasakin ang pinaka-iingatan nyang puso.
Kita ko sa kanyang mga mata ang pilit na paniniwala sa lahat ng ilusyon ko. Pagkatapos kong kumanta. Hinawakan kong muli ang kamay nya at binigyan sya ng matamis na ngiti. Matamis na ngiti na nagpapatunay na..... sa wakas nakuha ko na ang damdamin nya.
Hindi ko na kailangang maghirap pa para suyuin sya. Dahil mismo ang sarili nya ang nagkumbinsi sa kanya.
Madali lang pala paibigin ang isang ito. Madali rin syang maloko.
*~*
A/N: Dalawang update sa isang araw? Sana nagustuhan nyo. Happy 1k reads nga pala. Salamat readers kung hindi dahil sa inyo dumami ito.
YOU ARE READING
Diary Ni Ms. Nerd | On-Hold
Teen FictionPrevious title: Diary ng Nerd Let's join Julia as the Ms. Nerd of the campus and how her life run after she transferred at Sylphynford University. ♡♡♡ Date started: February 2017 Revised: --- Date finished: --- Written by: Theffiana Pink Cover phot...