Chapter 5: Clinic

20 4 16
                                    

Si Thyron. Si thug life na kkangpae. Yung mayabang na bumangga sa akin na walang iba kung hindi si Thyron Stradford.

Magsasalita na ulit sana ako pero hindi natuloy kasi bigla siyang nagsalita.

"Release her"

"Boss, di pa kami tapos sa kanya. Kulang pa yan sa mga ginawa niya"

"Are you telling me to repeat my own words?"

"Oyy kayo diyan" sabi nung lalaki na parang assistant ni Thyron habang tinuturo yung iba pa niyang kasama.

"Ano pang tinatayo-tayo niyo diyan?! Narinig niyo naman diba? O talagang mangmang lang kayo dahil hindi kayo makaintindi ng English!" sabi niya ng pasigaw.

"Baka gusto niyo pang i-translate ko sa Tagalog yung sinabi ni boss?!" dugtong niya pa. Akala mo naman kung sino siya, ehh siya nga yung sasabat-sabat sa boss niya. Pagkatapos niya 'yon sabihin ay dali-daling kumilos ang mga kasamahan niya at tinanggal ang nakatali sa aking mga kamay atsaka mabilis aking pinakawalan.

"All of you get out of this room and make sure no one enters. If someone dares to enter, they're doomed."

Agad namang nagsilabasan ang mga tao dito maliban sa aming dalawa ni Thyron. Kami na lang talaga ang naiwang dalawa sa buong silid na ito.

"Your lucky" sabi ni Thyron habang nakatingin sa akin. Tinaasan ko na lang siya ng isa kong kilay na parang sinasabi na 'what do you mean?'

"Maswerte ka dahil ikaw ang pinakamabilis naming pinakawalan dahil halos lahat ng dinadala dito ay mahigit sa kalahating oras na binubugbog, minsan ay isang oras." sabi niya sa akin na nagpabilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"At lahat ng dinala dito ay hindi tumagal dahil napilitan sila lumipat ng school."

Hala! Ano ng gagawin ko? Dahil sa pagiging lutang ko noong oras na 'yon, hindi pala, dahil pala sa hindi ko mapigilan na bibig nung oras na 'yon. Naubos na talaga kasi pasensya ko eh. Pero sabi ko na noon na I will not regret it. I should not regret anything kasi tapos na. Wala na akong magagawa kaya kailangan kong harapin ang kapalit ng mga nagawa ko.

"If you're curious kung meron ng namatay dito. Well, wala pa. Magkakaroon pa lang kasi ikaw ang pinakauna" sabi niya tapos nagsmirk siya. Talaga lang ha. Pinakauna talaga ako.

"It should be an honor to you kasi makikilala ka ng lahat ng estudyante bilang ang pinakaunang estudyanteng namatay dito. Makikilala ka sa history nitong school. Aren't you proud of it?"

Ba't naman ako magiging proud eh mamamatay nga eh tapos kapalit no'n yung makikilala ako sa pagiging unang estudyanteng namatay dito sa school? Grabe! Ang ganda ng maiiwan kong history dito sa school. Pinakaunang estudyanteng namatay sa Stradford University- Ms. Jaznine Myles Quinzel. Huwew. Baka 'yon na lang ang mangyari sa future kapag papatayin talaga ako ng kkangpae na 'to.

"Are you out of your mind?! It should be an honor to me? Na makilala ako bilang unang estudyante na mamamatay dito?"

Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? Baliw na ata siya. Siraulo.

Bigla siyang nagpakawala ng napaka lakas na tawa na nakakainis.

"Kung totoo nga, anong gagawin mo? Pft"

Hindi na lang ako nakasagot dahil hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"I'll think about it, kaya wag ka masyado kabahan kasi baka sa sobrang nerbyos mo matuluyan ka na agad" tapos parang may ginawa siyang senyas sa kamay niya tapos parang may pumasok na tao pero bago ko pa makita kung sino sinenyasan niya, may tao agad na may nilagay na takip sa kalahati ng aking mukha na nagpaantok sa akin kaya napapikit na lang ako.

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon