Chapter 12:Other Side Of Him

8 4 3
                                    

Nang makita ko ang kinuha niya, 'yon ay tali.

"Para saan yan?" pangangamba kong tanong. Hala! Baka sakalin ako ng kkangpae na 'to gamit yung tali. Wala siyang sinagot at mabilis niyang kinuha ang kamay ko at itinali sa may likod ng upuan.

"Hoy! Para saan 'tong ginagawa mo?" pagtataka kong tanong. Ang dami talagang alam ng kkangpae na 'to.

"This is for our safety" yun ang sinagot niya sa akin at mabilis na umupo sa driver's seat. Pinaharurot niya na ulit yung kotse ng walang sinasabi sa akin.

"Ano ba?!"

"Alisin mo nga 'to"

"Tanggalin mo nga 'tong tali" inis na sabi ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Ang hirap ka--"

"Can you please shut up your mouth o lalagyan kita ng takip sa bibig mo" nagulat na lang ako sa sigaw niya kaya tinikom ko na lang yung bibig ko.

Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang siya naman, nakatingin lang sa daan. Di niya man lang ako tinitingnan at inuna niya pa yung atensyon niya sa daan.

"Aray!" sigaw ni Thyron kaya napatingin siya sa akin kasi kinagat ko yung braso niya. In fairness ang laki din ng biceps ni kkangpae. Lumalandi na tuloy ako haisst. Nako, Myles kung ano-ano pinagsasasabi mo.

"Nat*nga ka na talaga ng tuluyan" inis na sabi niya and then he pursed his lips. Napangisi naman ako dahil mission success.

"May gana ka pa talagang ngumisi sa akin" sabi niya at itinabi ang kotse sa gilid ng daan. Mabilis siyang lumabas ng kotse at naglibot muna habang ako nakatali pa rin dito na parang hostage. Nang mapansin niya ako, inalis niya na yung nakatali sa kamay ko at umalis ulit siya at tumingin-tingin pa sa paligid.

"Sh*t!" sigaw ni Thyron kasunod ang isang padyak sa sahig. Ang lakas makamura ng kkangpae na 'to. Edi ikaw na ang best in cursing.

"Bakit na naman?" tanong ko habang papalapit sa kanya.

"We're out of nowhere" sabi niya ng hindi tumitingin sa akin. Tiningnan ko ang paligid at nasa isa kaming bridge. Konti lang din ang dumadaan na mga sasakyan.

"Bakit mo naman kasi ako sinama pa eh di sana hindi ako nadamay sa kalokohan mo" reklamo ko ng nakakunot pa ang noo.

"Sa tingin mo ba lagi na lang kalokohan ang ginagawa ko? I just want you to have lunch with me"

"Eh sana sa canteen mo na lang ako dinala"

Seryoso ba siya? Eh di sana in the first place sinabi niya na agad pero si Cath pa rin yung inaalala ko.

Nilapitan ko na siyang tuluyan hanggang sa may dulong gilid ng bridge.

"Why don't you use your phone?" tanong ko sa kanya.

"My phone is dead" mabilis niyang tugon. Iniwan ko din kasi yung cellphone ko sa room kasi di ko naman alam na ganito yung mangyayari eh.

"Iniwan ko yung sa akin sa classroom eh. Hindi ko naman alam na ganito pala yung mangyayari"

Napailing na lang siya sa sinabi ko.

Yung kwintas niya dinala ko, kasi ngayon ko na ibibigay sa kanya.

"Oh, ano tinitingin-tingin mo diyan?" sabi niya nang humarap siya sa akin kasi nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko pa o hindi.

"Oh, heto" sabi ko sabay pakita sa kanya nung kwintas niya.

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon