JULIA' S POV
Nakarating na ako sa university na kinakabahan na nahihiya. Kinakabahan kasi ako ang puntirya ng buong third year salamat kay Jessie na yun. Nahihiya dahil wala na akong mukhang maihaharap dahil sa nangyari kahapon dahil na naman sa Jessie na yun.
Sino ba sya...?_?
Sabihin nating NERD ako dagdagan mo pang pangit ako... Ano namang masama kung ganto ako... Yun lang ba ang dahilan.
Ang sarap nyang sigawan ng "Kung ayaw mo ng katulad ko ikaw ang lumipat, o kung ayaw mo ako makita edi pumikit ka"
Eh baka masabi ko nung siniritan nga nila ako ng ketchup nakayuko lang ako. Wala nga akong nagawa yun pa kaya.
Naglalakad ako na nakayuko... pwedeng sa kahihiyan, pwede ring sa kapangitan.
Samutsaring matang mapanghusga ang mga nakatingin saakin. At bibig ng mga bubuyog na mapamintas.
Sa samutsaring panlalait parang unti unti akong dinudurog. Pero kailan magpakatatag. Kung pwedeng tiisin edi tiisin,,.masokista lang ang peg.
Kung minsan kailangan magpakabingi para di lalong masaktan.
"I'm thankful na hindi nya ako katulad"
"Nakakabad mood naman"
"May nakatakas yatang ANIMAL sa zoo"
Wala akong naririnig...
kunyari wala kong naririnig..
"Magpaderma kaya sya"
"Di ba sya naasiwa sa sarili nyang mukha"
Wala akong naririnig......
Wala talaga......
"Minsan try nyang mag-ayos pang tao"
Mas nasaktan ako sa sinabi nyang 'to.
Tao naman ako nasasaktan din KAYO lang yung hindi nakakainindi nun. Kasi mas pinagtuunan nyo ang panlabas na anyo ko.
Dahil sa di ko napansin ang isang taong iniharang ang paa nya sa dinadaanan ko nadapa ako at nakasalampak ang mukha ko sa sahig.
At dahil don umalingawngaw ang tawanan ng mga estudyate.
Matagal akong di nakatayo pano ba naman ang sakit ng ilong ko.
Saglit Kong nilingon kung sino ang namatid saakin nakita ko pagmumukha nya... edi sino pa ba? Si jessie.
"Ano ba yan.... pangit na nga tanga pa" - jessie
Mas lalong lumakas ang tawan nila.
>>>>>Fast forward>>>>>
Habang nagtuturo si Miss Gapiza ng Math focused ako sa lecture. Mayamaya isa sa mga kaklase ko ang binato ako ng papel at bumagsak yon sa paanan ko. Hindi ko yon dinampot dahil nagsosolve ako ng math problem.
"What is the probability if we have 3 odd numbers; 3, 5, 7,.... and 3 even numbers; 2, 6, 8,....... How many pairs of two digits we have?... class anyone? " - Miss Gapiza
Naglalakad si Miss Gapiza habang nagbabasa. Nang napansin nyang may kalat sa sahig at yun yung papel na ibinato saakin Kanina, natigil sya sa pagbabasa at pinulot iyon at binuklat ito.
Pero ako nakatuon parin ang atensyon ko sa math problem.
Maya maya bigla nyang tinawag ang pangalan ko. "Miss Julia..... are you messing up with me?" sabi nya habang naka kunot ang noo nya.
"Po?........" tugon ko ng may pagtataka.
Sino ba namang di magtaka.... tatawagin ang pangalan mo at magsasalita ng 'are you messing up with me?' sa gitna ng lecture,,,.wala naman akong ginagawa nagsosolve lang ako dito........hala anyare sayo? _?
Pinakita ni Miss ang papel saakin.
Anong meron dyan?
"Po?........" tanong ko ng may pagtataka ULIT..... bkt ba di ko gets eh~
Di porket matalino ako mabilis na akong makaintindi.
"Don't play dumb... miss julia" mas lalong kumunot ang noo nya. Kaya naman inilapit nya ang papel sa mukha ko...
Kulang nalang ipakain nya saakin 'to.
Maliit man pero mapapansin mo maduduling ka nga lang medyo.
"Ano magmamaang maangan ka pa nakasulat na nga dyan ang pangalan mo" - Miss Gapiza
"Pero Miss hindi po ak---" naputol ang sasabihin ko dahil tumalikod sya saakin..... aba bastos na teacher 'to ah!
Ibinalik ni Miss ang papel sa pagka crumpled nito at inilagay nya sa bulsa nya.
"Go to detention! Bago pa magbago ang isip ko at isuspended kita ng tatlong araw."
Anong ginawa ko?
Habang inaayos ko ang gamit ko nahagilap ng mata ko si Jessie at Britney na nagpipigil ng tawa.
Yumuko nalang ako para di ko sila makita at naglakad na palabas ng room.
>>>>>Fast forward>>>>>
Nang natapos na ang dalawang oras ng pagka detention ko.
Na detention pero wala namang ginawang masama...
Dumeretso ako sa canteen para bumili ng makakain. Wala pa namang break time,,. ok yun dahil hindi ako mabubully ngayon ni Jessie.
Tanga eh noh? Pero YES nakatakas din sa wakas salamat sa tangang plano nya.
Pagkabukas ko ng pinto nakaramdam ako ng isang mlakas na pagbato saakin sa ulo, nang hawakan ko ang ulo ko ang lagkit at ang baho at may tumusok saaking parang shell...edi ano paba? Edi itlog na hilaw.
Hanggang nakaramdam ako ng sunodsunod na pagbato.
Katulad kahapon nakastay lang ako sa kinatatayuan ko at pinoprotektahan ang sarili gamit ang pagharang ng braso ko sa mukha.
Nang maubos ang mga itlog syempre natigil sila sa pagbato saakin.
At isang pamilyar na boses ang nagsalita.
"Ang akala mo makakatakas ka dahil napunta ka ng detention at dahil don bago mag break time ka nakalabas"
Unti unti kong ibinaba ang braso at tiningnan kong sino ang nagsalita... si jessie.
"Plinano ko yun para masopresa ka. At para din itanim sa kokote mo na kahit ilang beses mo pang itry na tumakas mahahanap at mahahanap pa rin kita. Kita mo naman marami akong galamay at nagiisa ka lang" -jessie.
Marami daw syang galamay,,.dalawa lang kaya nakikita ko..... ah~ baka invisible yung iba. Jowk!
YOU ARE READING
Diary Ni Ms. Nerd | On-Hold
Teen FictionPrevious title: Diary ng Nerd Let's join Julia as the Ms. Nerd of the campus and how her life run after she transferred at Sylphynford University. ♡♡♡ Date started: February 2017 Revised: --- Date finished: --- Written by: Theffiana Pink Cover phot...