Tumingin muna ng saglit sa akin si kkangpae at muling ibinaling ang atensyon dun sa lalaki. Ang gwapo nung lalaki kahit papaano. Tumahimik naman ang paligid habang kaming magkakaibigan ay pinapanood lang sila.
"What did you just say?" tanong ni kkangpae breaking the silence.
"Bingi ka ba? I said lay one finger on her and you'll be dead" sagot nung lalaki kay kkangpae. Nakakatakot siyang tingnan dahil nanlilisik ang mga mata niya. Napatawa na lang si kkangpae at ang mga kasama niya.
"Ako?" tanong ulit ni kkangpae while pointing his finger sa sarili niya. Ang luko ay bahagyang natatawa pa.
"Boss, hinahamon kayo ng isang 'to. Ano? Bubugbugin na ba namin?" tanong nung isang kasama ni kkangpae. Para namang walang narinig si kkangpae at hindi tumingin sa mga kasama niya.
"Akala mo ba matatakot ako sayo?" tanong na naman ni kkangpae habang nakangisi. Tumingin naman siya sa akin kaya napapunta ang atensyon ko sa kanya. Inalis niya ang kamay nung lalaki at mabilis niyang hinawakan ang wrist ko. Hihigitin na bale ako ni Thyron nang sipain nung lalaki sa tagiliran si kkangpae kaya napabitaw siya sa akin.
Lalapit na bale yung mga kasama ni kkangpae kaso lang sinenyasan niya sila na wag lumapit.
Patayo na si kkangpae ng may gawing parang taekwondo movements yung lalaki kaya bumagsak ulit si kkangpae. Sheyt! Ano ba yan, bakit naaawa ako kay Thyron dapat nga masaya ako dahil sa nangyayari sa kanya ngayon.
Akmang titirahin na ulit nung lalaki si Thyron pero pinigilan ko siya kasi as usual yung konsensya ko na naman. Hindi na nga ata makatayo si Thyron eh.
Nagpaawat naman yung lalaki at yung mga kasama naman ni Thyron tinutulungan siya.
Nagtinginan ulit silang dalawa habang di pa rin natayo si kkangpae.
"Don't help me! I can manage myself at isa pa, wag niyo nga ipamukha na mahina ako. Mga tarantado! Alis diyan!" galit na utos ni kkangpae sa mga kasama niya. Buti nga at tinulungan pa siya. Makatarantado naman eh.
Lumayo yung mga kasama niya pero hindi pa rin siya makatayo. Sobrang bilis kasi nung lalaki. Ano? Tulungan ko na ba?
"Tandaan mo na hindi ako madaling kalaban. Mag-ingat ka na sa susunod kapag nakita mo ako at huwag mong lapitan si Myles kung hindi, di mo magugustuhan ang mangyayari sayo" sabi ulit nung lalaki.
"Ang galing mo talaga Clark! Buti na lang at tama ang timing mo" biglang singit ni L.A. Clark? Siguro naman yung lalaki na yun si Clark.
Hinawakan nung Clark daw sabi ni L.A. yung wrist ko at naglakad palayo habang nakasunod sa amin sina L.A.
At muntikan ko pang makalimutan yung kwintas ni kkangpae nga pala. Hinila banaman kasi ako nung Clark. Bago pa kami tuluyang makalayo ay tumingin muna ako ng saglit kina kkangpae at ayaw pa rin niya tumayo. Nag inarte pa doon at mukhang naiinis habang nakaupo.
"Hindi ba natin siya tutulungan?" tanong ko dun kay Clark.
"Bakit ko pa siya nilampaso kung tutulungan lang naman din natin siya?" sagot nito. Sa bagay, may point. Pero... haisst, wala na akong magagawa.
Tumigil kami sa tapat ng isang coffee shop. Ano na? Hindi ko naman 'to kilala.
"Ayos ka lang ba? May ginawa ba yung barumbado na 'yon sayo? Anong masakit sayo?" tuloy-tuloy na tanong nung Clark sa akin habang sinusuri pa kung may mga sugat nga ako. Kaano-ano ko ba 'to?
"Ah, okay lang ako" nahihiyang sagot ko at inalis ang pagkakalagay ng kamay niya sa braso ko. Hindi ko siya kilala at isa pa, naiilang ako.
"Buti naman at bumalik ka na" wika ni L.A. sabay yakap dun kay Clark. Baka naman boyfriend 'to ni L.A.
BINABASA MO ANG
Miraculous Change [Stradford University]
Fiksi Penggemar||BTS|| ||Red Velvet|| Paano kung ikaw ang pumalit sa sitwasyon ng kakambal mo? Paano kung may magkagusto sayo pero kilala ka niya bilang ang kakambal mo? Sana magustuhan niyo po yung story :-) Nainspired nga po pala ako sa Who Are You:School 2015...