JULIA' S POV
Sabado ngayon bale walang pasok... bukod sa walang pasok wala ring bully.
Nakatambay lang ako sa bahay. Kung anong matinong gawin ang pwedeng gawin ginagawa ko. Manood ng Tv, mag sound trip, computer games, video games at food trip na tanging ako lang mag isa.
Yes mag isa lang ako ngayon sa bahay. Pano ba naman si kuya Jill kasama tropa nya, si ate Judy piling matalino ayun namimili ng MGA libro pero naka stock lang yun sa kwarto nya. Si mommy nasa boutique shop nya.
Buti pa sila may kanya kanyang lakad. Samantalang ako naka istambay lang sa boring na bahay na 'to.
Walang part time job. Walang kaibigan. Walang magandang pagmumukha. At walang iniwan na PERA. Graveh~
Sana manlang naalala nila na may anak / kapatid silang naiwan. Na nagiisa sa isang madilim na lugar na puno ng takot kung babalik pa ba sila o hindi. Charot AnDrama!
*Grrrrr*
Gutom na ako~ >___<
Yung ipon ko nalang siguro ang gagamitin ko. Kahit labag sa kalooban ko!
Nagpalit ako ng damit at nilinis ang salamin ko sa mata. At nilock ko ang gate bago umalis.
Magtatanong narin siguro ako ng puwedeng ipag-part time job para naman kahit weekend may magawa ako atsaka para narin pandagdag sa ipon ko.
Nakarating na ako sa isang mart na dalawang kanto lang ang layo sa University.
Konti lang naman ang binili ko. Mayonnaise, kalahating dosena ng itlog, slice bread, dalawang malaking balot ng loaded at fresh milk. Balak ko kasing mag egg sandwich at yung iba mamaya kapag nanood ako ng Tv.
Nakarating na ako sa counter at binayaran ko na ang mga pinamili ko.
Nang nakalabas na ako ng mart di kalayuan may isang sign ang nakasulat.
[ Wanted part time worker ]
Lumapit ako sa sign at tiningnan ko kung anong klaseng tindahan ito...Hmm? Cafe.
Pwede na rin.
Kinuha ko yung sign at pumasok sa cafe.
"Welcome" bati saakin ng isa sa nagtatrabaho sa cafe.
"Ummm.... " sabi ko sabay pakita ng sign.
"Mag a-apply po kayo?" tanong ng lalaki sa counter.
"Yes po"
Isa sa nagtatrabaho ang tinawag nya at kinausap.
"Kung ganon sunod na lang po kayo sa kanya" tinutukoy nya yung babaeng tinawag nya.
Nakarating Kami sa office ng manager. Babae naman kaya di na nagtagal ang interview at natanggap ako.
Ang schedule ko; Monday to Friday 2:30 pm - 4:30 ako dahil ang uwian ko ay 2:00. Kapag sabado 1:00 pm - 3:00 at linggo pahinga dahil yun ang araw na sarado ang cafe.
Magsisimula na daw ako sa lunes.
* * * * *
Nakauwi na ako sa bahay wala parin sila bukod ate Judy na naka upo sa sofa at umiinom ng softdrinks.
"Hi Lil. sis kamusta" sabi nya pagkatapos tumungga ng softdrinks.
Hindi ako sumagot.
Wala lang.
* * * * *
JUDY' S POV
Whoooo... nakakapagod mamili ng libro halos nasa 40 ang mga libro ko buti nalang talaga dala ko kotse ko.
Kung ano man ang sinabi Julia tungkol saakin maniwala kayo.
Hindi kasi porket bumili ako ng maraming libro eh matalino na. Hindi kaya nakakatalino at wattpad books... ano sa tingin nyo ang bibilhin ko encyclopedia, dictionary, almanac, geometry books. Ano ako matalino magdudugo lang utak ko kakabasa at kaiintindi dyan.
You heard about it... lahat ng librong binili ko ay wattpad books; teen fiction, mystery/thriller, horror at romcom. At yung iba naman manga from Japan at manga from wattpad story na ngayon manga na.
Limited na kasi yan eh.
Nakauwi na si Julia may dalang dalawang plastic bag namili ata.
"Hi Lil. sis kamusta" bati ko.
Pero di sya sumagot.
Ay bastos na bata binge bingihan.
Naglakad sya papunta sa kusina nang bigla kong tawagin ang pangalan nya dahilan para mapahinto sya.
"Julia Cassedy"
Humarap sya pero di sya ngumiti o nagsalita.
"May pasalubong nga pala ako sayo" sabay abot ko sa kanya ng sampung libro.
Tinanggap nya at nagpasalamat "Salamat akala ko nakalimutan mo eh" sabi nya sabay ngiti.
Tatalikod na sana sya ng magsalita ako. "Kamusta na nga pala school"
Ngumiti sya "Ano kaba ate Judy ayos lang kaya MARAMI akong kaibigan. GUSTONG GUSTO nila ako. Kaya wag kang mag alala" sabay talikod nya at nagpatuloy na sa paglalakad papuntang kusina.
Yung ngiti nya kakaiba. Ngayon ko ulit nakitang ngumiti sya ng ganyan,,.nung iniwan kami ni papa. Matamis na ngiti pero sa loob nun puno sya ng paghihirap.
Biglang may nag pop up sa utak ko.
Nang naalala ko sya biglang nabuhay ang galit ko sa kanya.
Kapag nalaman kong may ginawa KANG masama sa kapatid ko.
I'll promise I will not forgive YOU,,. Pagbabayaran mo ang ginawa mong kasamaan sa kapatid ko.
I'll be sure that you will pay for this.
YOU ARE READING
Diary Ni Ms. Nerd | On-Hold
Novela JuvenilPrevious title: Diary ng Nerd Let's join Julia as the Ms. Nerd of the campus and how her life run after she transferred at Sylphynford University. ♡♡♡ Date started: February 2017 Revised: --- Date finished: --- Written by: Theffiana Pink Cover phot...