Myrtel's P.O.V.
Pagkaupo naman ni Clark sa upuan nakikipag-apir siya sa akin at syempre ano ang ginawa ko? Hindi ko 'yon tinanggap. Bago ko na naman makalimutan, yung kwintas pala ni Thyron na sa akin pa. Mabilis ko 'yon kinuha mula sa bag ko pero hindi ko muna pinakita kay Thyron. Napatingin ako ng bigla kay Clark nang magsalita siya.
"Kapag minamalas ka nga naman oh. Malapit pa sa pwesto ko yung duwag at hindi marunong makipaglaban kahapon" pagpaparinig ni Clark kay Thyron.
"Eh di lumipat ka ng upuan" sagot naman ni Thyron habang hindi tumitingin kay Clark.
"Hindi naman ikaw kausap ko ah" tugon naman ni Clark kay Thyron.
"Nagsuggest lang yung tao. Sino bang may sabi na diyan ka umupo? Ikaw naman din pumili ng upuan mo" rinig kong sabi ni Thyron kasunod ang mura at ngumisi pa.
Nang tumingin naman ako kay Clark ay parang gusto niya ng suntukin si Thyron dahil sa kamay niya. Nanlilisik na yung mata niya kay Thyron pero si Thyron, dedma lang at may kung anong hinahalungkat sa kanyang bag.
May sasabihin na bale si Clark at may pakiramdam na ako na lalaki pa ang walang kwentang sagutan nila kaya inilingan ko na lang siya.
___
Lunch break na at nakakaiyamot dahil tunog ng tunog yung phone ko habang nasa klase kami. Pagkatingin ko naman do'n ay yun pa rin yung unknown number.
Nagtext din pala sa akin si Cath na sorry daw. Ano nga ba ginawa ni Cath? Kakabigay ko lang sa kanya nung number ko nung mga isang araw eh. Tamang-tama lang dahil ayan na si Cath papunta sa akin, nasa may veranda kasi ako.
"Myles!" sigaw ni Cath habang papunta siya sa akin.
"Ano ba yung tinext mo sa akin kagabi?" bungad ko sa kanya.
"Sorry talaga Myles" sabi ni Cath sabay kagat labi pa.
Cath's P.O.V.
Ano ng gagawin ko? Baka magalit siya kapag sinabi ko. Binigay ko kasi kay Thyron yung number niya o pwede na rin nating sabihin na dun talaga sa kabarkada niya.
*Flashback*
Naglalakad na ako pauwi ng mag-isa kasi si C.J. ay sasama daw kina Navi para daw sa group activity na hindi nila natapos.
Tahimik akong naglalakad nang may marinig akong sumigaw.
"Hoy! Babae" sigaw nito mula sa likod ko. Hindi ko iyon pinansin kasi siguro naman hindi ako yun.
"Aba, pakipot pa ang pucha" mahinang sabi nung lalaki kahit narinig ko pa rin 'yon.
"Ganda!" sigaw ulit nung lalaki. Alangan namang lumingon ako, baka sabihin pa nito na assuming ako. Pero paano bang hindi ako lilingon eh kung 'yon naman yung totoo.
Palingon na bale ako sa likod nang batukan ako sa ulo nung lalaki. Napahawak na lang ako sa aking ulo at hinarap yung lalaki at tumatawa pa ang luko.
"Masakit 'yon ha! Akala mo naman kung sino ka!" kinapalan ko na yung mukha ko at hinampas ko siya ng malakas pero parang wala lang 'yon sa kanya. Nananahimik ako ditong nag-lalakad tapos bigla-bigla na lang siya darating.
"Ang arte mo pa! Ayaw mo na lang lumingon. Kulang pa ata yung gusto mo marinig sa akin. Gusto mo pa atang sabihin ko sayo na sexy, cute at kung ano ka pa." reklamo nito. Aba'y, sexy naman talaga ako ah. Isa na din yung pagiging cute ko.
"Buti naman napansin mo" sagot ko at nilagpasan na siya. Makulit din ang lalaking 'to nang harangin niya ako.
"Ano ba kailangan mo?!" bwiset na sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Miraculous Change [Stradford University]
Fanfiction||BTS|| ||Red Velvet|| Paano kung ikaw ang pumalit sa sitwasyon ng kakambal mo? Paano kung may magkagusto sayo pero kilala ka niya bilang ang kakambal mo? Sana magustuhan niyo po yung story :-) Nainspired nga po pala ako sa Who Are You:School 2015...