Chapter 9: He's Coming

15 5 15
                                    

Napagpasyahan ko na lang na hindi na pumunta pa sa classroom at maglakad-lakad na lang dito.

Tsk! Bipolar pala yung kkangpae na 'yon. Minsan sobrang seryoso, minsan pabiro yung pangaasar niya sakin, minsan sobrang sensitive katulad na lang noong una ko siyang nakilala, minsan ang babaw ng rason niya sa lahat, tapos minsan may kalandian din pala siya na 10%. Grabe bipolar talaga.

Hihintayin ko na lang magdismiss sila kasi mga 5 minutes na lang naman eh.
___

"Oy Myles libre naman diyan oh, hindi ka na nga bumalik sa classroom kanina" sabi sa akin ni Navi habang kasama sina Cath.

"Aba, aba, aba, nakalimutan mo na ata ang ginawa mo last two weeks sa akin" tugon ko sa kanya habang nakapameywang.

*Flashback*

"Sorry na talaga Myles" pagmakaawa sa akin ni Navi.

"Bakit mo naman kasi sinabi na si Thyron yung nagdala sa akin sa likod ng school at may ginawa pa sa akin. Nagmukha tuloy akong baliw sa harapan niya."

"Ginawa ko lang naman kasi 'yon para makaganti sayo."

"Grabe naman 'yon! Maliit na bagay lang naman yung ginawa ko sayo tapos ikaw grabe kung makaganti saken" sambit ko habang nakakunot ang noo.

"Please na, kalimutan mo na lang sorry talaga" sabi niya habang nagpu-puppy eyes saken. Hindi ko na din siya natiis kaya sabi ko sa kanya na ok na pero may kapalit, syempre naman ikaw banaman eh gantihan ng mas malala.

"Kailangan mong magdala ng gamit ko tuwing umaga hanggang hapon for one week, atsaka ikaw ang laging manlilibre, gagawa ng assignments ko, gagawa ng activities ko, magpro-provide ng lahat ng gagamitin ko araw-araw." sabi ko ng walang tigil. Savage amputspa.

"Sobrang dami naman! Yaya lang ang peg. Dalian mo naman" pagrereklamo niya.

Nakonsensya naman ako at naawa sa kanya kaya sinabi ko na lang na malaki ang utang niya sa akin kaya sa future na lang ang pwede kong maipagawa sa kanya.

*End Of Flashback*

Napatingin na lang siya sa akin na para bang hindi alam ang sinasabi ko sa kanya.

"Yung sinabi mo na si Thy--" naputol ang sasabihin ko para ipaalala sa kanya nang maalala niya na nga bago ko pa matapos ang sasabihin ko.

"Ahh! Geh, uwi na ako madami pa kong gagawin eh" palusot pa niya at akmang tatakbo na siya nang hilahin ko ang bag niya pabalik sa akin.

"May plano ka pa talagang tumakas ha"

"Anong planong tumakas? Ang dami kaya nating gagawin bukas, di ba L.A.?" sabay taas ng isang kilay kay L.A. ng mabilis nang hindi nagpapahalata kahit alam ko at nakita ko naman.

"Hinde" tugon ni L.A.

Malakas na tawa naman ang lumabas galing kina Cath at C.J. na sinabayan ko. Iyamot na mukha naman ang tugon ni Navi sa amin.

"Ano ba yan! Hindi ka na lang nakisama" wika pa nito habang nagpapapadyak sa sahig.

"Sorry ka nalang, ikaw ang manlilibre ha?" sabi ko sa kanya ng natatawa pa ng konti.

"Fine" malumanay na sagot ni Navi. Nagsigawan naman kami do'n.

"Dadating na siya" wala sa sariling sabi ni L.A. habang nakatingin sa kawalan pagkatapos tingnan ang kanyang cellphone.

"Ano?" nakakunot noo kong tanong sa kanya.

"Ha?Ah wala" tugon niya sa akin. Sinong dadating? Ano daw? Nababaliw na ata 'tong si L.A.

Miraculous Change [Stradford University]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon