AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH BANG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Nabangga nga ni Myles si Myrtel na siya namang ikinabagok ng ulo niya.
___
Nobody's P.O.V.
Nagising na lang si Myrtel sa isang pinakamalapit na hospital kung saan malapit doon ang nangyaring aksidente.
"Hay salamat naman at gising ka na. Ayos ka lang ba?" wika ng nanay ni Myles nang mapansin niyang nagising na ang taong nasa kama na inaakala niyang si Myles. Walang ibang expression ang nakita sa mukha ni Myrtel kung hindi ang pagkatakot kaya hindi nalang siya nakpagsalita kasi nga diba may amnesia.
"Oh bakit di ka sumasagot tatawagin ko lang ang doctor ha?" muling wika ng mommy ni Myles.
10 Minutes Later
Bumalik na yung nanay ni Myles pero umiiyak siya. "Sabi ng doktor, nagka-amnesia ka pero di ko pa alam kung temporary lang yan o pang habang buhay." imik nito sa gitna ng paghikbi.
Nang medyo umayos na siya ay muli niyang kinausap si Myrtel.
"Mo-mmy... ok? sabihin mo nga mo-mmy..."
"Ma..Ma...Mommy?" parang batang tanong ni Myrtel.
"Oo Mommy, ako yung mommy mo"
"Mommy"
"Mommy"
"Mommy"
"Mommy"
Paulit-ulit na lang na 'yon ang sinabi ni Myrtel.
___
Myrtel's P.O.V.So, mga third day na akong nandito sa hospital at marami na din saken naturo si mommy, lagi sya nasa tabi ko kapag may kailangan ako. Boring nga ehh. Sabi din saken ni mommy na Myles daw and pangalan ko. Biglang may pumasok.
"Myles? Huh Myles ikaw nga" sabi nung babae at bigla akong niyakap
"Uhm, sino po kayo?" sabi ko sabay may pumasok na dalawang babae.
"Luh? Myles pati ba kami di mo matandaan?" tapos tumango na lang ako.
"Nabalitaan nga naming tatlo na nagkaamnesia ka daw. Ayos ka lang ba?"
"Ahhh opo ayos lang ako" sabi ko. Sino ba 'tong mga babae na 'to?
"Wag ka nga mag po samen hahaha hindi kami sanay" sabi nung dalwang babae close kaya kami ng mga toh?
"Siguro po close tayo, ayy siguro close tayo" oo nga pala wag daw ako mag 'po' siguro naman magkasing age lang kaming tatlo.
"Ahh oo syempre naman, tayo nga ay kilala sa school ehh"
"Famous?Gano'n" tanong ko pa.
"Parang gano'on na din. Nakilala tayo kasi daw magaganda tayo at hindi ko naman maitatanggi 'yon. That's reality eh"
"Wow ganda ko pala hahahaha" awkward kong wika sa kanila na hindi naman nila ikinatawa. They smiled, but in an awkward way. Isa pa, halatang pilit yung tawa ko.
"Ayos ka lang ba? Sabi ng mommy mo pupunta daw siya eh, siguro pwede na kaming umalis kase medyo awkward pero wag kang mag-alala pag pumasok ka na ulit kukwentuhan ka namin ok?" anong klaseng mga kaibigan ko banaman 'to? Aalis agad eh kakagaling nga lang sa aksidente nung kaibigan nila.
"Sige ok. Bye!" tapos nag bye na lang din sila saken. Pagkatapos no'n dumating na si mommy. Sabi nya saken papasok na daw ulit ako sa Monday. Kaso lang kinakabahan ako kase baka may masamang mangyare.
BINABASA MO ANG
Miraculous Change [Stradford University]
Fanfic||BTS|| ||Red Velvet|| Paano kung ikaw ang pumalit sa sitwasyon ng kakambal mo? Paano kung may magkagusto sayo pero kilala ka niya bilang ang kakambal mo? Sana magustuhan niyo po yung story :-) Nainspired nga po pala ako sa Who Are You:School 2015...