Chapter 16: Diary

11 4 5
                                    

Myrtel's P.O.V.

"Wala ba kayong klase ngayon anak? Napaaga ka, ata ng uwi." Tanong ni mommy habang may ginagawa sa kusina.

"Masama po pakiramdam ko kaya po pinauwi na po ako." Palusot ko.

"Tataas na po ako. Wag po kayong mag-alala, ako na bahala sa sarili ko."

Tumango nalang siya at mabilis na akong dumiretso sa kwarto ko.

Pinauwi na kase ako ni Thyron pagkatapos ng ka-OAn niya. Pero mas maayos nga na umuwi agad ako kase wala naman din akong magagawa.

Humiga nalang ako sa kama at bumuntong hininga. Tinitigan ko lang yung mga kahon na nasa gilid ng kwarto nang may mapansin akong notebook na nasa may ibabaw.

Nacucurious ako kaya pinuntahan ko 'yon at kinuha yung notebook.

Maliligtas na din kita. Mahahanap kita...
Myrtel.

"Myrtel?"
Napahawak na lang ulit ako sa ulo ko nang may maalala na naman ako pangyayare.

Diary ko ba 'to?
Sino ba talaga ako?
Myles ba talaga pangalan ko?

Binasa ko ulit yung nasa notebook o sabihin na nating 'diary'.

May kakambal ako?

Binuksan ko yung mga nasa kahon at nakita ang maraming kung ano-ano pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung picture frame. Picture ng magkambal na bata.

Tiningnan ko ang nasa likod non at may nakasulat na 'Myrtel and Myles'.

???

Naguguluhan ako.

Si mommy! May alam kaya siya dito?

Bumaba agad ako at nakita si mommy na nasa may living room.

"Mommy!" Sigaw ko atsaka punta sa kanya.

"May kakambal ba ako?!"

Bakas naman ang pagtataka sa mukha niya. Ibig sabihin wala siyang alam? Pero... arghh.

"Anong sinasabi mo Myles?"

Pinaupo niya ko sa tabi niya kaya sumunod nalang ako.

"Ampon ka lang, anak."

"Ampon?" Hinde-hinde. Ambon talaga yon, oo.

"Matagal mo na yang alam, 'di ba? Nagkaamnesia ka nga pala." Sabi naman ni mommy.

Ibig sabihin walang kinalaman si mommy dito?

_____

Kakapasok ko lang sa school at kasalukuyan na naglalakad. Sinabi ko kina Leigh Ann na mauna na sila kase naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayare.

Gusto ko na malaman lahat.

"Yow! Musta Myles?" Rinig kong sambit ng isang lalaki at sure ako na si kkangpae 'yon.

Inakbayan niya ako at mabilis ko naman 'yon inalis.

"May sakit ka na ata eh." Wika niya at bale ilalagay niya yung kamay niya sa ulo ko pero tinapik ko agad 'yon nang malakas.

"Ano ba problema mo?! Kung sa tingin mo nakakatuwa ka pa, saken hinde!" Sigaw ko. 'Di ko alam kung bakit ako nagiging ganto. Naguguluhan ako kung ba't ako nagiging ganto. Sino ba talaga ako?
Ako ba si pokwang o ako si pekwang.Tatay ko ba si pando o si tetong,eh ba't kamuka ng kaklase ko si Miduri Gurinuu. Hehehehehe echos ang.Pero galit parin ako kay Thyron, pero bakit nga ba ako galit sa kanya?

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon