JULIA'S POV
🎶Sandali na lang
Maaari bang pagbigyan
Aalis na nga
Maaari bang hawakan
Ang iyong mga kamay
Sana ay Maabot ng langit
Ang iyong mga ngiti
Sana ay maisilipWag kang mag-alala
Di ko ipipilit sa'yo
Kahit na lilipad
Ang isip ko'y torete sa'yo🎶Di ko mapigilang kumanta ng torete paano ba naman lutang ang puso ko ngayon sa kakaisip kay Kian.
Hindi ako makatulog. Hindi makakain. Laging nakatulala sa hangin. I'm also daydreaming about HIM.
Eto ako ngayon nakatingin sa kisame habang yakap yakap ang malaki kong teddy bear. With matching kilig kilig pa.
Hay~ sana talaga hindi panaginip yung nangyari kahapon.
*Daydreaming*
...
...
...
....
*knock knock*
...
...
...
*Daydreaming*
"ANO BA JULIA SUMAGOT KA NAMAN! KANINA PA KITA TINATAWAG PARA KUMAIN! PERO WALA KANG KIBO. BAKA GUSTO MONG SIRAIN KO 'TONG PINTO MO SA KAKAKATOK!" letsugas naman oh~ kitang busy ako kakaisip sa kanya saka pa ako i-istorbuhin. Wala talagang respeto.
Napatayo ako sa badtrip. Inayos ko yung salamin ko sa pagkakalagay sa mukha ko, nag pony tail ako at inayos ang damit ko. Padabog kong itinabi ang malaking teddy bear sa sulok at naglakad ng pabalang papuntang pinto.
Binuksan ko ang pinto, "Kitang busy ako iniistorbo ako." salita ko habang nakatingin sa baba at tanging ulo lang ang nakalabas. "Pwede naman sanang hinaan ang pagsasalita dahil nahihirapan akong mag-consentrate...." unti unti kong itinaas ang ulo ko dahilan para makita ko kung sino ang nasa pinto. "Tsaka anong sisirain ang pinto ko... hello~ mahal kaya makabili ng pinto kulang pa nga ang allowance na binibigay ni mommy eh.. Alam mo naman siguro ang salitang..... resp---" s-si mommy jem ba yung nasa tapat ng pinto ko?........lagot patay!
"A-anong sabi mo Julia?!." sabi ni mommy habang nakataas ang kilay sa inis. Mukhang alam ko na kung saan nagmana si ate judy ng pagtaas ng kilay nya.
".......S-sabi ko p-po bababa n-na po ako mommy...... he he he." Kung tutuusin mukha akong timang nyan.
Biglang hinawakan ni mommy ang tenga ko at piningot pingot ito. "A-aray po...masakit......bitiwan nyo na po namumula na po yan. A-aray po. Masakit! Masakit!" pagmamakaawa ko.
Nakababa ako sa dinning room na namumula ang tenga. Napansin ito nina ate judy at kuya Jill dahilan para pagtawanan nila ako at asar asarin.
Sabado ngayon kaya ang gagawin ko lang ay pumasok sa part time job ko sa isang cafe.
"Judy... Jill... Julia... aalis na ako kayo na ang bahala sa bahay." pagpapa-alam ni mommy para pumasok na sa boutique shop nya.
Makalipas ang ilang minuto...
"Ate papasok na rin ako sa part time job ko. Sabi nga ni mommy 'kayo na bahala sa bahay' kaya porket wala si mommy eh nagtatamadtamaran na kayo dyan." aalis na sana ako kaso yun parin parang wala silang paki at narinig. "Kung ayaw nyo isuumbong ko kayo." saka sila naggalawan to the point na akala mo naglilinis sila. Palibhasa takot sa pingot ni mommy.
* * * * *
"Welcome sir. What's your order?" greet ko ng may pumasok na costumer sa cafe.
"One mocha frappe please." isinigaw ko ang order para magawa na nung isa sa mga empleyado ang frappe na in-order.
Natapos ang oras ko sa part time job kaya dumiretso muna ako sa boutique ni mommy para bisitahin sya doon.
Pumasok ako sa loob at gi-reet so mommy dahilan para mapansin nya ako sa karamihan ng costumer niya.
"Julia paki kuha nga yung isang tape measure sa counter pls." pakisuyo ni mommy habang hindi nakatingin saakin dahil sa busy syang nagsusukat ng isa sa kanyang costumer.
Hinanap ko ang tape measure pero hindi ko makita kung nasaan na dahil sa daming lagayan at sa gulo ng loob nito. Kaya wala akong choice kundi halug hugin ang cabinet.
Sa pag hahalingkat ko nakakita ako ng isang litrato na dahilan para magpalungkot sa emosyon ko. Kung NOON masaya kami at kumpleto, NGAYON nawalan kami ng isang myembro ng pamilya at laging itinatatak sa isip na hindi na sya kahit kailan babalik pa.
He didn't died. He didn't even travel around the world for us. He just leave us without any words but only the one word of goodbye and turned his back and walk away.
Pagkatapos nun hindi na sya nagparamdan pa ngunit umasa kami noon na babalik pa sya but after hoping, wishing and praying for almost 3 years nagsawa na kami at tinalikuran ang pag-asang babalikan pa nya kaming pamilya nya. Naglaho lang sya ng parang bula.
Natutunan naming wag syang isipin at alisin sya sa buhay namin. Now that 8 years passed na wala sya sa tabi namin hindi na kami aasa pa na babalikan nya kami at hihingi ng tawad.
Itong family picture na ito kung saan buo at masaya kami rito ay isang alaala nalang ng nakaraan na ayaw ko nang balikan pa.
Habang pinagmamasdan ang larawan na dati nang wala sa kasalukuyan di ko napansing may mga luha na palang nagsilaglagan mula sa aking mga mata.
"Julia.... ang tagal mo naman atang hanapin ang tape measure." naramdaman kong papalapit na si mommy sa kinaroroonan ko kaya tinago ko ang larawan sa bulsa ko at pinahid ang mga luha ko. Saka ko dinampot ang tape measure na nakalagay lang pala sa basket.
"Mom ito na po yung tape measure tagalan po kasi akong hanapin dahil sa kalat ng mga cabinet." pekeng ngiti ang iniharap ko sa kanya dahil ayoko nang makita pa ang lungkot sa mga mata nya.
Dahil sa katangahan ko napansin nyang namumula ang mga mata ko. "Bakit anong nangyari sa mata bakit namumula. Umiiyak ka ba bakit?" tanong nya ng may pag-aalala.
"No worries... medyo naalikabokan lang po yung kamay ko tapos I accidentally rub it in my eyes." palusot! Alam kong medyo gasgas na ang palusot na yun pero ayokong malungkot si mommy ng dahil saakin.
"Ganun ba... lagyan mo mamaya pagka-uwi sa bahay ng IMO yang mata mo para hindi ka magkaroon ng sore eyes o kung ano pa man." mabuti nalang sya ang naging nanay ko ang, pinakamamahal kong mommy jem. Maswerte ako dahil meron akong nanay na katulad nya na hindi kami pababayaan hanggang dulo. Sana sa reincarnation ko sya ulit ang maging mommy ko.
Walang ano anu'y niyakap ko ang mommy ko. Kahit anong pagsubok kinaya nya kahit na dumating ang pinaka mahirap na problema para saaming lahat hindi nya kami iniwan at pinabayaan bagkus nagpakatatag sya para saaming lahat. "Mom. Salamat po sa lahat... Kasi kahit na anong pagsubok ang dumaan nariyan ka sa amin at di kami pinababayaan." saka tumulo ang luha ko na nagbabadya.
Hinimas himas nya ang likod ko na animoy ako ay kanyang pinapatahan na sanggol nakayakap ako sa kanya at hindi parin sya binitawan.
"Mahal ka po namin mommy." bumitaw sya sa pagkakayap at inihiwalay nya ako sa kanya at iniharap.
"Syempre mga anak ko kayo kaya mahal ko rin kayo... tsaka bakit ka naglilitanya out of the blue? May bagsak kabang grades o may hinihingi ka?" napakunot ang noo ni mommy. Baka pingutin nanamam ako nito mahirap na.
Dahil hindi halatang umiiyak ako dahil sa salamin ko hindi nya ito napansin dahilan para di sya mag-alala saakin . "Wala naman po akong bagsak or hihingin. Sa talino kong ito tsaka po may part time job po ako. Gusto ko lang pong sabihin na nandito kami parati pwede mo kaming asahan sa lahat ng bagay. Hindi na po kami bata para hindi ka namin matulungan. Hindi ka po nag-iisa sa buhay."
Hinawakan ni mommy ang salamin ko at inayos ito. "Tara na.... tulungan mo ako kailangan ko kasi ng katulong. Hindi nga naman ako nag-iisa meron akong kayong mga anak ko."
YOU ARE READING
Diary Ni Ms. Nerd | On-Hold
Teen FictionPrevious title: Diary ng Nerd Let's join Julia as the Ms. Nerd of the campus and how her life run after she transferred at Sylphynford University. ♡♡♡ Date started: February 2017 Revised: --- Date finished: --- Written by: Theffiana Pink Cover phot...