Chapter 6: Sorry

10 5 4
                                    

...inilapat ko ang aking magandang kamay sa mukha niya at pinasadahan siya ng isang malakas na sampal. Napahawak naman siya sa kanyang mukha at napanganga habang nakatingin sa akin.

"Walang hiya ka talaga! May ginawa ka saken?!" pasigaw kong sabi sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay. Hindi ko pala napansin kanina na nandito yung gang niya na Ace Of Spades.

"What the heck are you talk-" pero bago niya pa ulit masabi ang kanyang sasabihin ay pinasadahan ko na ulit siya ng isa pang malakas na sampal sa kabila niyang pisngi. Napahawak naman siya sa kanyang pisngi na aking sinampal. Wala namang pake yung gang niya at nakatingin lang sa amin. Yung totoo, gang niya ba talaga ito?

"Sabihin mo yung totoo!" sasampalin ko na bale ulit siya nang hawakan niya ang kamay na ipapangsampal ko sa kanya.

"How can I tell the truth kung sasampalin mo lang ako ng sasampalin?" tanong niya ng nakakunot ang noo.

May lalapit na member ng gang nila sa amin ni Thyron pero bago pa siya makalapit ay inilingan siya ni Thyron na para bang sinasabi na wag muna makielam sa aming dalawa.

Kung kailan tapos na akong manampal tsaka tutulong yung gang member niya. May tuliling sa utak.

"Ano bang sinasabi mo?" tanong niya.

"Nagmamaang-maangan ka pa diyan e alam mo naman kung ano ang ginawa mo!"

"You freakin' touch me earlier." tuloy ko pa.

"Sa buong buhay ko hindi ako nakagawa ng ganoong bagay and I'm not a b*tch"

"Hindi ako ganoong klase na tao"dugtong niya pa.

"Sinungaling ka. Prove it then"

"And I'm not the one who took you there" sambit niya muli. Pero kung ganoon, bakit sabi ni Navi sa akin si Thyron daw.

Kumunot ulit ang noo niya at ilan pang segundo ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan.

"All of you gather here" wika ni Thyron. Muntik ko na pa lang makalimutan yung gang niya. Nang lumapit sila ay laking gulat ko na napakarami pala nila. Napaatras na lang ako dahil sa tingin ko sila ang mga taong nagdala sa akin dito earlier. Katulad ng kanina may takip pa rin sila sa kanilang mukha.

"Sino ang nagdala sa kanya sa likod nitong school earlier?" tanong ni Thyron sa kanila.

Wala namang tumaas ng kamay o umimik sa kanila. The silence filled the whole room.

"Ano? Walang aamin sa inyo?" Thyron threatened them.

Bigla na lang natuon ang pansin ni Thyron sa isang member kaya napatingin ako do'n sa direksyon ng kanyang mukha at nandoon ang isang lalaki na nakataas ang kanang kamay.

"Ako" wika nito.

"Come here" wika ni Thyron habang ginagawa ang 'come here' sign gamit ang kanyang dalawang daliri.

Mabilis namang lumapit yung lalaki papunta sa amin.

Tinanggal ni Thyron ang nakatakip sa mukha nung lalaki at mabilis na hinigit ang kwelyo nito ng isa niyang kamay.

"Tell me the truth or you'll be doomed. Did you even do a thing to her?" tanong nito habang nanlilisik ang mga mata sa lalaki. Hindi naman ito makatingin ng diretso sa mga mata niya.

"W-wala akong ginawa sa kanya parang awa niyo na boss, maniwala kayo sa akin" pakiusap nito at parang naiiyak na siya.

Ganoon ba talaga kawalang puso si Thyron na kahit gang member niya ay wala siyang pake kahit na masaktan siya?

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon