Chapter 8: Lights

21 5 11
                                    

Myrtel's P.O.V.

Makalipas pa ang ilang minuto ay itinunghay ko na ulit ang ulo ko. Wala pa rin yung teacher namin kasi daw may meeting daw na pupuntahan, sabi ng class president namin.

I glanced at Thyron and he's not talking. Wala siyang ginagawa na para siyang lutang o sabihin na din nating lutang talaga siya. Ang mga iba ko namang kaklase ay patingin-tingin pa rin sa akin na parang ako ang pinagchi-chismisan.

Medyo malayo din kasi ang pwesto nila L.A. sa akin kaya di ako makadaldal.

Naisipan ko na tanungin si Thyron pero bago ko pa magawa iyon ay bigla siyang tumayo at sinenyasan ang mga kasama niya na sumama sa kanya. Sa tingin ko ay ang madalas niyang kasama ay yung mga importante o may posisyon na miyembro sa gang niya. Ang madalas niyang kasama ay yung pitong lalaki na 'yon. Yung nakita ko siguro dati do'n sa madilim na kwarto ay yung buong gang niya. Tiningnan ko na lang sila hanggang sa makaalis sila ng tuluyan.

Muntikan ko pang makalimutan yung mga conyo girl at pabebe girl dun sa canteen. Humanda sila sa akin, akala nila ah. Buti na lang talaga at hindi naubos ang pasensya ko kanina dun sa mga maaarteng babae na 'yon. Kung hindi talaga sumakit ang katawan, ko baka nakutusan ko na sila.

"Oy,oy,oy!" wika ni Cath sa akin habang pinapapunta ako malapit sa kanya. Umiling na lang ako kasi shemay, ang sakit pa rin ng katawan ko. Natalisod lang ako kanina pero matinde!

Wala na siyang nagawa dahil sa reaksyon ko kaya dali-dali siyang lumapit papunta sa akin at agad na umupo sa pwesto ni Thyron.

"May ichi-chismis ako sayo Myles" sabay ngisi.

"Sorry talaga kanina kasi naman bigla kang tumakbo. Papunta na bale kami sayo kaso lang hinarang kami ng main members ng Ace of Spades.
Sinabi nila na 'wag na daw muna kami makielam, gusto ko na nga sana silang itulak palayo para makapunta pa rin kami sayo kaso lang bigla nila kaming hinila na sa totoo lang ay kinaladkad na kami papunta sa classroom. Habang nasa daan kami, nagpumiglas ako sa hawak nung lalaki pero sinabi niya na mas mabuti daw na 'wag makielam muna at sila na daw ang bahala sayo." sabi ni Cath.

"Oh, yun na yung ichi-chismis mo?" tanong ko ng may panghihinayang sa mukha.

"Hindi, sinabi ko lang sayo yun kasi baka magalit ka sa amin."

"Heto na talaga yung totoong chismis. Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase natin kung anong nangyari sa canteen. Sabi nila nung umalis ka daw sa canteen, pinuntahan daw ni Thyron si bichy gurl at sinabihan na 'How dare you tell everyone that you're my girlfriend?' tapos daw nun hindi nakasagot si bichy gurl dahil sa kahihiyan. 'You've never been my girlfriend ever and you'll never be' tuloy pa daw ni Thyron.'Call all the members' sabi daw ni Thyron dun sa kasama niyang isa. 'Bring her to the tenebrous room' sabi pa daw ulit ni Thyron dun naman sa natira niya pang mga kasama. Tapos nung oras na daw na 'yon napaluhod na si bichy gurl sa sahig at nag-makaawa kay Thyron na iligtas siya pero hindi daw siya pinakinggan ni Thyron."

Buti nga sa kanya. Akala mo kasi kung sino siya, ang sarap ahitin ng kilay hahaha.

Nakakatamad naman dito. Sundan ko kaya sina Thyron? Teka, ba't ko naman siya susundan? Pero mas maayos din siguro kung lalabas ako dito sa classroom para makaalis sa boring na state ngayon.

Tumayo ako at tumingin kina Cath habang nakatitig sa kanila sa isang seryosong mukha.

"Oh, ano ang balak mong gawin?" tanong ni Cath sa akin.

"Sundan natin sila" pagyayagak ko sa kanila. Wala namang pake yung iba kong kaklase kasi akala mo naman gumagawa talaga sila nung activity.

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon